My body still hurts at tensiyonado ako kaya hindi ko na magawang ngumiti kahit sino man sa mga kasama ko. Hinayaan kong si Pavel ang magdala sa maleta ko habang alalay ako ni Viktor habang bumababa ako sa plane. Alam kong alam naman na ng mga kaibigan namin ang ginawa namin ni Viktor bago kami matulog kanina at wala na akong magagawa pa roon. Besides, hindi iyon ang gusto kong isipin dahil ilang sandali na lang at makakaharap ko na ang mga taong ayoko na sanang makita pa.
"Nikolai!" Napatingin ako sa aming harapan nang marinig ko ang boses ni Mommy. She was almost sprinting towards me habang nasa likuran niya ang ate ko. As expected, silang dalawa lang ang sasalubong sa akin. Ano pa ba ang aasahan ko sa ama at Kuya ko, hindi ba?
Agad akong niyakap ni Mommy. Maingat naman siya dahil naka-sling pa rin ang braso ko.
"Oh my goodness, my baby boy!" paulit-ulit niyang sambit habang hinahalikan ang buong mukha ko.
"Mom," bati ko sa kanya nang sa wakas ay tigilan na niya ako. Lumingon ako sa mga Kasama ko at isa-isang bumati kay Mommy.
"Nikolai."
Tumingin ako sa kapatid ko na matamis na nakangiti sa akin. I didn't smile back at her kaya nabura ang kislap sa mga mata niya. Bahagya ring nabawasan ang ngiti niya nang lumapit siya sa akin. Sinubukan niya akong yakapin ngunit umatras ako kaya naestatwa siya sa harapan ko.
"Nikolai," nagdaramdam na sambit niya sa pangalan ko ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Bumaling ako kay Mommy.
"I'm starving, Mom," sabi ko sa kanya kaya mula sa pag-aaral niya sa ginawa kong tila pang-ssnob sa ate ko ay bumaling sa akin ang buong atensiyon niya.
"I'm expecting that kaya nagpa-reserve na ako sa restaurant ng hotel na paborito mong puntahan noon. Let's go?" Tumango ako sa kanya bago ako lumingon sa mga kaibigan kong tahimik na naghihintay sa mga susunod na mangyayari. Alam kong nagtataka rin sila sa cold treatment ko sa kapatid ko ngunit naghihintay din si ng pagkakataon na ako mismo ang magsasabi sa kanila ng dahilan.
Sumunod kami sa paglalakad ng kapatid ko dahil nakahawak pa rin sa braso ko ang Mommy ko. Tatlong sasakyan ang naghihintay sa amin. Dalawa para sa mga kaibigan ko at ang isa ay para sa amin nina Mommy at Ate.
"Nikolai, nagtatampo ka rin ba sa ate mo kaya hindi mo man lang magawang ngumiti sa kanya?" malambing na paninita ni Mommy sa akin nang nasa loob na kami ng sasakyan. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ng ate ko.
"I'm really sorry, Nikolai. I've been busy with my life that I've failed to send you messages and gifts last Christmas. You've received the previous ones though, right?"
Nilingon ko si Mommy. I know that siya na ang nagpasalamat on my behalf sa mga regalong ipinapadala ni Neriah sa akin sa Russia dahil hindi naman ako nagpapasalamat talaga para sa mga iyon.
"Stop sending me gifts," malamig kong sagot sa kanya. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"Niko, are you still mad at me about what happened before you left for Russia?" hindi niya napigilang itanong sa harapan ni Mommy na nagtatakang pinaglipat-lipat sa aming dalawa ang mga mata niya.
"What happened between the two of you before your brother left for Russia, Neriah?" curious na tanong niya.
Nanikip ang dibdib ko. Hanggang ngayon, walang kaalam-alam si Mommy sa totoong dahilan kung bakit umalis ako noon. Ang alam lang niya ay dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng ama ko at ang pagseselos ko sa kapatid kong lalaki. Neriah and I looked at each other. We're both daring one another to spill the truth pero siya ang unang sumuko.
"He can't understand that I can't go with him, Mommy." Napaismid ako sa naging sagot niya. Ako pa talaga ang pinalabas niyang immature.
"Nikolai, is that true?"
"Will you believe me if I tell you that it is not, Mom?" paghahamon ko kay Mommy. Napanganga siya sa akin.
"I..."
"Then just believe whatever she says or whatever people say about me, Mom. I don't really care," seryoso kong turan at pagkatapos ay pumikit na telling them that I don't want to speak to any of them anymore.
Nang makarating kami sa hotel, na siyang pinakamalaking hotel sa bansa namin, agad na kaming dumiretso sa restaurant. At since hindi ko pinagtuunan ng pansin ang pagpapakilala sa mga kaibigan ko sa kapatid ko, si Mommy na ang gumawa niyon.
"So you're American," amused na saad ni Neriah kay Jethro. "And a senator's son, huh?"
"The bastard and the favorite," Jethro smugly said.
"I didn't know that my brother has one influential friend."
"Pavel and Viktor are more influential than I am. Pavel's father owns one of the biggest companies in Russia while Viktor's uncle is Russia's wealthiest businessman, Princess," may pagyayabang na saad ni Jethro.
Nang sulyapan ni Neriah si Viktor, eksakto namang naglalagay ito ng meat dish sa plato ko. Tumaas ang kilay nito.
"That's why your brother was well taken care of in Russia, Neriah," sabat naman ni Mommy para mawala siguro ang malisyosong ideya sa isipan niya sa nakikita niyang pag-aasikaso sa akin ni Viktor.
"He's more of a princess then rather than a prince in Russia at the way his friends treat him, Mom." Pakiramdam ko ay doble ang kahulugan ng sinabing iyon ng kapatid ko kaya malamig ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
"They treat me as family, that's what it is. They're always there for me without prejudice whenever I need someone. They aren't scared to defend me and take care of me whenever I am hurt. You know, things that you failed to do."
Napasinghap sila sa sinabi kong iyon.
"Nikolai, don't start. Kadarating mo pa lang... "
"Do you want us to leave then?" paghahamon ko kay Neriah na natameme sa sinabi ko.
"Niko, stop this, please!" Mommy begged and it made me sigh. I know I'm being toxic but I can't help it. I hate being here.
"Excuse me. I need to go to the restroom." Bago pa makapagsalita ang sinoman sa kanila, tumayo na ako.
Neriah went after me. Humawak pa siya sa braso ko na dali-dali kong ipiniglas para mabitawan niya.
"Nikolai, whatever I did in the past that made you hate me, I'm so sorry okay? Bata pa lang ako noon. I didn't exactly know what was really right and what was wrong. Like you, I am scared, too. Natatakot akong kapag sinabi ko ang nangyari kay Mommy, hihiwalayan niya si Dad. Magkakawatak-watak tayo. Malaking eskandalo kapag nangyari iyon!"
"So mas mabuti nang ako ang mawala kesa madamay iyong buong pamilya ninyo?"
"Nikolai, what are you talking about? You're our family, too! Besides, you were safer away from him! You've realized that, didn't you?"
"Kung pamilya mo ako, why didn't you assure me that you've got my back? That someday, you can do something for me? Defend me, perhaps? Was it really hard to do that back then, Neriah? Why did you have to be like them? Blame me for things I don't have control of? Blame me for monsters I didn't create?" Nanhahapdi ang mga matang tanong ko sa kanya.
"Nikolai, I'm really sorry. I promise. Babawi ako sa'yo. Once Noah becomes the King, if you wish to tell him what happened to you, I will be on your side. I will be your witness. I will be... "
"Stop it, Neriah. You know you won't do that for me. You're too scared of him getting mad at you, right? King or not, you're still scared of him."
Napayuko siya. Sandali kaming natahimik bago siya muling nagsalita.
"For Mom, can we have a truce? Siya ang naaapektuhan sa nangyayari ngayon. Hindi ka ba naaawa sa kanya, Niko? Marami na siyang sakit na dinanas dahil sa pagkakalayo mo sa amin. Halos araw-araw ka niyang pinapaalala sa amin. Can you spare her of your anger, please?" pakiusap niya.
Tumango ako pagkatapos kong mapabuntong-hininga. Naaawa rin naman ako kay Mommy who was suffering because of my cold treatment towards both of them.
...
Pagkatapos maihatid ang mga kaibigan ko sa bahay na pansamantalang paninirahan nila, sumama na ako kina Mommy at Ate sa palasyo. Kabado ako. Pakiramdam ko ay hubad na hubad ako sa sandaling muli akong tumapak sa lugar na iyon. Ni Hindi ako makangiti. Kahit ganon, hindi maipagkakailala ang mga humahangang sulyap na ibinabato sa akin ng mga guwardiya at ng mga staff ng palasyo habang dumaraan ako sa harapan nila. I admit, Hindi sa pagbubuhat ng sarili kong bangko, I am way prettier compared to my older sister. Naghati kasi sa mukha niya ang features ng parents namin. Samantalang purong mukha ni Mommy ang dala ko. Kung may nakuha man ako sa akong ama, iyon ay ang kulay lang ng mga mata ko. Only I, among us siblings, have those grey eyes.
"Nikolai," masayang salubong sa akin ng Lola ko na siya pa ring Reyna ng Serin. Niyakap ko siya gaya ng pagyakap na ginawa niya sa akin. Siya ang isa sa pinakapinanabikan kong makita sa pagbabalik ko sa bansa namin.
"Oh, Nikolai. You've grown up so beautifully, my dear. What happened to your arm?" nag-aalala niyang tanong sabay tingin sa braso kong naka-sling.
"Sports accident, your highness," nakangiti kong sagot. Hinaplos niya ang pisngi ko. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano niya ako na-miss. Tumingin ako sa Lolo ko na nakangiting pinapanuod kami. Siya na mismo ang lumapit sa akin at pagkatapos kong magbigay-galang sa kanya, nakangiti rin niya akong niyakap.
"Our Nikolai is finally back!" masigla niyang saad na pinalakpakan ng mga kamag-anak naming naroroon ngayon.
"Your highness, sasang-ayon ka ba kung sasabihin kong siya ang pinakaguwapong apo mo?" nakangiting tanong ng auntie ko na siyang susunod sa ama ko.
"Thank you, Aunt," pasasalamat ko sa kanya.
"Sana pala ay pinag-aral ko rin sa Russia ang pinsan mo para gumuwapo rin siya ng ganyan." Nakangiting lumingon siya sa anak niyang lalaki na nakangiti ring nakatingin sa akin. Lumapit siya nang ngitian ko siya.
"Hindi ka ba naging celebrity sa Russia, Nikolai? My goodness, parang gusto kong ma-self conscious ngayong nakatayo ako malapit sa'yo." Natawa ako sa sinabi niyang iyon.
"Prince Nikolai," bati Naman sa akin ng nakababatang niyang kapatid.
"Princess Jada," bati ko pabalik na ikipinanlaki ng mga mata niya.
"You know my name!" natutuwa niyang saad na ikinatawa ng mga nasa tabi namin.
"Of course. I don't forget." Sumulyap ako kay Neriah na malungkot na ngumiti sa akin.
Bumati rin ang isa pang uncle ko at ipinakilala ang kanyang napangasawa ang mga anak. Wala na ako sa Serin nang magpakasal at magkapamilya siya.
"Prince Niccolo and Prince Noah has arrived!" anunsiyo ng isa sa mga guwardiya ng palasyo at lahat kami ay napabaling sa entrada ng palasyo. Kasunod ng ilang guwardiya na naglalakad papalapit sa amin ay ang ama at ang kapatid ko. Nag-umpisang manginig ang libreng kamay ko kaya agad ko itong ikinuyom.
"Nikolai," masiglang bati ni Noah nang makita niya ako. Alam kong kung hindi lang niya kasama ang ama namin, tatakbuhin niya ako agad at yayakapin. Kaagad akong nagyuko ng ulo bilang pagbati sa kanya. Nang mag-angat ako ng tingin, nasa harapan ko na siya at pinagmamasdan ako.
"My, my. My little brother has grown. Magkasing-tangkad na tayo ngayon."
"Greetings, Prince Noah," bati ko sa kanya. Humawak siya sa braso kong may sling.
"What happened here, Nikolai?"
"A little accident at school, brother." Tumango-tango siya sa akin.
"Was it because of a woman, Prince Nikolai?" curious ngunit nanunukso ang mga mata niyang tanong. Tumango ako. Technically, dahil naman talaga iyon kay Geneva.
"Nikolai."
Nahigit ko ang hininga ko nang marinig ko ang ginawang pagtawag ng ama ko sa pangalan ko.
Pinalakas ko ang loob kong bumaling sa kanya. He wouldn't dare hurt me nor embarrass me in front of his family, right?
"Prince Niccolo," bati ko sa kanya sabay yuko.
"Nikolai, why are you addressing your father like that?" pansin ng Lola ko sa itinawag ko sa ama ko.
"Call me dad, Nikolai. We are with our family anyway," casual na saad ng ama ko. Tumango ako ngunit hindi ko magawang tawagin siyang dad. Hindi naman talaga siya nagpakaama sa akin sa totoong kahulugan ng salitang iyon.
Dahil hindi ako lumalapit sa kanya, siya na ang kusang lumapit at yumakap sa akin. Gumapang ang pangingilabot sa buong katawan ko. Tumayo ang lahat ng balahibo ko nang bumulong siya sa akin habang yakap-yakap pa rin ako.
"I've missed you so much, Nikolai."