Chapter 43

2389 Words

Napalingon ako sa isa sa mga assistant ko na nasa kuwarto ko nang may matanggap siyang tawag. Habang kausap niya ang nasa kabilang linya at patingin-tingin siya sa akin kaya alam kong kung ano man ang sinasabi ng kasama nito, may kinalaman iyon sa akin. Napabuntonghininga ako at tahimik na naghintay sa ibabalita nito. Dalawa ang assistant na itinalaga sa akin ni Etienne na kasa-kasama ko dito sa palasyo saan man ako magpunta. Kahit ilang beses ko na silang tinanggihan dahil kaya ko naman ang sarili, ipinipilit pa rin sila ni Etienne sa akin. Kaya para wala ng mahabang usapan, pumayag na lang ako. Ang tanging pagkakataon lang na napagsosolo ako ay kapag nagbabanyo ako. Kanina ngang kausap ko si Pavel, kinakailangan kong mag-switch sa Russian para hindi nila maintindihan ang pinag-uusapan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD