Kanina pa ako nakatitig sa phone na hawak ko. Etienne bought it for me dahil naiwan ko ang phone ko noon sa bahay ng pamilya ko. It remained useless after being bought. Nakatabi lang iyon sa mga gamit ko. Ngunit ngayon, magagamit ko na iyon para kontakin ang mga kaibigan ko. Alam kong maaaring galit na galit na sila sa akin. Alam ko naman na hindi naging maayos ang paghihiwalay namin noong magpaalam ako sa kanila pagkatapos ay halos isang buwan ko rin silang hindi kinausap para dagdagan ang paliwanag na iniwan ko noon sa kanila. Sa tingin ko kasi noon ay sapat na ang mga sinabi kong rason para talikuran ang buhay ko sa Russia at sumama kay Etienne. I never really thought about their feelings dahil nakatutok lang ako sa nararamdaman ko at sa mga pinagdaraanan ko. Ngayong may pagkakataon n

