KABANATA 1: Ikaw lang ang iibigin ngayon, bukas at hanggang sa ako'y nabubuhay.
Wala nang mahihiling pa si Grace simula nang makilala niya si Albie, nagbago ang pananaw niya sa buhay dahil sa binatang nagpatibok ng kanyang puso. Isang buwan ang ginawang panliligaw ni Albie bago nito nakamit ang matamis na oo ni Grace, noong una ay nahirapan ito dahil sa misteryosong pagkatao ng dalaga. Sobra kasing tahimik ni Grace at bihira pang makipaghalubilo sa kanila.
Alam ni Grace na tapat ang kanilang pagmamahalan ni Albie dahil na subukan na niya ang binata kung gaano ito ka faithful sa kaniya.
"Hindi kita kayang lokohin, mahal ko. Kahit sino pang magandang babae ang dumaan sa paningin ko, ikaw lang ang titingnan ng aking mga mata. Kaya wala kang dapat pagkabahala." Ginagap ni Albie ang kamay ng kanyang nobya. Mataman siyang nakatitig dito. Damang-dama naman ni Grace ang pagiging sinsero ng katipan.
"Salamat sa Diyos, ibinigay ka niya sa akin. Mahal na mahal na mahal kita, mahal ko," buong kagalakan niyang sambit sa katipan at hinangkan niya ito sa pisngi.
Masayang pinagmasdan ng magkasintahan ang paglubog ng araw sa tabi ng dagat. Samantala, lingid sa kanilang kaalaman ay nakuhanan sila ng litrato ng isa nilang kaklase at tila bay mayroong itong masamang iniisip tungkol sa kanilang dalawa.
Kinabukasan pagpasok nila sa kanilang classroom ay naabutan nilang pinag-uusapan silang dalawa ng kanilang mga kaklase.
"Sinasabi ko na nga ba para talagang tuko ang dalawang iyan, ni hindi na mapaghiwalay!" Nakapamewang na komento ni Gasel nang makita ang litrato ng magkasintahan.
"Anong pinag-uusapan ninyo?" maang na tanong ni Albie sa kanyang mga kaklase.
Nahihintuan namang tumingin si Gase buhat sa kaniyang likuran,
"Ah..Eh, kwan s-sabi k-ko…"
"Tuko!" sigaw ni Calvin sa mga ito.
"Takot ako sa t-tuko!" tarantang sambit ni Gasel. Kaagad itong pumanhik sa kaniyang upuan at doon ay nanahimik.
Mag-uusisa pa sana si Albie sa kaniyang mga kaklase ngunit dumating na ang kanilang guro na si Mrs. Paz.
"Good morning, Mrs. Paz!" bati nilang iyon sa kanilang butihing guro.
"Okay, Class. I have an important matter to discuss for today. Are you ready to hear it?" ang naeexcite niyang tanong sa mga estudyante niya.
"Naku, Mrs. Paz, we are all excited! Kaya't sabihin na po ninyo ang bonggang anunsyo ninyo!" ang napatayo sa upuan na si Bryan isang discreet na bakla.
"Since you are all excited. Here's the biggest announcement that I need to tell you.. We are celebrating our Acquaintance Party next two weeks. Kaya naman inaasahan ko kayo na bumuo ng bawat grupo para sa intermission number," mahabang anunsyo ni Mrs. Paz sa mga ito.
Lahat ay napasigaw sa tuwa ng marinig ang pagkakaroon nila ng Acquaintance Party.
Ang lahat ay abala para sa pagpa practice ng kani-kanilang dance intermission number para sa nalalapit nilang Acquaintance Party ng kanilang eskwelahan. Minsan lang sa isang taon mangyari ang ganitong pagtitipon kaya sinigurado ng mga guro na ito ay magiging memorable para sa bawat estudyante.
Since ang kanilang eskwelahan ay matatagpuan sa Makati Avenue, doon na rin naghanap ng location ang mga guro dahil karamihan sa batch na ito ay taga Makati Avenue. Ang napiling restaurant naman na pagdarausan ng Acquaintance Party ay sa Firefly Roofdeck Restaurant dahil sa masasarap na putahe ang inihahain ng nasabing restaurant. Pabor naman sa mga estudyante ang lokasyon na napili ng mga butihing guro.
Tumunog ang alarm clock ng eskwelahan senyales na Breaktime na. Magka holding hands namang nagtungo sina Albie at Grace sa Canteen. Nasa hallway pa lang sila ay marami nang matang nakatingin at nakabantay pa rin sa kanila. Kilalang-kilala sila sa buong year level dahil sila ang dating tinanggal na Mr. And Ms. Valentines Sweetheart, ang iba ay para bang naiinggit sa kanilang relasyon sapagkat kung titingnan sila ay animo'y perfect couple ang mga ito.
"Hi, sweet lovers!" bungad ni Andoy sa kanilang dalawa. Si Andoy ay isang PWD( Person with Disabilities) bulag ang kaliwang bahagi ng kanyang mata subalit hindi ito hadlang upang hindi siya makapagtrabaho.
"Magandang tanghali, parekoy!" tugon ni Albie at nakipag apiran pa rito.
"Ang swerte mo talaga parekoy, sa jowa mong si Ate Grace, bukod sa maganda na sobrang bait pa, bagay na bagay talaga kayo!" ang buong paghangang sambit ni Andoy sa kausap.
"Ikaw, Andoy ha bolero ka!" nangingiti na sa turan ni Grace rito.
"Ate, hindi ako bolero isa akong henyo pagdating sa pagkilatis ng magkasintahan," pagmamalaki pa ni Andoy na ikinatawa nina Albie at Grace.
"Parekoy, nasobrahan ka na naman haha!" pagbibiro ni Albie kay Andoy.
"Haha, paano mo nalaman, gumagamit ka rin?" balik na tanong ni Andoy kay Albie.
Napakunot noo naman si Albie sa tanong na iyon ni Andoy. Hindi kaagad siya nakaimik sa tanong nito.
"Parekoy, biro lang haha! Masyado kang seryoso. Basta para sa akin perfect match kayo." Iniabot ni Andoy ang softdrinks na order ni Albie.
"Salamat, Parekoy alam mo sabi ko nga rito kay Grace, Ikaw lang ang iibigin ngayon, bukas at hanggang sa ako'y nabubuhay." Nakatingin siya sa mga mata ni Grace habang binibigkas ang katagang iyon.
"Paano ba 'yan kasalan na!" malakas na bulalas ni Andoy sa mga ito.
Napapailing na lamang sina Albie at Grace sa pasigaw na sambit ni Andoy patungkol sa kanila.
Puwesto sila sa gilid ng canteen upang hindi mapansin ng mga estudyanteng kumakain doon.
"Ang sweet talaga nila!" kinikilig na sambit ng isang estudyante nang makita silang kumakain at nagsusubuan pa ng pansit.
"Sana maranasan ko rin ang ganiyan," ang nangangarap na sabi ng kasama nito.
Napapangiti na lamang silang dalawa sa mga naulinigan mula sa dalawang estudyante na kumakain din ng araw ring iyon.
"Kita muna mahal ko, maraming tao ang humahanga sa relasyon nating dalawa." Kinurot nang bahagya ni Albie ang mapink-pink na pisngi ng kasintahan.
"Ang swerte ko sa iyo,"
"Ako ang mas swerte dahil mapagmahal ka!" todo ngiting turan ni Albie at inakbayan pa ang kasintahan.
"Baka langgamin kayong dalawa riyan," puna ni Andoy sa kanila ng lumapit sa mga ito.
"Haha! Hindi naman kami mga asukal," sagot ni Grace rito.
"Haha! Baka papunta na roon," hindi mapigilang sambit ni Andoy sa magkasintahan.