KABANATA 3: Pipiliin ko pa ring hawakan ang mga kamay mo.

1022 Words
Napansin ni Albie na para bang wala sa mood ang kasintahan dahil kitang-kita nito ang pananamlay sa mukha ng kasintahan. "Are you alright, mahal?" may pag-aalala na tanong ni Albie rito. Hinipo niya ang noo ng kasintahan upang alamin kung ito ba ay mainit. "H-Huwag m-mo a-akong alalahanin, mahal" matamlay na sagot naman ni Grace. Hindi niya masabi ang pinagdadaanang hirap ng kalooban sa kaniyang katipan. "Ano ba kasing problema?" pangungulit na tanong ni Albie kay Grace. Hindi niya ibig mag lihim kay Albie kaya naman bumuntonghininga muna siya. "I think it's about time to say this," nalulungkot na pahayag ni Grace kay Albie. Kunot noo namang tumingin si Albie sa mga mata ng dalaga. Kitang-kita niya ang takot at pangamba rito. "I am willing to listen. You can trust me," mahinahong sabi ni Albie. Anuman ang kanyang maririnig ay sisikapin niyang unawain at intindihin dahil mahal na mahal niya si Grace. "Ayaw ko na sa bahay!" walang kagatul-gatol na sambit ni Grace sa kasintahan. " Pinagmamalupitan ako ni Tito," panunukoy niya sa kinakasama ng kanyang Mama. Ikinagulat naman ni Albie ang kanyang narinig mula sa kasintahan. Kaya pala madalas itong may pasa o 'di kaya'y sugat. "Pinalalayas na niya ako dahil pabigat lang daw naman ako," nagsisimula na siyang mapaiyak subalit sinikap niyang pigilin ang mga luhang nais kumawala sa kanyang mga mata. "B-Bakit ngayon mo lang itong sinabi?" takang tanong ni Albie sa kasintahan. "Natatakot ako na baka magbago ang pagtingin mo sa akin sapagkat hindi man lang kita maipakilala sa kanila at ngayon nalaman muna ang bagay na ito baka hindi mo na ako tanggapin pa" may pag-aalinlangan niyang sambit kay Albie. "Anumang klase ng buhay mayroon ka, hindi iyon ang mahalaga para sa akin. Hindi ako nakatingin sa mga bagay na iyon sa halip pipiliin ko pa ring hawakan ang mga kamay mo. Ganiyan kita kamahal, mahal ko." Niyakap niya ito nang mahigpit at hindi naman mapigilang mapaluha nang tuluyan si Grace. Damang-dama niya ang pagmamahal na iyon ni Albie para sa kanya. "Parekoy, pinaiyak mo ba si Ate?" tanong ni Andoy kay Albie nang makita niyang umiiyak si Grace rito. "Haha! Tears of joy lang, hindi ko kayang pasakitan ang damdamin ng aking iniirog. Mahal na mahal ko ito, e!" Hinaplos haplos pa ni Albie ang malambot nitong buhok. "Iba talaga ang parekoy ko, idolo na kita!" bulalas ni Andoy kay Albie. Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang pampatay na awitin. "Masama ang pangitain na iyan!" paniniwalang sabi na iyon ni Andoy sa kanila. "Ayon sa matatanda sa aming probinsya masama raw makarinig ng awiting pampatay kapag araw ng Biyernes. Malakas daw ang kapangyarihan ng dilim at pu-puwedeng mapahamak ang makaririnig ng awiting ito," pagkukuwento ni Andoy sa kanila. "Matagal nang kasabihan iyan, Andoy. Walang katotohanan ang mga paniniwala na iyon, kaya huwag kang matakot!" Ipinilig ni Albie ang kanyang ulo. Hindi siya basta-basta naniniwala sa ganoong kasabihan ng mga matatanda dahil para sa kanya ay nagkataon lamang ang mga insidente na nangyayari sa buhay ng tao. Lalong lumakas ang kutob ni Andoy nang mayroong sumigaw na tulong. Isang estudyante ang nasagasaan nang humaharurot na sasakyan na dahilan ng pagkamatay ng estudyanteng iyon. "Kita muna, Albie. Totoo ang kasabihan ng mga matatanda. Kaya maniwala ka sa akin," pangungumbinsi ni Andoy sa kaibigan. "Aksidente lang ang nangyari, Andoy kaya huwag mong bigyan ng kahulugan ang nangyaring ito!" may inis na sambit ni Albie kay Andoy. "Sino ba kasi ang nagpatugtog ng awiting pangpatay na iyon?" usisa ni Grace at patuloy nilang naririnig ang musikong iyon. Hinanap nila sa bahay sulok ng upuan kung mayroon bang naglagay ng speaker or may nakaiwan ba ng cellphone sa loob ng Canteen. Nagulantang silang tatlo nang mapagtanto na kay Albie ang tumutunog na cellphone sa kaniyang bag. "Imposible!" hindi makapaniwala si Albie na sa kanya ang tumutunog na cellphone. "Paano tumunog ang phone mo ng hindi mo ginagalaw? Nanlalaking mga matang bulalas ni Andoy rito. "Hindi ko rin alam at isa pa wala akong ganiyang tugtog sa aking cellphone!" pagbibigay alam pa ni Albie. "Sigurado ka ba, mahal ko?" kunot noong usisa ni Grace na nahintakutan ng mga sandaling iyon. "Maging ako ay nagtataka kung paano tumunog ang aking cellphone at kung paano ako nagkaroon ng ganiyang musiko sa aking cellphone," "Hindi kaya dinadalaw tayo ng masamang espiritu. Iyong mga taong namatay nang hindi pa nila oras o 'di kaya—" "Tumigil ka na, Andoy!" inis na bulyaw ni Albie sa kaibigan. Nakararamdam na kasi siya ng pagkatakot at ayaw niyang ipahalata kay Grace ang emosyong iyon. Tiningan ni Albie ang kanyang cellphone at may nabasa siyang ikinatindig ng kaniyang balahibo. "Reclutador!" halos maibato niya ang kanyang cellphone sa nabasang iyon. Ang salitang Reclutador ay nagmula sa salitang spanish na ang ibig sabihin ay Tagasundo. Napansin din niya na mayroong itim na imahe ang dumaan sa likuran nina Andoy at Grace. Subalit hindi na niya ito sinabi pa. "Andoy, tigilan mo na ang mga ganiyang isipin!" may banta na sambit ni Albie sa kaibigan. "Sige, inirerespeto ko ang iyong pasya basta hindi ako nagkulang bilang paalala. Mag-ingat na lamang tayo," iyon ang huling salitang binitiwan ni Andoy bago ito tumalikod sa kanilang dalawa. Pagdating nila sa loob ng classroom ay nagsisipag kuwentuhan ang mga ito tungkol sa estudyante na nabunggo nang humaharurot na sasakyan. Tahimik siyang nakinig sa mga pinag-uusapan ng kanilang mga kaklase. Hindi tuloy maialis sa isipan niya ang mga sinabi ni Andoy at iyong itim na imahe na nakita niya sa loob ng Canteen. "Ayos ka lang, mahal ko?" pabulong na tanong ni Grace dahil kanina pa niya ito napapansin na tila malalim ang iniisip. Tumango lamang si Albie sa tanong na iyon ni Grace napansin naman ng kanilang guro na para bang nagkukuwentuhan ang magkasintahan. "Mr. Albie at Ms. Grace, talaga bang hindi kayo papaawat?" mataray na tanong ng bakla nilang titser. Sabay-sabay namang napalingon ang kanilang mga kaklase, mayroong natawa at mayroong kumunot ang noo sa kanilang dalawa. "Kung hindi kayo mapigilan sa paghaharutan, puwede na kayong lumabas sa klase ko!" pahabol pang sambit ng kanilang guro. Napayuko naman ang dalawa at inayos ang kanilang pagkakaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD