CHAPTER 3

1485 Words
Crusan's POV: Marami pang naidagdag na impormasyon si Dra. Yen. Ayon pa sa kaniya, dalawa na raw ang kaso ng appearance ng body water sac sa mga sanggol. Iyon ang tawag ng karamihan dahil parang tubig ang laman ng binti kanina ng bata. Nang tusukin iyon ay parang water balloon na pumutok. Hindi ako makapaniwala. Ganito na ang naabot ng Artus Syndrome. Lumala na ito. Hindi man nakamamatay ngunit malaki ang komplikasyon na naidudulot sa isang sanggol. Lalo na sa panahon namin ngayon na may naitala nang kaso ng pinanganak na sanggol ng patay. Nagpaliwanag pa si Dra. Yen at mataman akong nakinig. Inabot ng dalawang oras ang kaniyang lecture kaya inabot kaming lahat ng gutom. Pagkatapos ng lecture ay nagtungo kami sa cafeteria. Excited na akong matikman ang mga pagkain dito. Balita ko ay talagang masarap dito ang mga inihahain. Malaki kasi ang pondo rito ng gobyerno at kailangan ng mga empleyado ng sapat na nutrisyon kaya mala-five star restaurant ang kalidad ng mga pagkain. Umorder lang kami ni Gillian ng salad. Chicken macaroni salad pareho ang inorder namin at isang bottled water. Magana naman akong kumain dahil gutom na gutom na talaga ako. "Crusan, ano nga ulit bakit daw syndrome ang Artus at hindi virus?" tanong ni Gillian. "Kasi hindi raw napatunayang nakakahawa ang Artus Syndrome. Kaya nga sinasabing alam ng lahat na isa itong mutation. May pagbabago sa DNA structure ng mga sanggol pagkapanganak," sagot ko. "Naks, galing talaga. Sa mga susunod na buwan paniguradong head ka na ng Biology Department. Iba talaga ang utak mo, Crusan. Ikaw ang aasahan ng sangkatauhan," biro ni Gillian. "Luh, tigilan mo nga ako. Nababaliw ka na naman," natatawa kong sabi. Naubos naming dalawa ang aming inorder na chicken macaroni salad kaya bumili pa ulit kami at ibinalot na iyon. Bigla namang tumunog ang intercomm kaya napatigil kami ni Gillian sa paglalakad palabas ng cafeteria. Napatingin kami sa taas kahit hindi naman namin kita ang mukha ng mag-aanunsyo. "Good day everyone. We will have an early dismissal today because all of the heads of each department will have a meeting. Again, we will have an early dismissal today because all of the heads of each department will have a meeting. Thank you," anunsyo sa intercomm. Napangiti naman si Gillian at napakanta. Napailing na lamang ako pero natuwa rin. Napagod agad ang utak ko sa tagal ng lecture ni Dra. Yen. Ayos lamang iyon dahil marami naman kaming natutunan. Nakakatuwa rin na napupuno ang utak ko ng bagong mga kaalaman. Magagamit ko ito bilang kontribusyon sa Project Artus. Lumabas na kami ni Gillian ng building matapos naming kuhanin ang gamit sa aming opisina. Sumakay kami sa bubble car, isang taxi na pabilog at kasya ang apat sa loob. Ilalagay na lamang sa GPS ang address ng bahay at kusa na itong aandar sa riles, may mga bubble car din namang may sarili nang invisible track. Maghuhulog na lamang ng barya bago bumaba depende sa policy ng bubble car na sinakyan. Minsan kasi ay maghuhulog muna ng barya bago ito umandar. Naaliw naman ako sa napakagandang tanawin sa paligid. Isang makabagong mundong puno ng advance na teknolohiya. Lubhang malayo na nga ang naabot ng sangkatauhan. Ibang-iba na sa nakaraang mga siglo. Sabi nga nila kung makikita raw ito ng mga sinaunang tao, iisipin nilang para daw silang nasa isang futuristic na pelikula. – After a week.... Nakauwi na kami ni Gillian mula sa trabaho. Pang-isang linggo na rin namin at wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magresearch. Nangongolekta kami ng dugo mula sa mga may edad 20 at pababa na may malubhang kaso ng Artus Syndrome. Sinusubukan namin ang mga ito kung ano ang magiging reaksyon sa ibang gamot at kung may maaaring lunas. Ngunit sa nakalipas na isang linggo, hindi man lang kami nakausad. Sa iisang bahay kami nanunuluyan ni Gillian. Maaga akong naulila dahil isang sundalo dati ang aking ama at ang aking ina ay naglilingkod naman sa gobyerno. Mas pinili kong maging isang scientist dahil ito talaga ang gusto ko. Noong una ay iniisip ko ring magsundalo ngunit alam kong hindi ko iyon kakayanin lalo na ngayon at mas pinatindi ang training. Mas talamak na rin ngayon ang war dahil sa mga terorista. "Hoy Crusan, parang malalim yata ang iniisip mo ah. Care to share? Ang iyong lovey dovey ba iyan?" asar sa akin ni Gillian. "Ay naku, tigilan mo ako kay Rafael! Talagang malilintikan ka sa akin! Nadali tayo dati ng magbestfriend kaya huwag ka na ulit magpapalinlang sa dalawang iyon! Hindi na ako magpapauto kay Rafael at huwag ka na ring magpadala sa matatamis na salita ni Lee!" saway ko kay Gillian. "Ito naman, hindi ah. May gusto sana akong sabihin sa 'yo. Ito na siguro ang tamang panahon," sabi ni Gillian at tumabi sa akin dito sa couch namin sa sala. Bigla akong kinabahan. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Natatakot tuloy ako bigla. Mamaya ay terorista pala siya, biro lang. Pero bigla akong tinubuan ng curiosity sa katawan. "Ano iyon? Kinakabahan tuloy ako sa 'yo," tanong ko. "Kasi ganito, alam mong una namin itong anak ni Lee 'di ba? May isa pa kaming anak, si Fire. Dalawang taon na. Pasensya ka na at inilihim ko sa 'yo. Alam mo namang ilegal na naninirahan dito sa bansa natin si Lee kaya nagtatago siya hindi katulad ni Rafael. Sana ay mapagkatiwalaan kitang itago iyon, alam ko namang gagawin mo dahil magkaibigan tayo. Kung dumating man ang panahon na may mangyaring masama sa akin at kay Lee na huwag naman sana, sa 'yo ko ipagkakatiwala si Fire. Please Crusan," paliwanag ni Gillian na ikinalaglag ng aking panga. Hindi agad ako nakapag salita dahil sa gulat. Alam ko ang katulad ni Lim, illegal citizen ang katulad niya. Siguro ay may kaso dati si Lim at nagtago bago ang paglalapat ng code sa lahat ng mamamayan. Sa ganoon lamang alam kong makokonsidera siyang illegal citizen. Hindi ko rin akalaing may anak pa silang isa. "Illegal citizen din ba si Fire?" tanong ko. "Hindi, legal si Fire at nakatala. Iyon nga lang ay may Artus Syndrome ang anak ko pero nakapag-ipon ako at napakabitan siya ng robo-arm. Nakakagalaw si Fire ng maayos," masayang sabi ni Gillian kaya nakahinga ako nang maluwag. "Eh bakit kay Lee mo pinapabantayan si Fire? Delikado siya sa tatay niya. Pwede pa kayong madamay na mag-ina," tanong ko. "Walang mag-aalaga kay Fire at isa pa nagkabalikan na rin kami ni Lee. Pasensya na at hindi ko nasabi agad sa 'yo. Kayo ba ni Rafael kumusta na? Naikukwento sa akin ni Lee na hindi sila gaanong nagkikita na dahil abala si Rafael sa ibang bansa," malisyosang tanong ni Gillian. Napairap na lamang ako, chismosa talaga ang babaeng ito. Si Rafael ay abala sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo, ang italyanong iyon. Sinusubukan niya naman akong tawagan minsan pero hindi ko pinapansin. Alam ko namang makikibalita iyon sa pagbubuntis ko at hindi sa akin. Magbestfriend si Lee at Rafael. Si Lee Giovan ay isang half-korean half-american kaya inlove na inlove si Gillian. Mukha raw k-pop star. Si Rafael naman, Rafaello Gucedelli, ay isang italyanong puro. Mukha siyang isang mafia ngunit negosyante ang isang iyon. Pareho namin silang nakilala sa isang bar at doon na kami naisahan ni Gillian. Mukhang siya ay pangalawang ulit na, matagal na pala silang magkakilala ni Lee. Akala ko naman ay iyon ang una nilang pagkikita. Matapos naming magkwentuhan ni Gillian ay napagdesisyunan naming magluto. Ako naman ang nagprisinta na magmicrowave ng pagkain. Bumili ulit kami ng ready to eat na chicken macaroni salad. Paborito na namin itong dalawa. Sabay pa nga kaming naglilihi sa mga pagkain. Talagang napakasarap naman kasi nito pero ayaw namin ng malamig. Gusto namin ay mainit. Habang kumakain kami ni Gillian ay may naramdaman kaming pagyanig ng lupa at narinig na malakas na pagsabog. Para nang nangangarera ang puso ko sa kaba at bigla akong napaupo sa sahig ganoon din si Gillian. "A-Anong nangyayari?" kinakabahan kong tanong. "Naku, napanood ko sa TV noong nakaraan na may mga terorista mula sa Cretola! Hindi ko akalaing nandito na rin sila sa Diorada! Mahabagin, pumapatay ang mga iyon ng inosenteng tao! Kinakalaban nila ang gobyerno! Ang tawag sa kanila ay Pelicans!" sigaw ni Gillian. May narinig pa kaming pagsabog kaya gumapang na kami papasok sa aming kwarto. Magkayakap kami ni Gillian. Kinuha niya ang telepono para tumawag sa mga pulis. Sumilip naman ako sa bintana at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mata. May pagsabog sa malayo kaya kabang-kaba na ako. Papalapit na nang papalapit iyon. Napakalaki no'n at paniguradong maraming namatay. Kung magtatago kami rito ni Gillian at hindi aalis ay baka matusta kami ng buhay! Hindi ako makakapayag! "Gillian, mag-empake ka na ng mga damit! Kailangan na nating makalayo rito! Papalapit na nang papalapit ang pagsabog! Baka maabutan tayo ng mga terorista rito, bilis!" kinakabahan kong sigaw at kinaladkad si Gillian papunta sa cabinet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD