CHAPTER 4

2323 Words
Crusan's POV: "Oh my, sunod-sunod ang pagsabog! Tatawagan ko na si Lee! Natatakot ako! +" sigaw ni Gillian. "Gaga ka ba? Huwag! Sabi mo nga ay walang magbabantay kay Fire! Paano na lang kung madamay si Lee at may mangyari sa kaniyang masama? Umayos ka, gaga! Kaya natin ito!" sigaw ko kay Gillian. Panay ang pagyanig ng lupa dahil sa mga pagbomba ng mga terorista mula sa Cretola. Hindi ko alam kung bakit nila pinupuntirya ang Diorada pero isa lang ang tiyak ko, may pakana silang nakawin ang eksperimentasyon. Hindi ako makakapayag na maagaw nila iyon! Isa pa, dati na ring mainit ang pagitan ng Diorada sa Cretola. Maraming umuusbong na issue sa dalawa. Ngunit hindi dapat nila ginagawa ito. Maraming tao ang masasawi! "Ay!" irit ko nang mas lumalapit na ang naririnig naming pagsabog ni Gillian. Nasa ground floor na kami ngunit natatakot kami ni Gillian na lumabas dahil bukod sa napakaraming nagbabarilan, baka madukot pa kami. Hindi naman namin hahayaan na isugal ang buhay namin. May dinadala kaming buhay sa aming tiyan, kapag nasaktan kami ay pwede silang mawala! Walang ina na ibubuwis ang buhay ng kaniyang anak sa hindi magandang dahilan. "Crusan, ano ang balak natin? Saan tayo pupunta ngayon nito? Natatakot ako, Crusan. Baka may masamang mangyari sa atin. Ayaw kong mapahamak ka o ako. Natatakot ako sa mga terorista, paniguradong hindi biro ang mga dala nilang sandata dahil hindi sila susugod nang hindi sila handa. Baka rin hindi tayo maabutan ng mga sundalo mula sa Diorada. Baka mamaya ay sumabog at matusta na lamang tayong dalawa. Crusan, ayaw ko! Anong gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ni Gillian. Napakagat labi naman ako. Nakakahawa talaga ang pagiging nega ni Gillian! Ganito lagi siya kapag kinakabahan, nagpapanic. Ako naman ay pilit kumakalma pero dahil sa walang preno niyang bibig ay unti-unting umuusbong ang kaba sa aking dibdib. "Crusan, magsalita ka naman," naiiyak na bulong na ni Gillian. "Halika na, lumabas na tayo rito. Mas mapapahamak tayo kung mananatili tayo. Hindi natin alam baka may nakatanim na bomba na rito sa tinitirahan natin. Mabuti na ang naninigurado," sabi ko kay Gillian at hinila na ang kamay niya. Nakasukbit ang mga bag namin sa balikat at sa aming harap. Dala namin ang mga dokumento at ilang mahahalagang gamit, maging ilang pares ng damit. Bago namin marating ang pinto ay may natanaw akong pagsabog na nasa pitong street yata ang layo muna sa kinalalagyan namin. Tama nga ako, posibleng may bomba na ang bawat building. Balak nilang itumba ang Diorada para mahirapan itong bumangon ulit. Sa ganoong paraan ay kung aatake man sila sa susunod, mas mahina na ang depensa ng kampo namin. Matalino sila, hindi handa ang Diorada ngayon. "Saan tayo kaliwa o kanan?" tanong ni Gillian. "Saan mo huling nakita ang huling pagsabog?" tanong ko kay Gillian. "Bukod sa harap natin ay sa may kanang bahagi, nasa 15 street ang layo. Sa kaliwa tayo tatakbo?" tanong ko. "Hindi, maaaring trap iyon panigurado. Alam kong makakatunog din tungkol doon ang sundalo ng bansa natin. Sa likod tayo dadaan, hindi ako masyadong nakakarinig ng pagsabog mula roon. Alam mo na siguro kung bakit," paliwanag ko kay Gillian. "Kasi nandoon ang lokasyon ng building na pinagtatrabahuhan natin kung nasaan ang research facility para sa Project Artus!" nanlalaking matang sabi ni Gillian. "Tama ka! Iyon ang pakay nila kaya hindi nila pupuntiryahin iyon at iiwasan! Alam kong mataas ang risk din na marami roong terorista na nakapwesto na pero malakas ang army natin. Paniguradong makakakita tayo ng makakatulong sa atin," sabi ko kay Gillian. Pinisil ko ang kamay niya at sabay kaming tumakbo papaikot ng building. Wala pang mga terorista sa paligid, hindi pa sila umaabot dito. Agad naman kaming tumakbo na papalayo sa building na tinitirahan namin. Nakadalawang street na kami ng tinakbo nang may marinig kaming pagsabog sa kaliwang bahagi. "Tama ka nga, Crusan. Ang galing mo!" hinihingal na puri sa akin ni Gillian. "Huwag kang sumigaw, gaga ka! Iiwanan kita rito eh! Baka may terorista sa paligid at bigla na lamang tayong barilin! Mamaya mo na ako purihin kapag buhay tayong nakaalis dito na dalawa!" inis kong bulong sa kaniya. Maging ako ay hinahapo na, idagdag pang ang bigat ng katawan ko dahil sa aking malaking tiyan at bitbit na bag. Muli kaming tumakbo hanggang sa makaabot kami sa may sakayan ng bubble car. Nagkatinginan kami ni Gillian, sasakay ba kami o tatakbuhin hanggang sa may makita kaming sundalo ng Diorada? "Sasakay ba tayo?" tanong ko. "Oo, pero ikaw ang magmamaneho dahil talagang nineneberbyos na ako. Baka mamatay tayong dalawa ng mas maaga dahil sa akin. Sa baba ka lang din magpatakbo, huwag kang tataas. Makikita tayo ng mga kalaban," sagot sa akin ni Gillian. Tinanguhan ko naman siya at tinakbo  na namin ang mga nakaparadang bubble car. Sa gilid kami pumwesto at sinipat mula sa aking lokasyon kung anong bubble car ang walang tama ng bala. Mukhang may nanggaling na ritong mga terorista, may ilang bubble car na may tama ng baril. Iyon nga lang ay walang mga tao, nakakapagtaka. Baka siguro ay nasa loob ng mga building. May mga bakas ng dugo roon sa kalsada. Nagtatakbo kami papunta sa gitnang bubble car. Nakatungo kaming dalawa ni Gillian. Pumasok kami sa loob at napamura ako dahil maghuhulog pa nga pala ng bayad bago ito umandar. Agad naman kaming umupo sa sahig at naghanap ng barya sa bag. "Crusan, hindi ko dala ang wallet ko! Ito na lang ang natitira sa akin na nakuha ko sa bulsa ko," mahina niyang bulong. Inirapan ko naman si Gillian at kinuha ang wallet ko. Itinaktak ko na ang lahat ng baryang mayroon kami. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mabuhay ito. Agad na kaming umupo ng ayos ni Gillian at nagsuot ng seatbelt. Nagpatakbo na ako ngunit agad napapreno nang may makasalubong kaming tatlong armadong lalaki na may itim na taklob sa mukha. Nanlaki ang mata namin ni Gillian at malakas na napairit. Mabuti na lamang at gumagana ang bubble car kahit wala sa riles na tinatakbuhan nila. Mayroon itong five hours charge na kargang baterya for emergency purposes. Mabuti na lamang at naimbento ang bagay na ito. "Ilipad mo pataas, Crusan!" sigaw ni Gillian. Agad kong pinaangat ang bubble car at mabilis na pinatakbo. Alam ko na ngayon kung bakit may riles para sa mga bubble cars, mahirap itong patakbuhin kapag wala sa linya! Talagang babangga sa building kung hindi tanda ang pasikot-sikot! Pinaputukan naman kami nung mga teroristang nakasalubong namin kanina ni Crusan. Talagang kabado kaming dalawa at takot na takot. Baka mamaya ay tamaan kami. Hampas pa nga lang ay masakit na, tama pa kaya ng bala? "Crusan, ang galing mong magmaneho pero nalulula na ako! Wahh, huwag mo ibabangga ang bubble car natin! Sasabunutan kita hanggang sa kabilang buhay!" sigaw ni Gillian habang nakapikit at nakakapit sa magkabilang gilid ng kaniyang upuan. "Gillian, manahimik ka dahil hindi ako makapag concentrate! Binabaril na kaya tayo at mahirap umiwas! Kapag din sumuka ka ay ako na ang sasakal sa iyo! Naku, ihuhulog kita rito!" sigaw ko naman sa kaniya. Napamura naman ako nang madaplisan ang gilid na pinto ko ng bala. Nagkabutas ito, akala ko pa naman ay kaya ng sasakyang ito ang kahit anong uri ng bala! Nang matanaw ko ang isang grupo sa malayo ng mga sundalo ng Diorada ay binabaan ko ang lipad. Nanlaki naman ang mata ko nang magsimulang tumunog ang 'beep' sound nitong bubble car. Kaya pala hindi ito ang nagamit doon sa mga nakaparada, sira ang metro! Naubos agad ang coins na nagamit namin! s**t, hindi ko napansin iyon! "Wahh, walang hiyang bubble car! Kotong ito!" sigaw ni Gillian na nakatingala at pikit na pikit. Unti-unting sumadsad ang bubble car namin sa lupa. Tumalbog kami at tuluyang nasira ang baba kaya nakaangat ang paa namin ni Gillian. Tumigil kami sa may gitnang bahagi ng kalsada kaya agad kaming lumabas ng sasakyan ni Gillian. Tumakbo si Gillian papunta sa gilid at sumuka. Napakalakas ng duwal niya kaya parang napaikot na rin ang aking sikmura at napasuka na rin ako sa may gilid. Halos maubos ang lakas ko dahil doon, lintik talaga itong si Gillian! Idagdag pang pagod na ako, mahihirapan kami nitong makatakbo at tumakas. Kailangan muna naming humanap ng pwesto upang magpahinga. Kaso sa lagay at kondisyon ngayon ng alitan ng dalawang kampo ay delikadong tumigil pa. Kailangan na naming magpatuloy sa pagtakas. "Gillian, halika na! Tumakbo na ulit tayo!" sigaw ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang tubig sa likuran ng aking bag. Napangiwi naman ako at tinapon na iyon matapos niyang ubusin. Kadiri, sumuka pagkatapos ay direktang uminom doon. Ano na lamang ang lasa at amoy no'n? Nadurog at na-empachong macaroni salad? Kadiri! "Hay, tara na! Malapit na akong maubusan ng hininga!" reklamo niya. Hinawakan na ulit namin ang kamay ng isa't isa at muling tumakbo. Rinig na namin ang putukan sa malayo kaya abot langit na ang aking kaba. Patay kami panigurado kapag nakita kami ng terorista. Ayaw kong mabaril! Papaliko sana kami sa kanto nang may nakita akong mga teroristang may nadakip na mga sibilyan. Agad kaming nagtago ni Gillian sa gilid at nagkatinginan. Nalintikan na. "Saan tayo ngayon pupunta?" tanong ko kay Gillian. "Hindi ko alam, basta kahit saan. Doon tayo sa may mapagtataguan at hindi tayo mapapahamak. Dito na lang sa building, sa palagay ko naman ay hindi sila magpapasabog sa parteng ito dahil nandito rin ang mga terorista. Tama ang teorya mo kanina. Maghintay na lamang tayong bumaba kapag nakalayo na sila. Wala tayong mapapala kapag bumalik pa tayo, mas delikado iyon," sabi ni Gillian. "May saysay rin pala ang mga sinasabi mo kahit minsan," bulong kong asar sa kaniya kaya inirapan naman niya ako. Pumasok kami sa loob ng building. Nagmamadali kaming umakyat pero agad kong pinatigil si Gillian sa paggalaw at dumapa kaming dalawa. Salamin kasi ang dingding dito sa parteng hagdan. Baka makita nila kami. "Bakit?" mahinang tanong ni Gillian. "Nandiyan na sila sa may malapit, kapag umakyat pa tayo ay pwede nila tayong marinig at makita. Dito muna tayo, tingnan natin kung ano ang balak nila," bulong ko. Nang mapadaan sa tapat ng building na pinagtataguan namin ni Gillian ang mga terorista ay lalo kaming umipod at nagsumiksik sa dulo. May nasipa naman akong halos kalahating laki ng normal na pinto, mukhang isa itong maliit na kwarto. "Pumasok muna tayo sa loob para makapagtago, masyadong delikado rito sa pwesto natin," sabi ko kay Gillian. "Sige, tara na. Dahan-dahan mo lang itulak gamit ang paa mo. Pagkatapos ikaw ang mauna at gagapang ako pasunod," bulong niya kaya tinanguhan ko si Gillian. Nahihirapan akong magkikilos dahil sa aking malaking tiyan. Dahan-dahan ko namang itinulak papasok ang sliding door pala na ito at pumasok kami sa loob. Nakita ko pang sumulyap ang mga kalaban sa direksyon namin pero alam kong hindi naman nila kami nakita. Agad kasi silang nag-iwas ng tingin. Nang makapasok kami sa loob ay nakahinga kami ng maluwag ni Gillian. Nasa isa kaming silid kung nasaan ang mga panlinis, mop, walis, at iba pa. May nakita naman akong pintuang nakakandado kaya napakunot ang noo ko. Kinuha ko ang bolt cutter sa gilid at nagpatulong kay Gillian na sirain ito. Sa kabila kami dadaan para makalabas na sa building na ito. Ipagdasal talagang hindi umikot ang mga terorista na iyon para hindi kami makita. Bakit ba naman kasi nila gustong nakawin pa ang mga nalalaman ng bansa namin sa Project Artus? Bakit hindi na lamang sila ang gumawa ng kanila? Kilala rin naman ang Cretola sa matatalinong mamamayan. Pinamamahayan ang Cretola ng mga South American people. Nang makalabas kami ni Gillian sa pintong binuksan namin ay nakahinga kami ng maluwag. Agad kaming tahimik na tumakbo pababa ng hagdan para makalabas na sa building na ito. Delikado talaga kung magtatatakbo pa rin kami, kailangan na namin makakita ng mga sundalong Diorada para matulungan kaming makatakas dito. Panigurado namang may safezone na. Lamang naman kami sa mga terorista kahit papaano. Nang makalabas kami ni Gillian ng building ay nanlaki ang mata ko nang makita ang mga sundalong Diorada sa malayo. Agad kaming nagkatinginan ni Gillian at magkahawak kamay na tumakbo papunta sa kanila. "Tulungan niyo kami! Kanina pa kami tumatakbo!" sigaw namin sa mga sundalo. Nagsilingunan naman sila sa amin, tiyak naman na mga sundalo naman ito dahil may black at white sa kanila. Mga nakasuot din sila ng kulay blue na uniporme ng army at may badge kaya paniguradong sundalo sila ng bansang ito. "Anong nangyari? Saan kayo galing?" tanong sa amin ng lalaking mukhang pinuno ng kanilang grupo. "Nagtatakbo kami mga sampung street ang layo mula rito. Galing kami sa aming building nang magsimula ang pagsabog at doon na namin nalaman na may mga terorista na. Umalis na po tayo rito, mga sir. Delikado dahil open-field at baka mamaya ay may magpaputok sa atin," sabi ko. May dalawa namang sundalo na kumuha ng bitbit namin ni Gillian. Nasa kaliwa't kanan namin ang mga sundalo para protektahan kami. Sa may park daw kami pupunta dahil nandoon ang kanilang mga rescue vehicle. Tahimik naman kami ni Gillian na magkahawak-kamay habang naglalakad. Hindi pa rin mawala ang kaba sa aking didbib. Nang makarating kami sa tapat ng park ay napakunot ang noo ko dahil walang tatak ng logo ng Diorada ang mga sasakyan dito. Dapat ay may sticker sila o kaya ay sasakyan ng army! Nagkatinginan kami ni Gillian at akmang tatakbo nang mahawakan kami nitong mga terorista. Agad nila kaming nilagyan ng posas at busal sa bibig. "Hmmp!" sigaw ko habang nakatingin kay Gillian. Sa pareho kaming sasakyan nilagay ng mga terorista. Hinagis lang nila kami sa loob kaya napainda ako sa sakit nang tumama ang aking tagiliran. Napakatanga kong isipin na kakampi sila. Dapat ay nagtaka akong may mga impostor at traydor sa bansang ito. Ngunit maayos naman ang Diorada. Bakit may mga nagawang tumiwalag at maging mga terorista na kakalaban sa kanilang sariling bansa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD