Crusan's POV: Matapos ang tatlong araw ay unti-unti nang nakakausad muli ang syudad. Napapalabas sa telebisyon ang mabilis na pag-aayos ng mga imprastraktura sa tulong ng mga machines. Marami ring mga volunteers mula sa ibang syudad maging bansa ang pumunta rito sa Diorada para tulungan kami. Laking pasasalamat naman namin dahil nasa puso pa rin ng mga tao ang pagtutulungan. Maging dito ay napakaraming pagkain ang dumadating. Hindi kami nauubusan, idagdag pang mayaman talagang bansa ang Xenoland lalo na itong sentro na Diorada. Nasa rescue center pa rin kami dahil iniintay pang matapos ang opening mula sa syudad. Malapit naman na matapos ngunit isinasa-alang alang pa rin ang kaligtasan ng mga mamamayan. Mauuna na rin kaming magtrabaho ni Gillian bukas kaysa sa mga ibang trabahador dahi

