Crusan's POV: "Welcome to Ausburn, Xenoland. Sana ay magkaroon kayo ng maganda at bagong simula sa aming syudad. Ako ang magiging tour guide niyo ngayong araw. I am Vee Delcor, you all can call me Ms. Vee. I am the lead tour guide here in Ausburn. Ipapasyal ko kayo sa bagong site ng Project Artus para maging pamilyar na rin kayo sa paligid at hindi malito. Please follow me at makinig ng mabuti," masayang sabi ni Ms. Vee. Bumaba na kami ng bubble bus at sinundan siya. Napamangha naman kami ni Gillian sa ganda ng paligid. Maraming mga puno rito at gawa sa bermuda grass ang damong aming tinatapakan. Dama kong hindi ito artipisyal dahil mamasa-masa at buhay ang lupa. Mabuti na lamang at totoo ito. Kakaunti pa man din ang halaman sa Xenoland. Nakapasok kami mula sa labas ng tarangkahan ng Pr

