Amelia's POV: Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda. Excited na akong makita ang aking papa. Sana nga ay maging mabait sa akin ang step-mother kong si Attorney Ashima. Mabait naman ako, kung may problema man siya, sa kaniya na iyon. Tinuruan ako ni mama na maging palaban. Huwag na huwag daw akong magpapaapi. Sana nga ay madala ko ang katangiang ito hanggang sa aking paglalakbay. Kailangan kong maging palaban upang maprotektahan ko ang aking sarili. Naligo na ako ng mabilisan. Nagsuot ako ng damit na dala ko mula pa noon sa isla. Isang sando na racerback at boyfriend jeans. Nagsuot naman ako ng tsinelas na bigay sa akin ni Amanda. Presko itong suot ko, napakainit pa man din. Tinawagan ko naman si Amanda dahil bilin niya na tatawag daw ako kapag mas maaga akong nagising sa oras n

