Amelia's POV: Lubos akong namangha sa Xenoland nang makarating kami rito kanina. Kahit hindi ako makikihalubilo sa syudad, masaya na akong makita ito nang malayuan. May mga probinsya pa rin naman daw at kabahayan sa labas ng Xenoland. Iyon ay ang ibang mga magsasaka at agriculture ang ikinabubuhay. Sinaunang pamumuhay raw ang kanilang kinagisnan ngunit uso rin naman ang teknolohiya, hindi naman daw parang sinaunang panahon. Hindi naman daw ilegal ang tumira doon at sinabi rin ni Amanda na bihira doon ang krimen. Mukhang kung pipili ako ng lugar na pagtutuluyan ay mas maganda roon. Hanggang ngayon ay mangha akong nakatanaw rito sa bintana. Nilagyan ako ng temporary tattoo upang hindi mahalata na isa akong tagalabas. Bawal kasi at hinuhuli ang walang barcode na mamamayan. Isa pa, mas ikina

