Amelia's POV: "Hi, Ms. Amelia. Nakakaramdam ka ba ng pagkahilo? Inaantok ka na ba? O gusto mong kumain? Magsabi ka lang at ikukuha kita," tanong sa akin ni Amanda. "Ayos lang po ako, hindi naman po ako nahihilo. Hindi rin po masama ang pakiramdam ko. Pagkatapos na lang po siguro kong kumain saka po ako matutulog at magpapahinga. Mayroon na po bang lutong pagkain? Ano po ang kakainin natin?" tanong ko. Biglang kumalam ang sikmura ko, gutom na ako dahil halos may ilang oras na rin kaming naglalakbay rito sa karagatan. Binigyan nila ako ng camera para makuhanan ko ng litrato ang magandang tanawin dito sa ilalim ng dagat. Napansin kasi ni Amanda na masyado akong titig na titig. Nakakatuwa naman dahil unang beses ko lang makahawak ng camera na naglalabas ng pictures. Instax daw ang tawag di

