Equinox's POV: (Flashback part 1 - 6) "Maligayang bati sa inyo, mga miyembro ng The Ones. Napag tagumpayan niyo ang misyon na hindi kinakailangan ng wastong edad dahil lubos niyong pinatunayan na karapat-dapat kayo sa inyong dakilang titulo. Mabuhay kayo, mga supernatural at perpektong mamamayan ng Xenoland. Lubos akong humahanga sa inyong mga ipinakita sa battle ground. Dahil d'yan ay hahayaan ko kayong lumabas ng barrier ng Xenoland sa unang paglakataon," nakangiting anunsiyo sa amin ni Dr. Novachrano. Seryoso lamang ako at hindi tulad ng aking mga kasama na halatang magiliw sa nalaman. Kilala naman nila ako bilang kasing lamig ng isang yelo at magsasalita lang kapag kailangan. Hindi rin ako interesado kahit pa mga kaibigan ko ang miyembro ng The Ones. Hindi kami magkakasundong lahat

