Equinox's POV: Nakapagligpit na si Fire ng pinagkainan namin ni Amelia. Ako ang inuutusan nitong magligpit dahil ako raw ang kumain pero ipinaglaban ko na bisita ako. Wala naman itong nagawa, tinawanan ko na lamang siya. Nakaupo ako habang nakataas ang paa rito sa kaniyang sala. Si Amelia naman ay nasa kwarto na niya ganoon din ang dalawang batang iniligtas namin, si Altan at Guran. Napagdesisyunan ko namang tumayo para silipin kung ayos lamang sila. Wala pa si Fire kaya hindi muna ako nagpaalam. Umakyat na ako sa hagdan at unang pinasok ang kwarto ng mga bata, mahimbing na ang tulog ng dalawa. Nakapagpalit na rin sila ng damit at halatang nakaligo na. Masaya silang dalawa na magkatabi. Hindi ko naman maitago ang aking ngiti, dahil kay Amelia ay napabuti ang dalawang batang ito. Suno

