Amelia's POV: Lito man ngunit tahimik lamang akong nakaupo rito sa likod na bahagi ng kotse. Katabi ko si Altan at nasa kanan niya naman si Guran. Tahimik kaming lahat, mukhang walang gustong bumasag sa katahimikan. Si Equinox naman ay katabi ni Fire sa passengers seat. Napakaganda nitong kotse ni Fire, moderno ang disenyo at heavy black tinted ang kaniyang sasakyan. Mukha siyang bampira na takot sa araw dahil sa disenyo ng kaniyang sasakyan. Nakita ko na ang ganito sa mga pelikula. Maya-maya pa ay narating namin ang bungad ng Treshold dahil sa karatula. Ilang minuto pa ay nasa bayan na kami. Mukhang mayaman itong si Fire at may kaya. Kung naglakad kami ay malayo-layo pa rin pala ang aming lalakbayin kahit sumakay pa ng scooter. Nang maalala ko naman kung paano namin nakita si Fire

