Amelia's POV: Pahapon na kaya agad kaming naghanap ng makakain. May nahuli kaming ligaw na manok. Sabi ni Altan ay baka raw nakatakas ito mula sa mga pinuno niya. Kadalasan kasi ay nakaka-alpas daw ito dahil sa pasaway na asong bantay. Kinatay namin ang manok. Natuto kami kay Altan paano magluto gamit ang bato. Ang astig nito, doon na rin namin tinanggalan ng balahibo ang manok. Matapos naming tanggalan ng balahibo ay inihaw namin ito. Halos si Altan na lang naman ang nagluluto habang mataman kaming nanonood ni Equinox. Ang galing ni Altan sa ganitong bagay, mukhang tradisyunal na nila itong na ginagawa. Bihasa rin siya sa pagluluto gamit ang mga gamit sa paligid. Nang maihaw ang manok ay magana kaming kumain. Napakasarap ng luto ni Altan, malasa ito dahil sa ipinahid niyang mangga kani

