Crusan's POV: (After 1 year...) "Uwahh!" "Naku, wait lang Amelia! Nagtitimpla lang ang mama ng gatas!" aligaga kong sigaw. "Mamam uwahh!" muling palahaw ng anak kong si Amelia. Dali-dali naman akong nagtimpla ng gatas bago tatakbong bumalik sa kwarto namin ni Amelia. Mahirap magpalaki ng isang bata lalo na kung mag-isa ka lang. Walang tumitingin kapag may ginagawa ka, wala ring sumasalisi kapag pagod tapos iiyak ulit. Lalo na kapag inaantok at biglang umiyak, wala akong magagawa kung hindi ang tumayo at ihele si Amelia. Mahirap pero masaya ako dahil kasama ko ang anak ko. Kapag din naman napadede na si Amelia o naihele saglit ay ayos na ulit siya. Mahimbing na ulit ang tulog, may pagkakataon lang talagang maligalig siya. Nang mapadede ko si Amelia at muli itong makatulog ay lumabas n

