Amelia's POV: Nang makabawi ako sa aking mga nalaman ay muli kong pinanood ang video ni mama. Maluha-luha pa siyang nagkukwento. Pinipigilan niya ang kaniyang pag-iyak. Nasasaktan akong nasasaktan din si mama. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin na maiiwan niya. Pero napakaganda pa rin ni mama kahit malungkot, kamukha ko. Miss na miss ko na agad siya. "Nais ko ring malaman mo kung ano ang layunin ng Project Artus. Alam ko namang alam mo na kung ano ang Artus Syndrome na isang sakit kung saan ipinapanganak ang bawat sanggol mula sa loob ng sinapupunan ng kanilang ina na kulang ang bahagi ng katawan mula pa noong 3095. Ang Project Artus naman ay isang proyektong naglalayong gumawa ng mga kasangkapang makakadetect sa isang sanggol kung ano ang problema nito, paano aagapan ang Artus Syndro

