Kahit maaga pa ay pumunta na ako sa Angel's House. Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Sadyang nananabik na ako sa mga bata. Lalo na kay Zalgen. Birthday na nga pala niya sa susunod na araw at sa araw na iyon ay hindi na ako makapupunta kaya naman bumili na ako ngayon ng regalo para sa kaniya. that's his 11’th birthday, kaya naman hindi ko maisip ang dapat iregalo sa kaniya. Natutuwa ako dahil nasasaksihan ko ang kaniyang pagbibinata parang noong kailan lang nabubuhat ko pa siya. "Sa tingin mo ba ay magugustuhan niya ito?" tanong ko kay Manong Driver, nakalimutan ko ang name niya nako sorry. Si Leventon ang pumilit na bigyan ako ng driver, upang magsilbi na rin daw na bodyguard sa tuwing lalabas ako ng Restaurant. Pero kapag hindi ako galing Restaurant ay ayos lang naman daw kahit pa w

