Umupo ako sa kaniyang harapan. Ilang minuto na pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Tanging pagtingin lamang sa akin ang kaniyang ginagawa. Kinikilatis niya ako ng maigi. "Tititigan mo na lang ba ako, Mr. Montefalco? What brought you here? Hindi ko inaasahan ang pagpunta mo rito ng maaga, may kailangan ka bang kunin? O ngayon mo na gustong makuha ang documents na dadalhin ko bukas sa bahay mo?" tanong ko sa kaniya. Nginisian ko siya nong tinaasan niya ako ng kilay. "I am not here for a business meeting. Honestly, I want to ask you a few questions if you just let me," "Oh, sure, why not?" matagal bago siya nakapagsalita. "Who are you? Why are you using my ex-wife's name? What do you want from us?" iyon ang mga tanong na lumabas sa kaniyang bibig. Iyon ba ang pinag-isipan niya

