Hindi ito totoo. Hindi maari. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Bakit biglaan naman yata ang trahedya dito sa Angel's House? Sa sobrang busy ko ay hindi ko na nabalitaan pa ang nangyari dito. Mula sa labas ay nakikita ko ang matinding nangyari sa bahay ampunan. Tulad ng nangyari sa luma naming bahay at tulad ng ginawa sa akin noon, walang awang sinunog ito. Sa gitna ng aking pagkagulat ay mayroong humawak sa aking braso. "Hija," "Mother Theresa?" "Mabuti nagpunta ka na rito. Dito tayo, hija, marami akong nais sabihin sa 'yo." Nagpatahak ako sa kaniyang direksyon. Dinala kami ng aming paa sa isang tagong lugar na medyo malayo sa nasunog na bahay ampunan. Halata kay Mother Theresa na nag-iingat siya dahil baka may makakita sa kaniya. +++ "Araw-araw kitang inaabangan sa labas n

