"Jessa, thank you for guiding and helping me here. Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa tulong mo." "This is my job, Ma'am, wala kang dapat ipagpasalamat." aniya, nginitian ko na lamang siya at binalik ang tingin sa mga hinahanda ng mga waiter sa mahabang mesa. Handa na ang pagkain ng mga board members at alam namin na sa oras na ito ay isa isa na silang darating para sa gaganaping business meeting nila. "Jessa, lalabas lang ako saglit. Titingnan ko ang customers sa labas." "Sige po, Ma'am, bumalik din po kayo agad dahil kailangang nandito kayo bago pa pumunta dito si Sir Leventon." aniya na sinang-ayunan ko naman. Lumabas ako ng private room at saka pumunta sa dining area. Malinis ang lugar kaya naman umikot-ikot muna ako. Maganda talaga ang pagkakagawa dito sa Restaurant na i

