Dinig ko ang tunog ng takong ko habang naglalakad. Ganoon din ang sapatos ni Leventon habang papunta doon sa private room kung saan naroon na ang ilang board members. I am expecting to see only 6 members there. Pero ganoon na lamang ang pagkagulat ko dahil pagkapasok namin ay hindi lamang anim kun'di lagpas bilang ng daliri ko sa kamay at paa ang tao sa loob ng malaking kwarto. Kaya pala hindi lang ganoon ang hinanda naming pagkain. Talaga namang sobrang dami dahil marami rin ang board members. Lahat sila ay naka executive suit at purong lalaki silang lahat. Ako lamang ata ang babae, dumapo ang tingin ko sa nakapulang dress at maraming alahas sa katawan, nagkamali ako. hindi lang pala ako ang babae. may iilan din pala pero mukhang bilang lamang iyon ng daliri ko sa kamay. May tumutugtog

