Limang tao ang natirang may malay sa kwarto. Isa doon si Zach at teka, bakit may malay pa rin hanggang ngayon si Selena? at masama ang tingin nito kay Leventon gayon din sa akin. "You're really smart, Leventon." ani ng isang lalaki. tumayo ito at lumapit. "dahil dyan ay sa iyo ang boto ko." "what? you're insane! nais mo bang bumagsak ang lahat ng pinaghirapan natin?" tutol ng isang lalaki sa kaninang nagsalita ng pagsang-ayon. "hindi masama ang magtiwala. isa pa, kilala ko si Leventon at alam kong hindi ang makakasama sa ating negosyo ang nais niya. kaya naman sa kanila ang boto ko." "hindi ako sang-ayon diyan." "ako rin." ani ng lalaking halatang tahimik lang. "tumututol din ako." ani pa ng isa. si Zachary na lang ang hindi nagsasalita at si Selena. Bakit may malay pa rin si Selena

