"Anak, hindi ikaw ang may kasalanan. Hindi mo naman ginustong mangyari iyon kay Zachary 'di ba? Si Leventon ang dapat sisihin. Ginagamit ka niya upang mapabagsak ang asawa mo. Ang inggiterong lalaking iyon. Parehas silang dalawa ni Selena'ng manggagamit." "Ma," "Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko anak." "Manggagamit din ako. Kung iyon ang tingin mo kay Leventon, ganoon din ako, parehas lang kami. Ginagamit namin ang isa't isa para sa aming sariling kapakanan." "Ano ba iyang sinasabi mo? Hindi mo naman ginustong mawala muli ang lahat sa asawa mo kaya hindi mo kasalanan ito. Huwag mong akuin ang lahat-" "Ginagamit ko rin ho si Leventon para sa paghihiganti ko. At talagang ginusto ko ring mangyari ang pagbagsak ni Zachary. Iyon ang plano ko simula palang." "Anak, huwag ka ngang magbiro

