"Gawin niyo ang lahat upang makita ang aking kapatid. Hindi pa siya patay. Siya ay tinatago lamang ni Selena, sigurado ako sa bagay na iyan."
"Hindi pa rin nila nakikita?" tanong ng katabi ko sa backseat. Katatapos lamang namin magbreakfast and here we are nasa sasakyan at papunta ng trabaho, sa may Restaurant.
"Obviously, yes. Leventon, natatakot ako para sa kapatid ko. Paano kung pinatay na talaga siya ni Selena?"
"Don't give me that look, Zoey, sinabi ko na sa iyo na dapat ay wala kang kahinaan kahit pa ang kapatid mo. Maging matatag ka at matapang sa lahat ng oras."
"I'm sorry,"
"I don't want an apology. Gawin mo ang nasa plano at baguhin ang sarili mo para ikaw ang manalo sa larong ito, we practiced for seven years tila wala ka yatang natutunan? nais mo bang hindi ito ituloy?"
"All I want is to get my sister. Saan nila dinala ang kapatid ko gayong nakauwi na siya dito sa pilipinas tatlong taon na ang nakalilipas? Bigla na lamang tayong nawalan ng balita tapos nawala na siya ng parang bula. There is something going on at alam kong ang may kagagawan na naman niyon ay si Selena. Nais niyang patayin ang kapatid ko, siya mismo ang nagsabi niyon sa akin bago nila ako sunugin."
Saglit siya nag-isip bago nagsalita.
"Sa hinuha ko ay walang kinalaman si Selena." aniya. Simula nang ipahanap ko ang aking kapatid ay iyan na ang kaniyang sinasabi. "Dahil kung si Selena ang ulo sa krimen na iyon ay sa tingin mo ba itatago niya lang ang iyong kapatid? Malamang pinatay na niya iyon gaya ng ginawa nila sa iyo. At isa pa, walang nababanggit sa akin si Selena tungkol sa bagay na iyon kaya hindi siya ang dapat nating paghinalaan."
"Ang nais mo bang iparating sa akin ay may ibang taong nagtatago sa kaniya? kung ganoon ay sino naman?"
"Iyon ang kailangan nating alamin."
He has a point. Matagal na naming binabantayan ang kilos ng mga kaaway. Kahit nasa malayo kami noon ay gumagawa kami ng hakbang upang maisagawa ang aming mga plano. Pero kung hindi si Selena ay nagtatago sa aking kapatid, sino? Hindi kaya ay si Zach? ngunit bakit niya iyon gagawin?
"Ma'am at Sir, nandito na po tayo sa La Casia," ani driver na si Mang Julio.
Mabilis na lumabas si Leventon at pinagbuksan ako.
"Salamat ho, Mang Julio," nagpalitan kami ng mga ngiti bago pa ako tuluyang lumabas ng sasakyan pagkatapos ako pagbuksan ni Leventon.
"Zoey, I signed a contract to Selena's food house that's why after this you have a meeting to attend at her Restaurant this morning, we will be the one who will support her when she needed a partner for some big events, and I will be needing at your ex-husband's company later for a serious meeting also."
"Noted." wala pang customer sa Restaurant tanging mga empleyado pa lamang ang tao rito. Mayroong kwarto na paglalaanan ng meeting namin ngayon sa Restaurant, ipakikilala lamang ako ni Leventon sa mga empleyado bilang bagong may-ari ng La Casia's Palmer Restaurant.
Tumungo ang lahat noong makapasok kami sa kwarto ni Leventon.
"Kumpleto na ba ang lahat, Jessa?" tanong ko sa matagal nang nagtatrabaho dito. Oo tama, siya ang dati kong witness pero tinalikuran ako dahil sa pagsisilbi niya kay Leventon, pero ngayong kakampi na ang turing namin sa isa't isa, maari niyang isiwalat ang kaniyang nalalaman kahit anong oras kong sabihin sa kaniya.
Tapat at mapagkakatiwalaan si Jessa kaya naman iniutos ko kay Leventon na tama lang kung gawin siyang manager ng Restaurant.
"Kumpleto na po sila, Miss Z,"
"Salamat,"
tumingin ako kay Leventon na nasa aking tabi lamang. Sinenyasan ko siya na maari na siyang magsimula dahil kumpleto na ang kaniyang mga empleyado.
Sa tansya ko ay nasa kwarenta katao ang kaniyang empleyado, sadyang napakalaki ng La Casia at kinailangan pa ng maraming empleyado.
"Ladies and gentlemen, I want you to meet the new owner of this Restaurant. Please give her your loyalty,"
"Yes, Sir!" sabay sabay nilang wika, nag-echo iyon sa kwartong kinaroroonan namin.
Pinalapit ako ni Leventon sa kaniya. "Introduce yourself to your new babies," aniya at inalayan ako ng ngiti.
Totoo nga ang sinabi ni Leventon. They are not just normal employees. They are trained and will do anything I would say.
"I'm Zoey Perez. Just call me Miss Z, and I'm hoping for our teamwork. And I'm so glad to meet all of you." Matalim lamang ang tingin nilang lahat sa akin. Mukhang hindi nila ako nais bilang bagong may-ari ng kanilang pinagtatrabahuhan.
"Smile." seryoso ang pagkakasabi niyon ni Leventon pero tila robot ang lahat noong magsingitian dahil sinabi lamang sa kanila ni Leventon na ngumiti.
Napatingin ako kay Leventon dahil doon.
"You have to be bossy and very intimidating if you want to win over someone. Be the very bad of you and let others kneel for you."
"Okay,"
"Now, command them."
I took a deep breath and give them my very intimidating look. "Go back to work. It's already time."
But still, no one's moving. No one wants to obey my words.
"Wala ba kayong narinig? Magsikilos ang bawat isa sa inyo!" sabi ko pero wala pa ring kumilos sa kanila maski isa. "Ano pang hinihintay ninyo? Umalis na kayo!" tinapangan ko na ang aking ekspresyon at pananalita pero wala pa ring epekto sa kanila.
"Leave." walang ekspresyon, tila blanko ang pinakitang mukha ni Leventon, mabilis namang nagsikilos ang mga empleyado, kaniya-kaniya silang sibat sa pintuan at tila nagmamadali ang mga iyon sa takot. Maski si Jessa na isang manager ay halos madapa sa kaniyang takot malisan lamang ang kwartong ito.
"Hindi mo kailangan ng maraming salita upang magpasindak, ang kailangan mo lang ay pasunurin sila sa iyong paraan. Kung kailangan mong maging malupit, gawin mo, pero hindi mo kailangan umabot sa puntong kamumuhian ka nila at pagtataksilan. Ibalanse mo lang dapat." ani Leventon. "Parang hindi kita sinanay ng pitong taon sa pinakikita mo sa akin. Masasayang lang ba ang lahat ng iyon?"
"No. Give me the key." I opened my hand to him.
He handed me the car key and I turned my back to him.
"Zoey,"
I stopped walking. Waiting for him to continue to speak.
"Don't stop moving. Keep walking." aniya. "Don't be submissive. You have to be dominant," he says.
Nagsimula muli akong maglakad tulad ng kaniyang sinasabi.
"Keep moving," aniya. Malapit ko nang mapuntahan ang pintuan. "That's right, Zoey," I heard he said, almost whispering,
"I'm leaving," sabi ko at hinawakan na ang door knob. Sa ngayon ay magkabilaang dulo na kami ngunit naririnig pa rin namin ang isa't isa at nag-e-echo pa ang aming mga salita.
"Zoey, This is the start of their nightmare. I want you to give a s**t to this game. Make them beg for mercy. Make them cry with their f*****g blood. and while they're doing that, you only have one thing to do and that is to not listen. Do you hear me? Don't. f*****g. listen. to. them. Just don't or else you'll lose."
hindi ko na siya tinapos pakinggan, binuksan ko ang pintuan at tuluyan siyang iniwan mag-isa sa kwarto.