chapter 2

1932 Words
"May naging kaibigan ka rin ba doon sa States Ate?" Ang kapatid na nakahiga sa mahabang bangko,kasalukuyan silang nasa terasa ng kanilang bahay dahil matapos niyang maghapunan ay niyaya sila ng Ama na doon magpalipas ng oras para na rin makapag-usap ng maayos,alas dyes na ng gabi at naroon parin sila na ine-injoy ang tahimik na paligid, dagdag pa doon ang sariwa at malamig na dampi ng hangin na kay sarap langhapin. Hindi niya mapigilang yakapin ang sarili at napapikit, ilang taon din niyang hinahanap ang ganitong environment,lalo na ang malamig na simoy ng hangin na karaniwang nararanasan ng mga tao tuwing papalapit na ang pasko,masasabi niya talaga na there's no place like home. Kahit ilang taon man siyang lumayo, alam niya sa sarili niya na babalik at babalik parin siya kong saan siya nagmula,lalo na ang tahanang ito, dito siya nagkaisip, lumaki at nagdalaga, dito niya rin unang nakilala ang lalaking minahal at pinakasalan niya. She was twelve ng makilala niya ito. Lavinnia, tapos ka na bang mag-ayos? bumaba ka na tayo at may ipapakilala ang Mama sayo. "tawag ng kanyang Ina ng katukin siya nito sa kanyang kwarto.Palabas na rin siya ng kumatok ito kaya binuksan na niya ang pinto. "Wow ang ganda naman ng Ninin ko,bagay sayo ang damit na yan anak, dalagang-dalaga ka na talaga." buong paghanga nitong wika ng makita siya nito,nakasuot siya ng kulay asul na bestida na hanggang tuhod ang haba, pinarisan niya iyon ng kulay puting sandalyas na dalawang inches naman ang taas, ang mahabang buhok niya na tinirintas ng Yaya Daria niya kanina at nilugay niya sa kanang balikat,nag apply rin siya ng light na make up para hindi siya magmukhang Nene sa ayos niya,as her Mama said dalaga na siya at kailangan na niyang ayusin ang sarili na naayon sa kanyang edad. "Thank you Mama,salamat po sa damit ah, nagustuhan ko po, "sabi niya at humalik sa noo ng Ina. Napangiti naman ito sa ginawa niya kaya mahina siya nitong kinurot sa kanyang pisngi. "Aba ang Ninin ko, marunong nang mambola, o siya,halika na at naghihintay na ang bagong dating nating bisita,hindi na ako makapaghintay na ipakilala ka sa kanila anak,"wika ng Ina at hinawakan siya sa palapulsuhan para bumaba na. Today is her Dada's birthday, may simpleng handaan na nagaganap sa bahay nila at imbitado ang iilang malalapit na kaibigan ng Ama niya ganun din ang kaibigan ng Ina. Nang makababa sila ng hagdan ay pansin niyang sa deriksyon nila ng Mama niya nakatuon ang lahat ng mga matang naroroon. Nahihiya siyang napayuko at napahawak ng mahigpit sa braso ng Ina. "Ninin, wag kang mahiya, dalaga ka na anak, isa pa teritoryo mo ito. " bulong ng kanyang Mama ,tama ito hindi siya dapat mahiya lalo na't pamamahay nila ito. Dahan-dahan niyang inangat muli ang ulo para salubungin ang mga tingin ng mga naroon ngunit sa hindi inaasahan ay nadapo ang kanyang mga mata sa isang binatilyong may katangkaran na nakatayo habang may kinakausap sa isang tabi,cute ito dahil sa agaw pansin ang tangos ng kanyang ilong dumagdag pa roon ang mamula-mula na hugis puso nitong labi na tila mahihiya ang lahat ng mamahaling brand ng lipstick dahil sa natural na itong mapula na parang ng aanyaya pang mahalikan,kinutusan niya ang sarili dahil sa naglalarong ideya sa kanyang isipan, lumakbay muli ang kanyang tingin pabalik sa mga mata nitong mapupungay, mata na kong tingnan ay parang hindi marunong magalit.Hindi niya alam ngunit ng sandaling iyon natagouan nalang niya ang sariling ngumingiti rito at ang hindi niya inaasahan ay ang pagbaling rin nito ng tingin sa kanya at binigyan rin siya ng isang matamis na ngiti. Hindi niya alam ang magiging reaksyon, para siyang binibitay ng mga sandaling iyon. "Ninin,ninin,are you okay anak?"mabilis niyang iniwas ang tingin sa binatilyo ng marinig ang boses ng Ina na nagsalita. "Ma. "aniya. "Sabi ko,tara na at pumunta tayo roon, ipapakilala kita kay Janice at sa anak niyang si Marco, i'm sure na matutuwa si Janice pag makita ka niya. " may galak na sabi nito sa kanya. Nagsimula sa silang maglakad sa deriksyong sinasabi nito at ang bawat bisitang madadaanan nila ay hindi nakakalimot na purihin siya kumustahin. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilang hindi lingunin ang binatilyong nakatitigan niya kanina, ngunit wala na ito roon sa kinatatayuan niya kanina.Nilinga niya ang paningin sa buong paligid ngunit hindi na niya ito makita pa. May panghihinayang siyang naramdaman ng hindi na niya ito makita pa. "Janice," tawag ng kanyang Mama sa halos kaedaran nitong babae, sopistikada itong manamit at mukhang maselan kong tingnan. May hawak itong isang baso sa kanyang kamay na naglalaman ng tubig. Nang makita nito ang Mama niya ay kaagad na may pumaskil na malapad na ngiti sa kanyang labi. Lumapit ito sa kanila ng may galak. "Alberta, "sabi nito at bumaling sa kanya. "Is she?"tanong nito. "Yes,Mare siya si Lavinnia,my daughter. "proud na pakilala ng Ina sa kanya. "Oh wow, she's so beautiful Alberta,but sad to say that, hindi siya nagmana sayo kundi kay Artimion. "pang aalaska ng Tita Janice nito sa kanyang Ina. "No,that's not true Janice,she have my pointed nose and pouty lips, she had her Dada's eyes and shape of face lang.. pero ako talaga ang kamukha niya. "pag aangat naman ng Ina sa sarili. "Okay.. as my friendship said, hindi ka parin talaga nagbabago,pinipilit mo parin talaga ang mga bagay na gusto mo,"umiiling nitong wika sa kaibigan. "Hi hija, i am your Tita Janice,i'm so happy to see you again, bata ka palang noon ng bumisita ako dito sa Mama mo."wika nito at niyakap siya, "I'm your Mama's friend since we were a kid,doon ako nakapagtrabaho sa Canada kaya doon na rin ako nakapag-asawa, I lived in Canada with my husband and our Son pero umuwi lang kami ng Pilipinas dahil sa gusto ng aming nag-iisang anak."dagdag pa nito sabay lingon sa kanyang likuran, parang may hinahanap. "Saan na ba ang batang yun.." "Oh there you are son,come here." Sunundan niya ang tinatawag ng Tita Janice niya at siya namang tambol ng puso niya ng mapagsino ang anak na tinutukoy nito. Yung binatilyong nakita at ngitian siya kanina,lumapit ito sa kanila at tumabi sa kanyang Ina, nakapako lamang ang kanyang paningin rito, yun bang may sariling isip ang mga mata niya para e-sentro lang sa binatilyo kanyang atensyon. "Say Hi to your Tita Alberta,Son, and also to Lavinnia."malambing na utos ng Ina. "Hi Tita Alberta,nice to see you. " Wika nito at bumeso. Magkatabi lang sila ng Mama niya kaya nanunuot sa ilong niya ang mabangong amoy nito, pakiramdam niya kahit pabango palang ay napaka manly talaga ng binatilyong bisita nila,kahit saang anggulo man tingnan ay wala siyang mapipintas sa etsura nito kase maliban sa cute, gwapo pa ito at mukhang malinis sa sarili. "Nice to see you too Hijo,binata kna, parang kailan lang ng makita kita karga-karga ka pa ng Mama mo, pero ngayon mukhang pwede ka nang mag-asawa." Sabi naman ng Mama niya na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.Nanatili siyang tahimik sa gilid,bigla siyang nakaramdam ng hiya.Lalo na ng mapansin niyang panay ang sulyap sa kanya ng binatilyo. Napayuko siya. "I told you Alberta,baka nga bukas makalawa magugulat nalang ako na lola na pala ako dito sa binata ko." dagdag naman ng kaibigan, "Maganda ang magiging lahi nito kong sakali man Mare. "sabi naman ng Mama niya, naisip niyang bigyan ng privacy ang Ina at kaibigan nito kaya naman nagpasya siyang umalis at naisipang hanapin ang kanyang Dada para muli itong batiin sa kanyang kaarawan. "Where are you going Lavinnia?" nahinto siya ng tawagin siya ng Mama niya,buong akala niya ay nakatuon lang ang buong atensyon nito sa kausap, hindi pala dahil parang siya lang pala ang binabantayan nito. Hinila siya nito sa kanyang braso "Anak,don't be rude, lalo na pag nasa harapan natin ang bisita, nag-uusap pa nga kami ng Tita mo iiwan mo na kami,we did'nt introduce Marco to you yet." sabi nito ano pa ba ang aasahan niya mahilig sa social life ang Ina, kong ang Dada niya lang ang masusunod ayaw sana nitong magpaparty sila, okay na daw kase sa Dada niya ang kumain silang mag-anak sa labas at mamasyal. Pero nagpumilit ang Mama niya dahil ang sabi nito darating daw ang kaibigan niya mula Canada at pupunta rito kaya wala na rin magawa ang Ama kundi ang pumayag sa gusto ng asawa. "Mare, pasensya na dito ha, mahiyain kase.. nahihiya yata kay Marco."hinging paumanhin ng Mama niya rito. "It's okay friendship,dumaan rin naman tayo d'yan. "sabi ng Tita Janice niya na kumindat pa sa kanyang Ina na tila may pinapakahulugan. "Pupuntahan ko lang po sana si Dada."aniya. "After anak,say Hi to Marco first. " segunda muli ng Mama niya. "Marco hijo, this is Lavinnia,siya ang sinasabi ko sayo na anak ng Tita Alberta mo,she's pretty,isn't she? " sabi ng Ina nito at pinaharap silang dalawa,muli na naman siyang napayuko dahil nakaramdam na naman siya ng hiya. "Yes Mama, she is.. " di niya mapigilang mapasinghap sa narinig,dahan-dahan niyang inangat ang tingin at kita niya ang mapupungay na mga mata ng binatilyo na tila nakangiti sa kanya.Wala siyang maapuhap na sasabihin kaya tanging paglunok nalang ng sariling laway ang kanyang ginawa ng mga sandaling yun. "I'm happy to see you Lavinnia,Marco pala. " sabi nito at naglahad ng kamay sa kanya. Bumaling siya sa Ina para humingi ng permiso kong tatanggapin ba niya ang pakikipag kamay ng binatilyo, masayang tumango ang Ina at minuwestra pa ang dalawang kamay bilang hudyat na sang ayun ito sa nakikita. Muli siyang bumaling sa kaharap at inangat ang kaliwang kamay para tanggapin ang pakikipag kamustahan nito. "H-hi,masaya rin ako at.. nakilala kita."nauutal na sinabi niya,bigla siyang napasinghap ng bahagyang pinisil ng binatilyo ang palad niya,tila may ibig iyong sabihin pero hindi niya naman maunawaan. "Ate,inaantok ka na ba?kanina pa kase kita kinakausap," nakabalik siya sa malalim na pag-iisip ng marinig ang kapatid.Nakaupo na ito ngayon at naka-kalongbaba na nakatingin sa kanya,ang Dada naman nila ay tahimik lang na imiinom ng tsaa nito sa bilog na mesa habang pinagmamasdan rin siya,kong ganun kita pala ng mga na malalim ang iniisip niya. "A-ah medyo.. "alibi niya para pagtakpan ang kahihiyan,nag-unat pa siya ng dalawang kamay at nagkunwaring humihikab. "Sigurado ka Ate? siya ba ang iniisip mo?" kahit hindi man banggitin ng kapatid ang pangalan ng tinutukoy nito ay alam niyang si Marco iyon. Her brother knows her so well. Ano pa ba ang itatago niya rito,mula pagkabata ay sila na ang palaging magkasama magbestfriend na rin ang turingan nila sa isa'isa lahat ng sekreto niya alam ng kapatid at ganun din siya rito, nawala lang ang komunikasyon nila ng umalis siya at hindi nakibalita sa pamilya,ayaw niya kase na may marinig pang balita tungkol sa lalakeng pinakasalan. "No, bakit ko naman siya iisipin? as i told you earlier Pao,he's nothing to me, he's nothing but a big mistake i want to forget!he's a biggest mistake that happened in my life,na kahit kailan ay hindi ko na gusto pang makilala kong may pagkakataon man, meeting him is a bad nightmare that ever happened to me,masamang panaginip na hindi ko na gusto pang mapanaginipan,he ruined my life,so tell me?bakit ko naman siya iisipin?" may bahid ng pait niya dito'ng sinabi. "Nakalimutan mo na ba talaga siya anak?"napatda siya sa kinauupuan ng hindi inaasahang biglang magsalita ang kanyang Ama. Matagal siya bago nakasagap ng sasabihin,ilang segundo pa siyang nakatulala sa kawalan,kapwa naman naghihintay sa isasagot niya ang dalawa, malalim siyang napabuntong hininga at sa wakas ay nagsalita. "Y-yes Dada, matagal na.. actually noong araw din mismo kung saan pinagtaksilan niya ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD