Napangiti si Lavinnia habang sinisipat ang sarili sa salamin,isang kulay itim na bustier crop top ang suot n'ya na pinarisan ng maong short na kupas."Ang sexy ko na talaga,"nakangiting bulong n'ya sa sarili.
Hindi siya ang tipo noon na mahilig magsuot ng mga labas kaluluwang damit dahil maliban sa naasiwa ay chubby pa s'ya noon pero mula ng namuhay siya ng tatlong taon sa US natuto siyang magsuot ng mga daring na damit sa impluwensya ng mga naging kaibigan niya doon,lahat ng mga bisyong hindi niya ginawa dito noon sa Pinas ay natutunan niya sa US kasama ang mga naging kaibigan.
"May lakad ka anak,ang aga mo yatang nakabihis at... ano yang suot mo? "
Kita ang pagka disgusto ng ama sa suot niya ng sadyain niya ito sa kanyang library para mag paalam,may kong ano itong binabasang papel ngunit binaba rin ng makita siya,magkasalubong ang dalawang kilay nitong nakatingin sa suot niya.
"Da,ito po ang uso ngayon,wag na po kayong magugulat."
pilyo niyang sabi dito. Umiling na lamang ang ama ngunit kita parin ang pagka disgusto sa etsura.
"Since when you started wearing that?"nakataas ang kanang kilay na sabi nito.
"When i stay's in US Da,wala naman po siguro'ng masama na baguhin ang sarili hindi ba? "wika n'ya.
"Wala, but i like the old Ninin parin,but if that makes my Ninin happy,wala akong magagawa, "
Wika ng ama. Isa ito sa pinaka namis niyang ugali ng ama ang pagiging supportive nito sa kanya sa lahat ng bagay, mula pagkabata sinusuportahan ng ama ang lahat ng gusto niya kaya mas malapit silang dalawa kesa sa Mama n'ya. "Thanks Da, "
"Saan ka ba pupunta at sobrang sagwa ng suot mo,?"muli pang tanong nito.
"Ngayon po kami magkikita ni Attorney Da,para pag-usapan ang mga proseso para sa mabilis na annulment namin ni.. Marco. "
aniya ngunit tila may bikig sa kanyang lalamunan na banggitin ang pangalan ng asawa. Tahimik lang na tumingin sa kanya ang ama na sinusuri ang bawat reaskyon n'ya.
"Desisyon mo yan anak,hindi kita pipigilan,basta lagi mo lang tatandaan,nandito lang ako,"
"I know.. "
kumpyansa niyang sagot,alam n'ya kase na kahit anong mangayari susuportahan parin siya nito sa lahat ng desisyon niya,kahit pa ramdam n'ya na may pag aalangan ang Ama sa gusto n'yang mangyari.
"You can use my car be careful ha."paalala ng Ama at inabot nito sa kanya ang susi ng kanyang kotse.
"Yes i will,thank you Da, "
Sabi n'ya at muli pang humalik dito.
Matapos niyang makapagpaalam sa Dada n'ya ay mabilis s'yang lumabas ng bahay at bumyahe na sa lugar kong saan sila magkikita ng Abogado niya, sa isang sikat at over looking restaurant sa Antipolo sila magkikita ngunit mahigit isang oras na s'yang nasa byahe mula sa bahay nila sa Makati ay hindi parin s'ya nakakarating sa pupuntahan dahil sa matinding traffic ilang beses na s'yang napabuntong hininga sa sobrang inis,naiinis s'yang napahilot ng sentido at napapikit.
"Hanggang kailan pa kaya mababawasan ang traffic sa Pinas,"
she said frustratedly nakailang missed calls na rin ang Abogado n'ya at text pero mas pinili nalang n'ya itong replyan kesa sa sagutin ang tawag.Sinabi n'ya dito na na traffic lang s'ya ng kaunti kaya s'ya male-late.
Matapos sumagot sa text ang Abogado ay biglang sumagi sa isip n'ya na maghanap nalang ng alternatibong daan para mas madaling makarating sa pupuntahan,may mga ideya rin naman siya sa mga dinadaanan dahil madalas din siyang napapagawi noon sa Antipolo.Umiba siya ng ruta at makalipas ang humigit kumulang kinse minuto ay nabuhayan siya ng loob.
"Kung sinuswerte ka nga naman,"
bulong niya sa sarili ng makarating s'ya sa pamilyar sa kanyang daan kong hindi s'ya nagkamali ay konektado ang daan na iyon sa restaurant na pupuntahan, binilisan pa n'ya ang pagmamaneho ng biglang may sumulpot sa unahan n'yang isang itim at mamahaling motorsiklo,sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi niya namalayan na muntik na pala s'yang mabangga dito kong hindi lang naging maagap sa pag preno.Mabilis ang tahip ng kanyang dibdib ng sandaling iyon,buong akala n'ya mababangga na s'ya,dahil sa kaba at galit sa biglang sumulpot na motorsiklo ay hindi n'ya napigilan ang sarili at padabog na lumabas ng sasakyan para lapitan ito, kung hindi s'ya sinwerte baka mamamatay s'yang kasal sa taksil n'yang asawa, dahil sa walang modo'ng motorista na bigla-bigla nalang susulpot sa harap n'ya.
Galit na nakapameywang n'yang nilapitan ito.
"Hoy gago ka ba!kong gusto mong magpakamatay suluhin mo!hindi yung mandadamay ka pa!"
Pinasadahan n'ya ito ng tingin, sa anggulo at pangangatawan nito ay halatang lalake ito,nakasuot ito ng itim na helmet at mukhang tented pa, maging ang coat at pantalon nito ay itim rin maging ang sapatos man, bigla s'yang kinabahan ng mapansin na tila hindi man lang natinag sa pagkakahawak sa mabela ng motor nito ang lalake,mukhang nakatingin lang ito sa kanya na halos lumabas na ang dibdib este ugat sa leeg sa sobrang galit.Pero bakit naman s'ya magpapasindak sa lalaking iyon,ito ang may kasalanan at hindi s'ya. Muli s'yang nag-ipon ng tapang para ituro dito ang nararapat.
"Hey! Wala ka bang sasabihin? you almost killed me!"
Nagpupuyos sa galit n'ya dito'ng sinabi.Hindi n'ya man nakikita ang naturang lalake pakiramdam n'ya nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya sigurado s'ya doon dahil sa deriksyon n'ya ito nakabaling.
"Hey!can you hear me?"may kalakasan n'yang sambit at lalo pang lumapit.
Ngunit sa halip na sagutin ay isang malakas na ugong mula sa motor nito ang narinig n'ya hindi pa ito nakuntento at naglabas pa ng makapal na usok mula sa tambutso ng kanyang motorsiklo,napaatras s'ya at sunod-sunod na napaubo ng makalanghap ang mahabo at makapal na usok mula sa dito kasunod noon kumambyo at umikot pa ito sa paligid n'ya na nagtamo ng makakapal na usok bago pa man pinasibad ang kanyang motorsiklo.
"Gago ka!bastos!walang modo! Mamatay ka sanaaa!"
Malakas na sigaw n'ya, nasa aktong hawak niya ang dibdib na pabalik sa kanyang sasakyan habang panay din ang ubos ng may naka unipormeng lalaking lumapit sa kanya.
"Ma'am,pasensya na po pero trespassing po kayo Ma'am. "wika ng lalaki,
ano daw? siya trespassing?
"W-what? "
kunot-noo n'ya itong hinarap,
"Opo hindi po dinadaanan ang loteng ito,dahil pribado na po ito, "wika ng lalaki may tinuro pa ito sa kanya sa bandang kaliwa n'ya saan s'ya dumaan kanina, muntik na s'yang masamid sa sariling laway ng makita ang isang malaking sign doon.
"Private Property no Vehicles allowed behind this point"
"Buti nalang po at hindi na kayo pinatulan pa ni Sir at usok lang mula sa motor n'ya ang natamo n'yo,"nagtatago ng ngiting dagdag pa ng gwardya,parang natatawa ito sa etsura n'ya.
Nakaramdam s'ya ng hiya ng marealize na s'ya pala itong mali at hindi iyong naka motorsiklong muntik ng makabangga at tama ba ang narinig n'ya? tinawag pa itong Sir ng gwardya, "S-sir,boss n'yp po yung.. naka motorsiklo kuya?"
Naninigurado'ng tanong n'ya tumango naman ito. "Opo,boss ko 'yun. "may pagmamalaki nito'ng sinabi.Hilaw s'yang napangiti ng sandaling iyon, parang gusto n'yang lamunin nalang s'ya ng lupa sa tagpong iyon dahil sa hiya.
"A-ahh sorry kuya,hindi ko kase nakita ang sign kanina dahil sa sobrang pagmamadali, traffic kase sa dinaanan ko kaya naisipan kong maghanap ng alternatibong daan para mabilis akong makarating sa pupuntahan but, i did'nt know that this is a private road now, sa pagkakatanda ko kase noon bukas ito sa lahat ng motorista,"
she explained,besides nagsasabi naman s'ya dito ng totoo dahil hindi pa naman talaga noon pribado ang daanang ito.Malay n'ya ba naman na may mayamang nakabili ng lupaing ito at isinara na pala sa mga motorista.
"Nauunawaan po kita Ma'am,siguro po ay hindi na kayo madalas na gumagawi sa lugar na ito,mahigit dalawang taon na kase'ng sinarado sa mga motorista ang parte'ng 'to,"saad pa nito.
"Oo nga po e,"tanging namutawi sa labi n'ya,napasulyap s'ya sa relos n'ya sa kanyang kamay at sobrang late na talaga s'ya alas otso ang usapan nila ng Abogado n'ya ngunit mag-aalas dyes na.
"Isa pa pinatayuan na kase ng isang Villa ang loteng ito Ma'am,"
pagbibida nito sa kanya. Gulat naman ang rumihestro sa kanya ng mga sandaling iyon.Malaki nga ang sakop ng loteng ito,magandang spot ito para sa mga nagbabalak magbukas ng isang Villa.
"Villa?"wala sa loob na nasabi niya.
"Opo,nakikita n'yo po ba ang gawa sa batong gate na iyan Ma'am, "
turo nito sa bandang kaliwa n'ya kong saan biglang sumulpot ang naka motorsiklong lalaki kanina. Hindi n'ya napansin na sa sobrang pagmamadali ay merun nga palang isang gate sa bahaging iyon at hindi man lang n'ya napansin ang paglabas ng naka motor na lalaki.
"Sa loob po n'yan Ma'am ang napaka gandang Villa ni Sir,hindi lang halata na Villa dahil wala naman kaseng nakasulat o nakaukit na letra sa labas,"
masayang wika nito,naging interesado siya sa Villa'ng sinasabi ng gwardya kaya panandalian n'yang isinantabi ang mahalagang appointment ng sandaling iyon,
"Kaya lang malungkot sa loob n'yan,"sabi pa nito na sinabayan pa ng mahinang buntong hininga.
"Bakit naman po?"
"Mula kase nang ipatayo ang Villa Ma'am isa na ako sa mga kinuha'ng gwardiya rito, dalawang taon mahigit nang tapos ang Villa pero hanggang ngayon hindi pa rin binubuksan sa publiko ni Sir,nakakapanghinayang nga e, ang laki ng ginastos n'ya para maipatayo lang ang Villa na yan,pero mukhang wala naman s'yang balak buksan, "
"Baka po, my sentimental Value lang sa Sir n'yo ang lugar na ito kuya,"
nakangiti dito'ng dugtong niya. Tila hindi naman sang-ayon sa sinabi n'ya ang gwardiya kaya malalim na naman itong napabuntong hininga at nagsalita.
"Hindi rin Ma'am, sa pagkakarinig ko kase,regalo sana ni Sir ang Villa na yan sa asawa n'ya, yun nga lang naghiwalay rin sila,pero bilib ako kay Sir,kase kahit hiwalay na sila ng misis n'ya pinagpatuloy n'ya parin ang Villa na yan."wika nito.
Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan n'ya sa kanyang labi.
"Isa lang ang ibig sabihin non kuya,kahit nagkahiwalay man silang mag-asawa the guy still fullfill his biggest ang grandest surprise for his wife at isa iyong pangako na nais n'yang matupad kahit na wala man ang asawa sa kanyang tabi."mahinang sabi n'ya.