SNL 1
TYRA
"WAHHHH...really, mommy! I'm going to study in the Philippines?"
Ngumiti naman si Mommy sa akin. " Yes. But you promise me na magpakabait ka doon."
"Of course, mom! I will! Thank you so much, mommy ko! I love you!"
Hindi naman lahat na gusto ko ay binibigay ng parents ko. Isa lang talaga ang hinihiling ko sa kanila, ang makapunta sa Pilipinas. Alam ko kasi doon walang magbabantay sa akin.
"Hindi porke't pinayagan na kita, malaya ka na, Tyra. Nandoon ang mga pinsan mo sa Pilipinas kaya bantay sarado ka pa rin."
"Mommy nga eh. I'm not a kid anymore! Marunong na ako sa buhay. I mean, I'm already an independent."
"No. Tinawagan ko na si Kuya Tristan at Ate Kath mo na bibisitahin ka lagi."
Napanguso naman ako. Sobrang higpit pa naman ni Kuya Tristan. Si Ate Mia may asawa na rin ito. Actually, kami lang na babae ni Ate Mia sa pamilya ng mga Geller. Kaya naman, sobrang higpit nila sa akin.
"Kakausapin ko na lang si Kuya Tucker mo na doon ka muna pansamantala sa kan'ya-."
"Mommy! Kaya ko na nga ang sarili ko. Please, mommy."
Mas nakakatakot si Kuya Tucker. Ayoko talaga sa kanila. Pasalamat na lang talaga ako na wala sa Pilipinas ang mga kapatid kong lalaki.
I'm half Filipino and half German. Sa edad kong labing-anim, nabiyayaan na agad ako ng malaking hinaharap at makurbang katawan. Matangkad din ako. And nakuha ko rin ang napakagandang kulay berdeng mga mata ni Daddy. Kahit ang mga kuya ko at mga pinsan, kulay berde rin ang mga mata. Pero ako kasi, naglalagay talaga ako ng contact lens.
ILANG araw din na lagi kami nagtatalo ni Mommy kung saan ako titira sa Pilipinas. Mabuti na lang may kakampi ako. Ang love na love kong si Daddy. Kaya naman, wala na magawa si Mommy. Si Daddy na rin nag-asikaso na bilhan ako ng condo. Actually hindi pa alam ng mga kuya ko. Mas mabuti na rin na hindi nila alam dahil ayaw din nila na mag-isa lang ako sa bahay.
After a long argument with my mom, ito na nga, nasa airport na ako at papunta na ako sa Pilipinas.
"Mag-ingat ka. Ang mga sinasabi ko sa'yo, Tyra!"
Ganito talaga ang mommy ko. Maraming sermon ang natatanggap ko. Minsan nga, sinusulat pa niya ito sa papel.
Lumapit naman ako kay Daddy at niyakap ito ng mahigpit.
"Thank you, Daddy."
"Your welcome, my princess. Take care of yourself, okay. And behave."
Tumango naman ako. Sunod naman ako lumapit kay mommy at hinalikan ito sa pisngi.
" Thank you, mommy ko. I'm gonna miss your armalite mouth," natatawang turan ko naman. Kahit si Daddy napatawa na rin.
"Umayos ka doon, Tyra! Sinasabi ko sa'yo!"
"Yes, mommy ko!"
*************
I CAN'T imagine iyong dating pangarap ko, ngayon natupad ko na. Dalawang taon pa lang ako noon, ang huling punta ko sa Pilipinas. Now, I'm already sixteen. Almost 14 years rin bago ulit ako nakabalik.
Sa sobrang haba ng biyahe, pakiramdam ko nahiwalay na ang aking kaluluwa. Sobrang pagod na rin ako.
Si Kuya Tristan at Kuya Terrence ang sumundo sa akin sa airport.
"So, how's the climate here?" Tanong ni Kuya Terrence sa akin.
Napangibit naman ako. Pagkababa ko sa eroplano, sobrang init ng hangin na humahampas sa balat ko.
"Mainit po pala dito."
Mahina naman napatawa si Kuya Terrence.
"Kaya mo na ba mag-isa sa bahay, Tyra?" Seryosong tanong sa akin ni Kuya Tristan.
" O-Opo."
"Huwag ka muna mag-asawa ng maaga, baka gayahin mo rin si Ate Mia mo," sermon ni Kuya Tristan.
" Oh, come on, Dos. May pangarap pa 'yan ang baby girl natin," singit ni Kuya Terrence.
"First year college ka na, right?" Tanong ni Kuya Tristan.
"Opo. And nursing po ang kukunin kong kurso."
Napatango naman silang dalawa. Bago nila ako ihatid sa condo ko, kumain muna kami sa isang restaurant. Dumating rin sila Kuya Tobby, Kuya Tucker at Kuya Tiger. Pinagtitinginan pa nga kami dahil nag-iisala lang akong babae.
"How are you, baby girl?" Malambing na tanong ni Kuya Tiger at hinalikan ako sa noo.
"Kuya, dalaga na po ako. Please, huwag niyo na ako tawagin na baby girl!" nakasimangot na saad ko sa mga ito.
"Baby ka pa naman talaga. Bakit gustong-gusto mo na dito ka mag-aral, siguro may sinusundan ka dito," aniya naman ni Kuya Tobby.
"Wala po. Kasi hindi po dito mahirap. And….ayoko doon sa Germany, nakabantay si Mommy sa school."
Nagtatawanan naman silang lahat. Lalo tuloy kami pinagtitinginan. Maya-maya lang dumating rin si Kuya Timothy. Napapaligiran tuloy ako ng mga napakaguwapong nilalang.
"Sorry, I'm late. Nag-alaga pa ako sa anak ko," aniya ni Kuya Tim. Lumapit ito sa akin at sabay halik sa noo ko.
"How's your trip, baby?" Tanong ni Kuya Tim.
"Okay lang po."
Nag-order na muna ng pagkain si Kuya Tucker.
"Bakit hindi ka na lang mag-stay sa bahay namin. Mamili ka lang kung saan mo gusto," aniya ni Kuya Tiger.
"Ayoko po. Malaki na ako, kaya ko na mag-isa."
"Kahit nakabukod ka, bantay-sarado ka pa rin, Tyra. Lahat ng lakad mo, nakamonitor sa amin," saad naman ni Kuya Tobby.
"House and school lang naman po ako. And bawal pa po ako magka-boyfriend. Pero crush, puwede po."
Lahat sila nakatingin sa akin.
"Diyan nagsisimula sa crush-crush na 'yan!" Aniya ni Kuya Terrence.
Nakasimangot naman ako. Mas malala pa sila kay Mommy.
"Crush lang naman po. And crush ko si Kuya Rhenz Bright."
Sobrang guwapo talaga ni Kuya Rhenz. Sikat kasi ito sa isang Boys Town Magazine. Kahit sa Germany, sikat na sikat ito. Gusto ko talaga siya makita sa personal. Pero may asawa na daw ito. At wala na rin ito sa showbiz.
"Mas guwapo kami doon, Ty-Ty! Ang pangit kaya niya!" irap ni Kuya Tristan.
"Pero po, guwapo rin ang asawa ni Ate Mia at ang mga kapatid," nakangiting sabi ko naman.
Natahimik naman silang lahat.
"So, option lang kami?" taas ang kilay na saad ni Kuya Tucker
"H-Hindi po! Syempre, team Geller pa rin ako."
Sabi kasi sa akin ni Ate Mia, Hindi magkasundo ang asawa niyang si Kuya Kenjie Alcantara at ang mga pinsan kong ito.
After namin kumain, si Kuya Tristan na ako naghatid sa akin sa aking condo. Next week, may family dinner kaming lahat. Makilala ko na rin ang mga pamangkin ko at ang mga asawa ng mga kuya ko.
Yes, I'm so excited na. New life. And a new journey. And syempre, new friends na rin.