TYRA "MAYBE it's time to take you back," aniya at kinulong ako sa malaki niyang braso. Agad naman ako pumiglas at itinulak ito. "A-Anong pinagsasabi mo?" "Why? I've waited for you so long, Ty. Now, we're free. 'Di ba sabi mo hintayin kita?" Umiling naman ako. "N-No. Kalimutan mo na iyon-." "Love?" Napalingon naman ako sa biglang pagsulpot ni Evo. "What's going on here?" Tanong ng kasintahan ko at inakbayan pa ako. "A-Ahmm...w-wala." Nakatitig lang si Nix sa akin at puno ng katanungan ang kanyang mga mata. "Well, nice to see you again, Monteverde," bati ni Evo na ikinagulat ko naman. Magkakilala sila? Pero si Nix, tahimik pa rin ito. Bumaling naman si Evo sa akin. "Nakaihi ka na ba?" Tumango na lang ako. "Let's go." Hindi na ako umimik nang hinawakan na ni Evo ang kamay ko

