TYRA TWO MONTHS LATER. "TYRA? TYRA?" DAHAN-DAHAN ko naman binaba ang kumot na nakabalot sa buong katawan ko. "Mom." "Simula nang bumalik ka dito sa Germany, wala ka ng ginawa kundi natulog maghapon. Look at yourself, ang putla mo na!" sermon naman ni Mommy. "Hmmm..pabayaan niyo na po ako," mahinang sagot ko naman. Napabuntonghininga naman si mommy. "Anak, kung may nararamdaman ka or baka tinatago mo lang sa amin na may sakit ka. Please, tell us. Baka maagapan pa ng maaga," malungkot na turan ni Mommy. Nakasimangot naman ako. "Wala po. Trip ko lang matulog." "Gusto ng Kuya Tory mo na bumalik ka ulit sa pag-aaral. Gusto niya, dito ka na lang mag-aral sa Germany." "Ayoko po. Maayos naman ako sa Pilipinas, dinala pa ako ni Kuya Trevor pabalik dito sa Germany," sagot ko naman kay mo

