TYRA
NOOOO!
OMG!
I CANNOT!
Halos takbuhin ko ang comfort room dahil sa sobrang hiya. Pagdating ko sa loob ng cubicle, agad ko hinubad ang suot kong skirt at hinubad ko na rin ang aking underwear.
Napanguso naman ako dahil nakadikit pa rin naman ang panty liner sa aking underwear. Mabilis ko ulit sinuot ang underwear ko at inayos ang aking skirt. Halos madapa na ako kakatakbo pabalik sa room namin.
Tamang-tama, wala pa ang mga kaklase ko. Si Sir Nixus pa lang ang naabutan ko at abala ito sa kan'yang laptop.
"S-Sir?" nahihiyang tawag ko naman.
Umangat naman ang ulo niya at nakatitig sa akin.
"Yes?"
Pinilipit ko muna ang kamay ko dahil nga nahihiya pa ako.
"S-Sir, hindi po sa akin ang panty liner na iyon. Iyong sa akin nakadikit pa rin sa underwear ko. Baka po sa ibang estudyante iyon. At saka po, mahigpit po ang kapit ng panty liner ko sa aking panty."
Nakatitig pa rin ito sa akin. Pero napansin ko rin ang pagngiti niya.
"So, what's the problem?" aniya.
" Ehhh..s-sinabi ko lang po."
Ramdam ko naman ang pag-init ng buong mukha ko.
"You don't need to explain it. Just keep it to yourself, Tyra."
Kinagat ko naman ang ibabang-labi ko. "S-Sorry po," nahihiyang sagot ko naman at umupo na.
Hindi na ako umimik hanggang nag-umpisa na magturo si Sir Nixus. Nahihiya na tuloy ako sa kan'ya. After ng klase, pumunta muna ako sa canteen at bumili ng pagkain. Wala pa naman akong kaibigan kaya lagi ako nag-iisa. After ko kumain, pumunta muna ako sa likod ng building namin. Mas gusto ko doon muna tumambay dahil tahimik at makapagbasa ako ng mabuti.
"Mabuti na lang walang pumupunta dito sa likod ng building," mahinang sabi ko habang naglalatag ng maupuan. May malaking puno dito at talaga naman napakapresko ang hangin.
"Kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend?" imik ko habang nagbubuklat ng dala-dala kong aklat.
"Study first."
Sobrang gulat ko naman na biglang may sumagot. Agad naman ako tumayo at sumilip sa likod ng puno.
Sir Nixus?!
Nakasandal ito sa Puno at nakapikit ang mga mata. Halos hindi na ako kumukurap habang tinititigan ito.
"Baka matunaw na ako sa pagtitig mo sa akin," aniya.
"P-Po. Hindi naman!" sabay iwas ko ng tingin at sabay titig ulit dito. Napalunok pa ako dahil biglang nagmulat ito at nagsalubong ang aming mga mata.
"H-Hi, Sir," bati ko naman.
"Alam mo bang bawal dito sa likod pumunta ang mga estudyante?" aniya na seryoso ang mukha.
"Hindi po. Saka po walang nakalagay na bawal," sagot ko naman.
Tumayo naman ito. Nagpagpag muna ito ng pantalon. Pero ang mga mata ko nakatingin lang sa harapan ng kan'yang pantalon na may malaking umbok.
"Namboboso ka ba?" saad niya na ikinataranta ko naman.
"H-Hindi po! A-Ano kasi, may nilagay ka ba sa harap ng pantalon mo? Ano kasi, bakit nakaumbok?"
Napanganga naman ito.
"Wala akong nilagay. I'm just blessed with everything. You know."
Lumapit naman ito sa akin na halos magkadikit na ang katawan namin. Kahit matangkad na ako, parang unano pa rin ako sa sobrang tangkad ni Sir Nixus.
"You're so innocent, Tyra. I don't want any man to touch you."
Nagtataka naman ako na nakatitig sa kan'yang mukha.
"And also I hate that I feel lust on you."
Nanlalaki naman ang mga mata ko.
"S-Sir."
"Okay, I'll go ahead. And by the way, this area is private. Bawal ang mga estudyante dito. And next time, wear a short kapag magsusuot ka ng mini-skirt. Dahil mainit sa mga mata ng lalaki kapag nakikita na nila ang singit ng babae," aniya at sabay alis.
Sinundan ko naman ng tingin si Sir. Bakit private, eh school naman ito. Napatingin naman ako sa aking skirt. Hindi naman maiksi.
"Haist. Bakit ang guwapo-guwapo niya talaga."
Sana wala pa siyang kasintahan. Pero malabo rin na wala pa itong girlfriend.
"Sana ako lang," ngiting saad ko naman.
BASTA lagi akong excited kapag pumasok. Kumpleto na ang araw ko kapag nakita ko Sir Nixus.
"Tyra?!"
Pasimple naman ako napairap. Nandito na naman ang mga bruhildang ito.
"Bakit?" nakangiti na sagot ko naman.
"Gusto mo ba sumali sa grupo namin?"
Nagulat pa ako dahil nga lagi nila ako inaaway tapos pasalihin na nila ako sa kanilang grupo.
"Gusto mo ba?" Ulit na tanong nila.
"Puwede ba?" Alanganin na sagot ko naman.
"Of course naman!"
Malapad naman ang ngiti ko.
"Maging friends ko na kayo?"
Tumango naman ang mga ito.
"Friend?" sabay lahad ng kanilang mga kamay.
"Yes. Friends!" masayang sambit ko.
Lalo pa ako sipagin mag-aral dahil may friends na ako at may inspiration pa sa araw-araw. Si Sir Nixus, ang aking new crush.