CHAPTER X

2940 Words
Naalimpungatan ako sa amoy na aking nalalanghap mula sa aking tinutulugan. Amoy alcohol ito at parang isang ospital ang lugar. Nang mamulat ang aking mga mata'y nakumpirma kong nasa ospital nga ako. Nasa isang puting silid ako at walang ibang kasama kung hindi ako lang. Nagtataka akong napapalinga upang makahanap ako ng rason kung bakit ako napadpad sa isang ospital. Dapat ay pupunta ako sa eskwelahan habang naglalakad kahit masakit ang aking ulo. Umalis ako sa aking hinihigaan at inabot ang aking bag kung nasaan ang aking mga gamit. Nakapatong ang aking bag sa isang maliit na silya at medyo nakabukas ang zipper. Agad akong naghinala. Sino nga kaya ang nagdala sa akin dito? Pabalik-balik na tanong iyon sa aking isipan nang hindi ko mausisa kung ano ba ang nangyari matapos akong mawalan ng malay. Nang makapa ko sa aking bag ang aking cellphone ay agad ko itong hinugot at tiningnan ang oras. 3:25 P.M. Kahit na pilitin kong umalis dito sa ospital at magtaxi ay hindi ko na maaabutan ang huli kong subject. Kaya nanghihinang napabalik na lang ako sa hospital bed at pasalampak na napaupo. Nagtataka pa ring napalinga si Dominique sa kanyang school bag. Sino nga kaya ang nagdala sa kanya sa ospital? Wala kasi siyang ibang maalala kung hindi hanggang doon lang sa mayroon siyang naramdamang mga brasong kumapit sa kanya bago siya mawalan ng malay. Para siyang nagkaroon ng lukso ng damdaming tingnan ang silyang nasa gilid ng kanyang kama. Meron ngang nakapaghatid sa akin. Ang tanong, ay sino? Nang pahintulutan si Dominique na makauwi kasama ang kanyang ama ay agad na silang nag-ayos at gumayak na plabas ng ospital. Magaan na ang pakiramdam niya at naibsan na ang kirot na mula sa kanyang sentido. Ngunit laking pagtataka pa rkn niya kung sino nga kaya ang naghatid sa kanyang walang malay papunta sa ospital? At talagang binantayan pa siya nito dahil sa napansin niyang nakatabinging puwesto ng silya malapit sa kamang hinigaan niya kanina. Nang tanungin niya ang ama'y ipasa-walang bahala na lamang ang kung sino ang misteryosong taong iyon at pasalamat na lang ang diyos dahil hindi siya nito pinabayaan. Dahil sa sinabi ng ama'y kinabukasan ng araw na iyon ay kinalimutan niya na ang nangyari. Masigla siyang nagtitimpla ng kape para kanyang ina at amang naghihintay na maihanda ang almusal para sa kanilang mag-anak. Nang maihalo niya na ang coffee creamer sa dalawang tasa ay inilagay niya na ito sa kanya-kanyang pwesto ng mga tasa ng kaniyang mga magulang. Magkliw siyang umupo sa tabi ng kaniyang ama at naglapag ng table napkin sa kanyang hita. Aabutin niya na sana ang sandok ng kanin nang may maunang kumuha nito. Nailingon niya ang paningin at nakita niya ang nanlilisik na mga mata ng kapatid. Kahit wala naman siyang ginawang kahit na ano ay hinayaan niya lang na mauna ang nakakatandang hermana na kumuha ng pagkain. Dahil sa hindi niya maasim na titigan ang nag-aapoy sa galit na mata ni ate Laiza niya ay inabot niya na lang ang isang piraso ng tinapay at sinimulang pahiran ng butter. Kung magaagawan pa kasi sila kung sino ang mauunang kumuha ng kanin ay paniguradong male-late lang sila pareho sa eskwela at malalagot rin sila pareho sa kanilang ama. Habang nginunguya ni Dominique ang tinapay na nasa kaniyang bibig ay biglang nagsalita ang kaniyang ina, "Mayroong isang party na magaganap sa isang kapitbahay nating kakalipat. Ang sabi'y selebrasyon raw iyon ng pag-uwi ng anak nila mula sa amerika." "Gwapo ba iyong anak nila, ma? Macho?" Biglang putol ni ate Laiza niya sa pagsasalita ng ina na siyang inikutan lang ng mata ng matanda. "Wala ka bang ibang maisip na kung ano liban sa mga macho't gwapo?" Napabuntung-hininga na lang ang ginang at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "As I was saying, we should attend the party because they invited us personally. Alam niyo bang naghatid pa ng prutas dito ang mayor doma nila't ipinasabi raw ng amk niya na papupuntahin raw nila tayo sa party?" "That would be great. Siguro ay may makukuha akong mga maaaring bumili ng wine natin," napahagikgik na lang si Dominique nang sambitin ito ng ama niyang nagpupunas ng bibig. Para kasi nitong ipinapalabas na isang paraan ang party na iyon upang makakuha ng buyers sa kinukulang na kita ng negosyo ng ama nito. Sa halip ay nanatili siyang tahimik at ipinagpatuloy ang pag-aalmusal. "Yes, dad. That would be great. Kaya pupunta tayo. Kailan ba iyon, ma?" Biglang linga ni ate Laiza niya sa ina nila ng tanungin nito kung kailan gaganapin ang aktibidad. "Mamaya na iyon. Mamayang alas nueve ng gabi magsisimula ang party," sabi nito nang matapos na masimsim ang huling laman ng kaniyang tasa. "Kaya agahan ninyo ang uwi at magsha-shopping tayo." Agad na nagkaroon ng sigla sa mga mata ni Dominique nang marinig ang sinabi ng ina. Matagal na panahon na ang lumipas simula nang mabilhan siya nito ng bagong mga damit at sapatos. Kung kaya't abot-langit ang kaniyang kaligayahan nang marinig ang sinambit ng nakakatandang gknang sa kanila ng kaniyang hermana. Nagkasabay pa sila ng pagsagot ng "OPO!" Na siyang naging dahilan upang tingnan siya ng matalim ng nakakatandang kapatid. Ito kasi ang ayaw ng ate Laiza niya, na magkasaby silang magkaroon ng bagong mga bagay. Lalo na kung pagdating sa fashion at iba't ibang mga gadgets. Nayuko na lamang siya ng ulo at inabot ang natitirang tknapay sa kaniyang plato at kinain. Malungkot man siya na alam niyang galit pa rin ang ate niya sa kanya ay nagtatago ang kagalakan sa kaniyang puso sa magaganap na pamimili mayamaya. Isang royal blue na strapless dress na abot hanggang kalahati ng hita. Bahagyang makapal na make-up. Nakakamatay sa taas na heels. Ito ang aking suot ngayong gabi.  Naaasiwa akong ini-extend ang aking damit upang matakpan ang mga hindi dapat makita ng karamihan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking kukote't pumayag ako sa gusto ng ate na magsuot ako ng ganito. Noong una'y todo ayaw pa ako. Hindi naman kasi ako bagay sa mga ganitong suot. Wala akong kahit na anong maipagmamalaki sa katawan, maliban ang medyo maumbok na bundok sa aking harapan at sa aking pang-upo. Hindi rin naman kasi ako.nababagay na magsuot ng make up, sapagkat allergic ako sa mga ganoon at ni minsan ay hindi pa ako nalapatan ng bloody red na lip tint sa labi. Ngunit nang magawi ang aking ina sa aming kinatatayuan ay pati na ito'y nakisali na sa pamimilit na subukan kong magsuot ng mga ganoon. Kung kaya't wala akong magawa kung hindj ang sundin ang gusto nila, at heto ako. Mukhang tangang laging hinihila pababa ang laylayan ng damit na aking suot upang matakpan ang aking hita. Naiwan pa ako nila sa aming inuukupang love seats habang umiinom ng iced tea. Isa pa kasi kto sa mga hindi ko kayang gawin, ang uminom ng alcohol. Kahit naman kasi ay isang baso pa ng white wine na ipinagbibili ng aking ama'y halos mabuwal na ako sa aking kinauupuan dahil sa hilo. Kaya nagmumukha akong isang loner na iniwan ng mga kabarkada. Liban na lang na mga kamag-anak ko ang mga nang-iwan sa akin. Ngunit laking gulat ko nang may maupo sa aking tabi na isang lalaki. Halos ay mapatili ako sa gulat nang mapansin siyang humahalukipkip sa aking tabi't mukhang may pinagtataguan. Agad ko itong hinarap at nagugulat na bumulalas. "Sino ka?!" "Sorry talaga, miss. Kailangan kong magtago. May mga humahabol kasi sa akin!" Masyadong mahina ang boses nito upang marinig ko ang boses nito ngunit buti na lang ay malakas ang aking pandinig upang maunawaan ang sinasabi nito. "Bakit ka dito nagtatago?! Timang ka ba?!" Halos ay kapusan na ako ng hininga dahil sa bulungan namin nitong lalaking nasa aking tabi. Inaayos pa nito ang kaniyang hoodie at saka ay nagsimula nang tumayo. "Oh siya, salamat. Aalis na ako, nakaalis na sila," humarap ito sa akin at naglahad ng kamay. Hindi ko maaninag ang mukha nito ngunit mahahalata ko namang isa itong 'well-built man' dahil sa mga masel na bumabakat sa suot nitong sweater. "Hanz nga pala." Nahihiyang inbaot ko ang kamay nito't nakipagkamay. "D-Dominique," hindi ko alam kung bakit ako nauutal ngunit isiwinalang bahala ko na lang ito at kinalas na ang pisikal na koneksyon naming dalawa. "Nice name," sambit nito saka ay napatingin sa kanyang relos. "I need to go. Thanks, Dominique." Hindi na ako nakapag-"you're welcome" dahil ibubuka ko pa lamang ang aking bibig ay nakaalis na ang lalaking nagngangalang Hanz papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan. Nang maayos ko ang aking upo ay saka ko pa napansing natigil ko pala ang paghinga at dahil doon ay ang abnormal na pagpintig ng aking puso. Umayos ako ng upo at kinalma ang sarili ngunit wala itong panama. Malakas pa rin ang pagpintig ng aking puso kahit ay maayos na ang aking paghinga. Mukha akong nagmula sa isang marathon kahit wala naman akong ginaaa kung 'di ang umupo lamang. Hanz. Nang maalala ko ang pangalan ng laaki ay naghatid ito ng kakaibang saya sa aking dibdib. Para itong nagbukas ng isang pinto at mayroon akong naririnig na mga nagkakantahang anghel. Nahawaan ko na lang ang aking dibdib dahil sa kaaibang saya na aking nadarama ngunit nang magawi ang aking atensyon sa isang tagong sulok ng kwarto mung nasaan ako ngayon ay ska ko napansin ang isang pares ng matang nakatitig sa akin. Isang pares ng mala-dagat na mga matang tumatagos ang titig sa aking kaloob-looban. Dahil sa dilim na bumabalot sa kwarto ay wala akong makitang ibang kung hindi ang pares ng mga mata niyang para akong gustong kainin ng buhay. Sino siya? Ipinagtataka ko kung bakit ito nakatitig sa akin. Halos hindi ito kumukurap at mahahalata mong nakatuon ang atensyon nito sa akin at wala nang iba. Ngunit ang mas ipinagtataka ko, kung bakit ay sa halip na kabahan ako ay iba ang aking nararamdaman... Isang uri ng init na nagmumula sa aking sentido at dumausdos pababa hanggang magdagat ito sa gitna ng aking mga hita. Parang ginusto ng aking sistema na matingnan ng ganoon ng isang lalaki. At pinakapinagtataka ko, kung bakit na maramdaman ko ito sa kauna-unahang beses sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Isang pares lang ng mga mata ang aking nakita ngunit ay para na akong nagliliyab at gustong kumawala sa aking damit at tawirin ang distansya naming dalawa. Ngunit, sa isang iglap ay nawala na lamang ang mga matang nakatitig sa akin sa puwesto nito kani-kanina lamang. Kakaiba ang aking nararamdaman. Para akong hindi makahinga at para akong sinisiliban, ngunit ginugusto ko iyon. Ninanais ng aking sistemang makita ang mga matang iyon ulit at makitang tinititigan nito ang aking buong katawan. Hindi ko na alam kung ano na ang mga pumapasok sa aking utak at kung bakit ay nakaramdam ako ng ganoong init. Dahil sa nais na mawala iyon ay dali-dali kong tinungga ang iced tea sa aking harap at iniayos na naman ang aking hininga. Nakakapagtaka.  Sa isang lalaking Hanz kanina, ay napakagaan ng aking loob at para akong nasa alapaap. Ngunit sa isang taong nagmamay-ari ng mala-daat na pares ng mga matang iyon. Bakit ay para akong nasa impyerno. Ngunit isa iyong impyernong gugustuhin kong paglagian. Sino ba si Hanz? Sino ang lalaking iyon?    - -  "Dominique!" Napalingon ako sa pinagmumulan ng boses at nakita sa Hanz na may dala-dalang bola habang papalapit sa akin. Balot ito ng pawis at mukhang kagagaling lang nito sa practice nila sa basketball. "Oh, kakatapos niyo lang?" Sabi ko dito habang kinukuha ang isang tuwalya mula sa aking bag at nang makuha'y pinunasan ko ang pawis nito sa mukha. "Kumusta ang practice?" "Okay lang. Kaso puspusan na kasi malapit na ang liga eh," kinuha nito ang tuwalya mula sa aking kamay at siya na mismo ang nagpunas sa pawis niya sa katawan. "Paano ba iyan, babe? Practice muna kami ulit, ha? Labas na lang tayo bukas, okay?" "Ayos lang, Hanz, ano ba," masuyong tinanggap ko ang halik mula kay Hanz saka siya tinapik sa balikat. "Sige na, magsisimula na rin naman ang klase ko." Habang tumatakbo ito pabalik sa mga kagrupo niya'y nakuha pa nito akong pakiligin nang isingaw nito sa harap ng mga tao ang, "I love you, Dominique!" Namumula akong nagsimulang mahlakad papunta sa aking klase habang hawak hawak ang bag ko ng mahigpit. Ilang buwan na ba ang nakalipas simula nang mangyari ang tagpo naming iyon ni Hanz? Eksaktong mag-iisang taon na.  Sa loob ng isang taong nagugol ko kasama si Hanz ay alam kong pansin na ng lahat ang aking pagbabago. Simula sa pisikal na hitsura, hanggang sa pakikitungo ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Natuto na akong manamit ng kagaya ng kay ate Laiza. Kahit sa aking salamin ay hindi ko na isinusuot ang malalaking lente ng mga slamjn kung hindi ay nagkkabit lamang ako ng contact lenses upang mas malinaw ang aking nakikita. At natuto na akong sumuway sa mga utos ng aking ama't ina. Minsang nalate ako ng uwi dahil sa movie marathon namin ni Hanz sa bahay nila ay sermin ang aking inabot nang makapasok ako sa bahay. Ngunit naging mas maayos ang lagay naming dalawa ni ate Laiza. Tinuturuan ako nitong manamit ng mga tinatawag niyang "sumasabay sa uso" at ang pag-aayos sa mukha. Naging matalik kaming magkaibigan at isa iyon sa mga magandang idinulot ng aking pagbabago. At higit sa lahat, nariyan si Hanz upang suportahan ako lagi. Nariyan siya nang magtopnotch ako sa isang sem noong 3rd year at siya ang kasama ko lagi kapag gumagala kami kahit saan. Para kaming matalik na magkaibigan, at isa iyon sa nagpapatibay sa relasyon namin ni Hanz. Nangingiti akong pumasok sa silid ng aking first subject. Natapos ang aking araw ng may ngiting nakapaskil sa aking labi habang inaalala ang mga panahong pinagsamahan namin ni Hanz. •••…•••…•••…•••…•••…•••…•••…•••…••• Mag-iisang oras na akong naghihintay sa waiting shed sa labas ng unibersity ngunit hindi pa rin nagpapakita sa akin si Hanz. Ang sabi ng mga kabarkada nito'y kanina pa raw nila kto hindi nakikita ngunit nakkapagtakang hindi naman nakapagsend sa akin mga mensahe ang university na nakalabas na ng campus si Hanz. Ilang beses ko na rin siyang sinusubukang tawagan ngunit napupunta ang ang lahat ng ito sa voicemail. Kahit sa mga texts ko sa kanya ay wala siyang ni isang sinagot na reply. Bagsak ang aking balikat habang inaantay na may lumabas na isang Hanz Christian Salvan sa gate ngunit ang tanging nakikita ko na lang ay ang security guard na ichini-check ang bawat rooms kung nakabukas pa ba ang ilaw ng mga ito. Kinakabahan na ako sa mga maaaring mangyari. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Baka kung napaano na siya. Diyos ko, huwag niyong hayaang mapunta sa panganib si Hanz. Hanggang sa tumunog ang aking cellphone, tandang mayroong nagtext ay agad ko itong binuksan at binasa ang mensahe. From: Hanz♡ (+639261******) Nasa bahay ako. Get your ass here babe. Para akong nabunutan ng tinik nang mabasa ang message ni Hanz sa akin. Ngunit kung kanina pa kto nakauwi, ay bakit hindi man lang nito ako ininform kanina? Edi para akong tanga ditong naghihintay sa wala. Bago ako umalis sa waiting shed ay kinawayan ko mjna ang security guard at saka na pumara ng taxi papunta sa bahay nila. Lumipas ang sampung buong minuto at nakarating na ako sa aking destinasyon. Nang bumaba ako sa taxi ay namamangha pa rin ako sa ganda ng kanilang bahay. Mala-mansiyon ito sa laki at naggagandahan ang mga furtinure at mga nakasabit na disenyo sa mga haligi. Tinatahak ko ang papunta sa kwarto ni Hanz nang mapansin ko ang mga nasa sahig. Mga petals ito ng mga asul na rosas na siyang aking pinakapaborito. Sinusundan ko ang landas na ipinapatahak ng mga rosas sa akin hanggang sa mapadpad ako sa kwarto ni Hanz na siyang nagpaawang ng aking bibig. Ang kwarto ni Hanz ay naging isang parang flower shop. Dahil sa napapaligiran ito ng napakaraming asul na petals na itinuturo ang isang malaking kahon. Buong lakas kong nilakad ang distansya mula sa akin at ng kahon hanggang sa magkarap na kami nito. Saktong inabot ko ang isang blue rose sa ibabaw ng kahon ay pumalibot sa kwarto ni Hanz ang isang kantang pamilyar sa akin. Isa iyon sa mga ikinanta ni Hanz sa akin noong ikaanim na buwan namin. Halos ay manginig ako sa antisipasyon habang dahan dahan kong hinihila ang dulo ng tali na tumatakip sa kahon. Nang matanggal ko ito'y daan-dahan kong binukas ang kahon. Dahil sa antisipasyon ay alam agad ng aking sistema ang maaaring mangyari. At ayun na nga. Kasabay ng pagtugtog ng koro ng kanta ay ang dahan-dahang pagtayo ng isang makisig na lalaking walang suot na pang-itaas habang mayroon itong kagat-kagat na rosas sa bibig. Wala sa sariling naikagat ko ang aking pang-ibabang labi nang magsimula si Hanz na maglakad patungo sa aking kinaroroonan.  Halos ay mawalan ako ng ulirat nang makita ang kabuuan ng katawan ng aking nobyo. Hubog na hubog ang katawan nito, mula sa braso, hanggang sa kalamnan nitong may anim na umbok, hanggang sa mga maliliit na buhok na mula sa illim ng pusod nito at naglalakbay patungo sa ibaba ng kanyang sweatpants. Halos ay mapaungol ako nang idikit nito ang katawan sa akin at ibinagsak ang rosas sa nakaawang kong bibig. Waa sa sariling ikinawit ko ang mga braso ko sa kaniyang leeg uoang makakuha ng suporta dahil kung hindi ako makakahanap ng makaapitan ay hindi ko alam kung kailan ako ulit makakalakad. "Dom," Hanz breath fanned on my neck as he lowered himself to me and cornered me on the wall which I didn't notice since my whole attention was glued to him. "Hanz..." I almost moaned in pure bliss as I felt the iron rod throbbing on my belly. "God, f**k me."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD