[Seraphina Rivero] KINAUMAGAHAN, maaga pa ay nagising na ako kahit na napuyat ako nang nagdaang gabi dahil namahay ako sa lugar na iyon. Alas-otso kasi ako nakatakdang sunduin dito sa hotel ng Palawan Tour na kausap ko. Naka-package kasi ang lahat ng nireserba ko sa kanila mula rito sa Puerto Prinsesa hanggang sa Coron. Naroon ako sa buffet area para mag-agahan. May napili naman akong nag-iisang bakanteng mesa matapos kong kumuha ng pagkain sa buffet table. Dalawang metro na ang layo ko sa mesang iyon nang puwestuhan iyon ni Mr. Jolly Hotdog. Napatigil ako sa paglakad habang hawak ang tray. “Oh, good morning, Miss Masungit!” bati niya sakin, kunwari pa ay nabigla. Halos lumaki ang butas ng ilong ko na inikot ang paningin sa iba pang mesa. Palibhasa ay medyo tanghali na kaya wala akon

