[Seraphina Rivero] I PUT all my courage para umalis sa bahay namin. Alas-otso ang oras ng flight ko patungong Puerto Prinsesa kaya naman alas-singko pa lang ay kailangan ko nang umalis sa bahay namin patungong Ninoy Aquino International Airport. Para akong magnanakaw na nakasuot ng hoodie na binili ko pa sa Surplus nang nagdaang araw. Binasa kong muli ang sulat na para sa magulang ko dahil sigurado ako na mag-aalala sila sa akin. ‘Ma, ‘Pa, I don’t think I am ready for this marriage. I’m sorry if I run away. Remember that I always love you. Huwag po kayong mag-alala sa akin, babalik din po ako agad. Masyado na akong nasasakal at kailangan ko lang pong huminga at magbakasyon. Tinupi ko nang mabuti iyon at ipinatong sa ibabaw ng tokador kung saan madali itong makikita ng magulang ko. Bit

