[Seraphina Rivero] ISANG linggo na lang at araw na ng kasal ko. Mas lalo akong nap-pressure dahil ayokong dumating ang araw na iyon. Malapit na rin ang pasukan kaya naghahalo-halo ang lahat para madaliin ako, para saglit na tumigil ang mundo ko at mag-isip nang maraming beses para pigilan ang pagtakbo ng oras. “Sera, are you ready?” tanong sa akin ni Luis na sinundo ako sa bahay. Plano naming pumunta sa magiging ninong at ninang namin sa kasal na inimbitahan kami sa kanilang tahanan. It was my Ninong Ted and his wife. Kaibigan ang mga ito ng Papa ko na malapit na rin sa akin simula pa noon. May anak sila na may mga asawa na rin. “Our invitations will be available today, daanan na rin natin,” dagdag ni Luis. Pinilit kong ngumiti bago ako lumulan sa kanyang kotse. Tahimik ako na umup

