[Ricardo Zamora]
NAGPATULOY ako sa paglabas ng silid na iyon hanggang sa makatanggap ako ng mensahe mula kay dad habang naroon sa pasilyo.
Please come home immediately!
Hinugot ko ang lahat ng enerhiya na mayroon ako para lang maintindihan ang kanyang nais iparating. Wala naman kasi siyang ginawa kung hindi ang ikumpara ako kay Kuya Steven, ang pagalitan ako at sabunin. Sigurado na sa bahay ay muli naming itutuloy ang naputol naming usapan tungkol sa benta ng kumpanya dahil hindi iyon natapos ngayong araw.
“Mr. Zamora!” humahabol na wika ni Milady.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglakad. Kailangan ko munang umiwas sa kanya ganitong pinatatawag ako sa amin.
“s**t!” narinig kong mura niya. “Rocket!” Bitbit niya lang ang sapatos na tumakbo nang nakapaa para habulin ako.
Rocket? Bahagyang nagtaas ang kilay ko sa narinig.
Napilitan ako na lingunin siya. “Yes?”
“P-pwede ba akong sumabay sa’yo?” malandi niyang sabi. Hindi maganda ang hiling niyang iyon dahil hindi siya makatutulong sa akin. I’m not even sure kung ano na naman ang plano niyang gawin kapag ipinagmaneho ko siya. I’m no longer in the mood para landiin niya.
“Sorry! Mas maganda kung mag-taxi ka na lang! I have a meeting.” Naging maginoo pa rin naman ako na tinanggihan siya. After all, she’s a woman. “Bye!”
“B-but—!”
Sinundan niya ako hanggang sa makalabas ako ng motel. Nabigla na lang ako nang may mga nag-flash na camera matapos kong buksan ang main door.
“Mr. Zamora! Is it true that Milady Roces is pregnant? Are you the father?”
Napalingon ako sa gawi ni Milady na inosenteng hindi alam ang sasabihin sa akin. Kita ko na napalunok siya dahil naniningkit ang mga mata ko. Nag-init ang aking ulo na muling isinara ang pintuan para harapin siya.
“What the hell is the meaning of this?!” Dumagundong ang boses ko sa lobby. Kumuha kami ng atensiyon sa reception at sa iba pang magche-check in.
Hinawakan ko siya sa braso para alamin kung ano ang nagaganap na iyon. Unang beses ko na magalit nang ganoon sa isang babae. Sigurado ako na naplano ang hapon na iyon para mabilis na makapunta rito ang mga tao sa labas. Isa si Milady sa mga sikat na modelo sa bansa sa kasalukuyan, malaking concern sa publiko kung sakali na mapabalitang buntis ito.
“I… I don’t know,” pagdadahilan niya, napayuko siya para iwasan ang aking paningin.
Marahas ko siyang binitiwan. Umuusok ang ilong ko sa galit na binuksan muli ang pintuan para lumabas. Wala akong pakialam kung ano ang sabihin ng medya. Tinungo ko ang kotse na nakapark sa labas ng gusali.
“President Zamora!”
Sa dami ng babaeng nakatalik ko ay wala pa akong nabuntis kahit isa dahil nag-iingat ako. I always use condom para proteksiyunan ang aking sarili. Hindi naman ako aabot sa treinta y singko nang nananatiling walang asawa kung basta na lang akong m************k sa kanila. Isa pa, nag-iinga ako sa sakit na posible kong makuha. Ngayon lang yata nangyari sa akin ang ganito na parang mga bubuyog kung kuyugin ako ng mga tao. Hindi tumitigil ang mga kamera sa pag-flash at pagkuha sa akin hanggang sa makaalis ang sasakyan ko sa lugar na iyon.
Hindi naman malayo ang bahay namin sa Forbes doon sa Makati Avenue, ngunit inabot ako ng ilang minuto bago nakarating sa amin dahil sa traffic.
“You bastard!” galit na sabi ni Daddy paglabas ko pa lang ng kotse. Naroon na siya sa labas para talagang salubungin ako. “Ano na naman itong kalokohan mo na nakabuntis ka ng isang starlet?!”
Damn! Hindi ko pa naririnig ang lahat ngunit napamura ako sa isip. Napakabilis ng balita na iyon na halatang naka-plano talaga ang araw na iyon para malasin ako.
“Rocket, is it true that Milady Roces was pregnant? Honey naman, she’s not a good impression sa pamilya natin,” wika naman ni Mommy. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa. Mommy was sweet kapag pagagalitan ako at ikukumpara kay Kuya Steven, gayunman ay parehas pa rin na tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi nila.
“Relax, alright? Wala akong nabuntis.” Pinilit ko na magpakahinahon dahil may-edad na silang parehas.
“Damn you! Ang lakas ng loob mo na tumanggi samantalang ang manager niya ang nagsabi na matagal mo nang nilalandi si Milady. Kaya siya ang kinuha nating endorser because she’s your woman! Maniniwala ba ako sa katwiran mo na hindi mo siya nabubuntis gayong kung sino-sinong babae ang iniuuwi mo sa bahay mo?!”
“Honey, I don’t like that Milady Roces!” wika muli ni Mommy.
Marahas kong nakamot ang ulo ko sa pagkainis. I met Milady for the first time today. If she’s pregnant, it’s definitely not mine!
“Bakit hindi ka tumulad sa kuya mo?!” wika muli ni Daddy.
“Tama na! Tama na!” Hindi ko na napigilan na sagutin sila sa oras na iyon. Nagsisikip ang aking kalooban matapos ko silang masinghalan. Hindi pa nga nila naririnig ang punto ko ngunit mas naniwala sila sa sasabihin ng iba.
Lumabas si Kuya Steven at nag-aalala na tumingin sa akin. “W-what happened, Rocket?”
I smirked while looking at him. “There you are! To the rescue, at siyempre para maging bida! Nasaan ba ang asawa mo? Why are you here? Para magpabango sa magulang natin? Does your wife know that you are a crybaby? Hindi mo ba siya mapaligaya sa kama kaya ka narito?” Humalakhak ako nang sobra pagkatapos ko siyang insultuhin.
Nagtiim ang kanyang bagang sa mga huling sinabi ko kaya dumapo ang kamao niya sa aking pisngi. “Wala kang karapatan na bastusin ang asawa ko!”
Nag-init din aking ulo na tinulak ang kanyang dibdib. Naging mitsa iyon para tuluyan kaming magsuntukan na para bang hindi kami magkadugo. Matagal na akong nagtitimpi kay Kuya Steven kaya naman sinuntok ko siya sa pisngi habang hawak ang kanyang kuwelyuhan.
We were closed before ngunit nang hawakan na niya ang kumpanya na hinahawakan ko ngayon ay lumayo ang loob naming dalawa. Mas ramdam ko kasi kung paano siya ituring na iba ng magulang ko kaysa sa akin. They looked at me as a bastard while they treated Steven as their best creation in the world. I don’t even know where it started. Ayos naman ang pamilya namin dati.
He’s a prim and proper type of man, walang negatibong bagay tungkol sa kanya. Tila siya sakristan sa paningin nila. Samantalang ako, ang tingin nila sa akin ay babaero, hindi nagseseyoso sa buhay!
“Tama na! Tama na! My heart...” wika ni Daddy sa amin. Hindi namin napapansin na sumasama na pala ang anyo niya.
“Oh my god, sweetheart!” natatarantang wika ni Mommy. “Steven, your dad!”
Nakita ko na lang si Daddy na nakahawak sa dibdib, nahihirapan siyang huminga at parang nauupos na kandila sa kanyang kinatatayuan.
Sabay kami ni Steven na natulala. Mabilis ko siyang nabitiwan at sabay kami na lumapit sa pwesto ni Daddy. “Honey, let’s bring him to the hospital. Dali!”
Nagtulungan kaming parehas na ipinasok si Daddy sa loob ng kotse.
“Dad, please calm down, okay?” wika ni Steven habang hawak ang kamay ni Dad. Mabilis na sumuot siya sa driver’s seat pagkatapos. Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy lang na sinimulan na buksan ang makina ng sasakyan. He was too focused on dad na naroon sa backseat.
Naiwan ako na natulala at nag-aalala sa aking ama. Kahit papaano ay mahalaga sa akin ang magulang ko. I don’t know what happened ngunit umalis ang sasakyan ni Kuya na si Mommy at Daddy lang ang sakay na para bang hindi ako parte niyon.
My heart was left broken.
-----
NASIRA ang pangalan ni Milady na may plano pala akong pikutin sa araw na iyon. Nais ko siyang sakalin matapos ilabas sa lahat na itinuturo akong ama ng kanyang anak. Mabuti na lang pala at walang nangyari sa amin nang tuluyan. Salamat sa babaeng naisip ko nang hapon na iyon. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang na nakatalik ko ang modelong may madilim na budhi.
Makalipas ang isang buwan, naging maayos naman ang lagay ni Daddy. He had a mild stroke. Iniwasan ko na lang ang pumunta sa bahay para hindi niya ako makita at baka lalo lang siyang malagay sa alanganin. Mahirap nang baka atakihin siyang muli.
In one month, I did everything para makabawi sa kanya. I doubled the Sales that we had last month to make up for them, and not look at me as if I was worthless. Hindi ko inaasahan na papupuntahin nila akong muli sa bahay namin. Pumasok ang sekretarya ko sa loob ng opisina para ipaalam sa akin ang schedule ko.
“Boss, Mr. Santiago informed me that you have to go home tonight.”
Ang assistant ni Daddy ang kanyang tinutukoy. Nakakalungkot ngunit ganito na talaga yata ang trato namin sa bahay. Tila kami mag-business partners na kailangan pang ilagay sa schedule at ipaalam sa aming mga sekretarya kung kailan kami magkikita.
Napapailing na lang ako habang nakikinig. Naisip ko na malamang ay dahil iyon sa ginawa ko sa kumpanya. They have probably have heard about the Sales.
Tumango ako bago ko naalala ang bakasyon ko sa susunod na linggo. Hindi ako nakapagbakasyon man lang ngayong summer. Mayo na ngunit hindi ko naranasan ang madampian ng tubig-alat dahil sa sobrang busy.
“Have you booked my ticket to Puerto Prinsesa for my vacation next week?”
“Yes, Boss! It’s planned. Nasabihan ko na rin ang tagabantay roon para linisin ang bahay.”
“That’s all! Thanks!”
Iniligpit ko na ang mga gamit ko para umuwi sa amin, ngunit hindi ko akalain na may naghihintay palang masamang balita sa akin sa bahay na dahilan para tuluyan kong iwan ang lahat ng mayroon ako rito sa Maynila.