CHAPTER 30

1769 Words

[Seraphina Rivero] INIMBITAHAN kami ni Willam para sa huling gabi nila sa El Nido. Ayaw sanang pumayag ni Rocket, ngunit nagpatianod siya sa kagustuhan ko. “Wala tayong tutulugan sa resort dahil fully book,” reklamo ni Rocket. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang talagang rason niya ay ayaw niyang lumalapit sa akin si Willam. “E’di uwi tayo sa isla. Wala naman sigurong naliligaw na hayop doon, tama?” “Wala.” “Wala pala, eh.” “Pero madilim doon. Paano kung magkandaligaw-ligaw tayo habang tinutungo ang bahay?” “C’mon, you have me!” Sa ilang araw ko nang nakatira sa bahay-bakasyunan na iyon ay alam ko na ang halos lahat doon. Tila nakahulma na sa pakiramdam at sa isipan ko ang bawat sulok ng isla at bahay ni Rocket. “Alright! Fine! Hanggang eight o’clock lang tayo,” pagpayag niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD