CHAPTER 29

2054 Words

[Seraphina Rivero] KINABUKASAN, kailangan magpunta ni Rocket sa resort kung saan kami nagtungo noong nakaraan. Sinamahan ko siya para tawagan at kumustahin na rin si Mimi. “Stay here for a while. Sabihin mo lang sa kanila kung sakali na mayroon kang kailangan,” sabi niya sa akin matapos naming makarating sa resort. Ibinilin niya ako sa isang staff.  “No worries.”  Nakatingin lang ako sa kanyang likuran na papalayo habang nagmamadali. Mukhang importante rin ang kailangan niyang trabahuhin.  Bumuntunghininga ako. Naglakad-lakad na muna ako sa dalampasigan; hinayaan na liparin ang laylayan ng suot kong mahabang bestida at ang aking buhok habang pinagmasdan ang mga taong nagkakasiyahan sa beach.  I really like this place. Plano kong dalhin dito ang magulang ko para magbakasyon. Sigurado

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD