[Seraphina Rivero] AYOKONG kausapin si Rocket kaya naman pinipigilan ko na huwag magtanong sa kanya kung nasaan kami sa kasalukuyan. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ako napunta dito sa sitwasyon na ito dahil nakainom ako ng alak nang nagdaang araw. Unang beses ko na uminom at ang lakas pa ng loob ko na inisang tungga ang mga ibinigay sa akin ng bartender. Umupo ako sa reclining chair na naroon sa deck. Kasalukuyan na maaga pa ang oras kaya naman hindi pa masakit sa balat ang init. Mayroon ding malaking payong na tumatabing sa akin kaya ayos lang, hindi ako natatakot na masunog. “Let’s eat breakfast,” pukaw ni Rocket. Hindi ko siya pinansin at nagpanggap na wala lang siya sa aking paligid. Hinayaan ko ang sarili na pagmasdan ang mga kalapit na isla. “Sera!” Hindi ko pa

