[Seraphina Rivero] Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng venue. “Ma’am, saan po kayo pupunta?” tanong ng guwardiya. “K-kamag-anak ako ng bride,” wika ko. Naging puntos ko sa oras na iyon ay ang tsinita look ko para hindi niya ako pagdudahan. May lahing Chinese kasi ang bride. Nilapitan ko ang welcome poster na naroon sa entrance, at tinabihan ang babae. Ginaya ko ang pose ng bride sa picture. “Can you see our resemblance now?” Pinatuloy niya ako matapos akong suriin. Mas maganda nang mag-gatecrash sa wedding kaysa naman makausap ko si Rocket. I don’t want to see his face in the meantime. Matapos niya akong landi-landiin at halik-halikan ay ba-basted-in niya lang din naman pala ako. Bakit nga ba ako nagtiwala sa isang babaero na katulad niya? He’s a total heartbreaker! Nagt

