"Pasensya na po kayo ate Risa ha at ngayon lang ako". Sabi ko kay ate Risa na madami ang ginagawa para sa mga bisita.
"Kay mama mo ka humingi ng pasensya, Kleah. Ay baka nagtampo na 'yan". At nagpatuloy siya sa ginagawa niya.
Pumunta ako sa kung saan ang ataul ni mama.
"Hi ma. Miss na miss na po kita. Pasensya na po kayo at hindi po ako nakadalo nung mga nakaraang araw, ansakit sakit pa rin po kasi ma". Bulong ko dito.
Natapos na lahat lahat at ililibing na nga si mama.
Pinipigilan kong umiyak pero hindi ko kaya.
Umiyak ako at humagulgol sa yakap ni Ceian.
"Lilipas din yan".
"Iyak mo lang".
Pagpapagaan ng loob ni Ceian sakin.
Hindi ko lang talaga matanggap ma. Bakit mo nilihim na may sakit ka. Edi sana natulongan kitang maagapan 'yan kung maagapan man. Maraming salamat sa lahat lahat lahat ma. Mahal mahal na mahal na mahal po kita. Gabayan niyo po sana ako sa araw araw. 'Wag kang mag-alala ma, aalagaan ko ang sarili ko. Andito rin naman si Ceian para alagaan din ako. Salamat nalang at nandiyan ka na sa tamang lugar na walang sakit at walang kalungkutan. Maraming salamat sa lahat.