SUNNY VILLA/VIEL KIM's POV
"Yel, slow down! Baka maaksidente tayo!" Rinig kong sabi ng isang babae na sa tingin ko ay si Mel.
"He's breaking up with me. I love him so much, Ate. Hindi ko kayang makita sya na may kasamang iba." Umiiyak na sabi ni Ate Yel habang nagmamaneho. Kuha sa loob ng kotse ang video. "You know how much I love him. Kahit ang mapabilang sa mga collections nya, ginawa ko. Mahal na mahal ko sya."
Awang-awa ako sa nakikita kong expression ni Ate Yel kung gaano nya kamahal si Vincent mula sa video.
"I know, Yel, but please. Calm down. Mapapahamak tayo sa ginagawa mo." Sabi ni Mel habang nag-aalala at natatakot para sa kanyang kapatid. Halos hindi sya mapakali para lang mapakalma si Ate Yel na nagmamaneho.
Nakita kong ngumisi si Ate Yel. "Kapag sinuswerte ka nga naman."
May narinig akong ingay mula sa labas ng kotse na parang may nasagasaan.
"Yel!" Natutop ni Mel ang bibig sa gulat.
Muling pinaandar ni Ate Yel ang kotse.
"Oh, God. W-what have you done? Bumalik tayo! Baka may nangyaring masama sa babae." Hindi makapaniwalang sabi ni Mel.
"Don't bother, Ate. She deserved it."
"W-what?"
"Because she's the girl I saw at the coffee shop with Vincent. Damn it! That's the first time I saw him how happy he is with a girl. Kahit kailan, hindi ko sya nakitaan na ganoon tumingin sa akin. I know he loves me but not that much." Umiiyak na namang sabi ni Ate Yel.
Bigla kong naalala na magkasama kami ni Vincent sa coffee shop.
Wait. Ako ba ang tinutukoy nya?
Bigla akong nakaramdam ng konsensya at awa. Kung ako nga ang tinutukoy nya, parang gusto kong sisihin ang sarili dahil sa mga nangyayari sa buhay namin lalo na kay Ate Yel. Sana ay hindi sya nasasaktan ng ganito. Sana ay buhay pa sya. Sana ay nakasama ko pa sya at nakahingi ako ng tawad.
Dapat sa una palang, iniwasan ko na si Vincent. Pero paano ko iyon gagawin? Iniisip ko palang, hindi ko na kaya. May nararamdaman na ako sa kanya. Mahal ko na si Vincent. Kahit na nagawang kidnap-in ako ng kanyang ama, pinapakita nyang mabuti ang intention nya sa akin. Hindi ko sya nakakitaan ng masamang balak laban sa akin.
Nakita kong nanlaki ang mga singkit na mata ni Mel nang marinig ang sinabi ni Ate Yel.
Nang biglang may nakakasilaw na liwanag mula sa kabilang parte ng kalsada. Pinihit ni Ate Yel ang manibela sa kaliwang bahagi ng kalsada upang maiwasan sana ang makakasalubong na sasakyan ngunit huli na.
"Now, how's the show?" Pagtataray na sabi ni Mel. Bakas sa kanyang mukha ang sakit at galit.
Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Alam mo ba kung ano ang mga pinagdaanan naming magkapatid, ha?!" Sigaw nya malapit sa aking tenga. Hinila nya ang buhok ko dahilan para mapaaray ako sa sakit. "Wala kang alam! Sinira mo ang oras na dapat ay magkasama pa kami! Yel deserve to be happy. Matagal kaming nawalay sa isa't isa dahil pareho kaming pinaampon sa ibang pamilya. Gumawa ako ng paraan para mahanap sya. She's the only family that I have after our parents died and you ruined our lives!"
Malakas nya akong sinampal. Naramdaman ko ang pangangapal ng aking pisngi. Tahimik akong umiyak.
Everything was my fault. Ako ang dapat sisihin kung bakit namatay si Ate Yel. Kung bakit hindi nakasama ng matagal ni Mel ang kakambal nya. Kung bakit naghiwalay si Vincent at Ate Yel. Lahat ng ito, kasalanan ko.
"I'm sorry." Umiiyak kong sabi. "I'm really sorry."
"Sorry? You think I'll forgive you? That's bullshit!"
Hinila nya ako patayo at dinala sa terrace ng abandonadong factory.
May nakita akong lubid na nakatali sa taas at nakatali ng pabilog ang ibabang parte nito. Pinatungtong nya ako sa upuan na nakatapat sa lubid.
"Kill yourself. Magbigti ka. I don't want to get my hands dirty. Gusto kong makita na malagutan ka ng hininga ng paunti-unti." She smirked.
Halos kilabutan ako sa sinabi nya.
Bigla kong naisip si mommy. Hindi pa ganoon katagal mula ng makasama ko si mommy. Ako nalang ang natitira nyang pamilya. Hindi ko kaya na iwan sya. Ayokong maranasan nya ulit na mawalan ng isang kapamilya. Ayokong masaktan syang muli.
Pero paano ang mga taong naghirap dahil sa akin? Paano si Ate Yel?
Kung ito ang magiging katapusan ng lahat ng gulong ginawa ko, gagawin ko.
DENNIS PARK's POV
I was wearing my tuxedo when Nathan and Marcus came in to my office. Halos habulin nila ang kanilang hininga.
"What are you two—"
Nathan interrupted me.
"Kuya! Emergency! We badly need you!" Histerical nyang sabi.
Napakunot-noo ako sa sinabi nya.
Emergency?
"Kuya Vincent is in danger! Tulungan natin sya, Kuya!" Bakas sa mukha ni Nathan ang pangamba habang si Marcus ay napasandal sa wall dala ng pagod sa pagtakbo.
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. "Let's go! Call the guys for back up." Nagpatiuna ako sa pagtakbo.
We don't have any clue on what really happened to Vincent pero nararamdaman kong nasa panganib sya at kailangan nya kami. Walang dapat sayangin na oras.
I was driving while Marcus tells me the way using the GPS of Vincent's car to track his location. Kasunod namin ang kotse ng mga boys. Nang marating namin ang lugar, wala si Vincent. Nakataob ang kanyang sasakyan pero walang tao.
Damn it! Where is he?!
"Matthew, call him." Utos ko.
"Nandito ang phone nya." Itinaas ni Casey ang hawak na cellphone. Basag na ang screen nito.
Napahawak ako sa ulo ko.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Andrew. I answered the call.
"Where are you?"
"Kuya, I'm with Kuya Vincent now. Nakita ko syang naglalakad kanina at duguan. He's been telling to me find Viel Kim." He said.
Naririnig ko ang boses ni Vincent mula sa kabilang linya na hirap sa pagsasalita at nagmamakaawa.
"Okay. Bring him to the nearest hospital as soon as possible. At mag-ingat sa pagddrive."
"Yes, Kuya."
I ended the call at tinawag ang mga kapatid kong patuloy na naghahanap. "Guys! He's with Andrew now. Papunta na sila sa hospital. Ang iba sa inyo, dumiretso sa hospital. Ang iba naman, sumama sa akin. Hahanapin natin si Viel."
"Viel?" Nagtatakang tanong ng ilan sa kanila.
"You mean, Viel Kim? One of the top model here in the Philippines?" Naninigurong tanong ni Aiden.
"Yes."
"Bakit natin sya hahanapin? Kasama ba sya ni Vincent dito?" Tanong ni Casey.
"I don't know kung bakit sya pinapahanap ni Vincent pero kung magkasama sila baka nasa panganib din ang buhay nya. Who's coming with me?" I said.
Some raised their hand.
Kasama ko sina Aiden, Spencer, Matthew, Joshua, Casey and Jordan sa paghahanap kay Viel Kim. Sina Jerome, Nathan, Marcus, Bryan Trevor, Henry at Zhoumi ay papunta sa hospital.
Magkakahiwalay naming hinanap si Viel Kim. Ina-update nila ako kung saang lugar sila naghahanap.
Liblib ang lugar na ito at madilim ang paligid kaya nahihirapan kaming maghanap. Hanggang sa mapadpad ako sa isang abandoned factory. It looks old pero nagtaka ako dahil may nakita akong ilaw sa third floor ng gusali.
Baka may tao. Pero abandonado na ito, imposibleng may tao. Naku! Baka naman may multo dito? s**t naman!
Lumapit pa ako sa lugar kahit natatakot ako sa naiisip ko. Baka nandito si Viel. Kung wala man, magtatanong nalang ako kung may nakapansin sa kanya.
Nasa tapat na ako ng pinto at huminga ng malalim. Nagdasal na rin ako na sana ay walang multo. Hahawakan ko na sana ang doorknob nang kusa itong gumalaw.
Shit! May multo nga!
Napapikit ako at hindi tumitingin na kumaripas ng tumakbo.
"Sino ka? Kung sino ka man, please tulungan mo ako!" Rinig kong sabi ng multo.
Shit! Bakit nagsasalita ang multo rito?!
Kahit natatakot ay huminto ako at nakapikit na nilingon ang boses na narinig ko.
"Hijo, please. Tulungan mo akong buhatin sya."
Pagmulat ko ng mata, nakita ko ang isang matandang lalaki na hirap na hirap sa paglalakad habang may akay-akay na babae. Pinakatitigan ko ang babae at nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ito.
Tumakbo ako sa direksyon nila at binuhat ko si Viel.
She's unconscious. May sugat sya sa gilid ng kanyang labi. Tinignan ko ang matandang lalaki at nakita kong nakabulagta na sya sa sahig. Binaba ko muna saglit si Viel.
"Sir! Wake up!" Yugyog ko sa balikat nya.
May dugo sa kanyang bibig at saksak sa kanyang tagiliran. Nang makita ko sya ng malapitan, nanlaki ang mata ko ng makilala ko sya.
Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya sa lugar na to? Bakit kasama nya si Viel? What the hell happened here?!
I called the boys na puntahan ako sa location ko. We drove to the hospital kung nasaan din si Vincent. Habang naghihintay sa labas ng emergency room, naisipan ko na puntahan muna si Vincent. Nailipat na sya sa isang private room.
Tumayo ako at tinapik sa balikat si Jerome. "Dito ka muna. Pupuntahan ko lang si Vincent. Call me if there's an emergency." Tumango sya at umalis ako.
Pagbukas ko ng pinto, nakita kong nakaupo si Vincent sa hospital bed. Nasa loob din ng room ang iba naming kapatid.
"How are you feeling?" Worried kong tanong. May mga sugat sya sa mukha at naka-cast ang braso nya.
"Nakita nyo ba si Viel? Where is she?" Tanong nya imbis na sagutin ang tanong ko.
I just look at his eyes. His looking for an answer at mukha na rin syang pagod.
I heaved a deep sighed. "I found her. She's unconscious but don't worry. She'll be fine." Nang marinig nya ang sagot ko, nakahinga sya ng maluwag.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya kung sino ang nagligtas kay Viel. I know that he hates that man. He doesnt want to hear his name. Hindi ko alam kung anong ugali meron ito pero nararamdaman kong mabuti itong tao.
"Vincent." He looked at me. "You're father is here, too. He's with Viel when I found her."
"W-what?"
Ang mga kapatid namin na nandito sa loob ng kwarto ay nakitaan ko ng gulat sa sinabi ko. Halos magtaas baba ang balikat ni Vincent sa galit na nararamdaman.
"Bro, calm down. Inhale, exhale." Pagpapahinahon ni Matthew kay Vincent.
"Paano ako kakalma kung nandito sa ospital ang taong iyon?! Paano kapag may masamang balak na naman syang gawin kay Viel? I wont let it happen again! Where is he?!" Baling sa akin ni Vincent.
Magsasalita na sana ako nang pumasok si Jerome na hinihingal mula sa pagtakbo. "Kuya! He's dead."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Dahan-dahan akong tumingin kay Vincent. He looks confused.
"Who's dead?" Vincent asked.
Tumingin si Jerome kay Vincent. "Your father is dead."