Chapter Fifteen (Last chapter)

1738 Words
VINCENT LEE's POV "Okay. Just let me know if it is delivered. Bye." Tinapos ko ang tawag. Tatalikod na sana ako ng may maapakan ako. Na-out of balance ako at napaupo sa sahig. Tinignan ko ang naapakan ko at nakitang hindi maipinta ang mukha ni Marcus na nakaupo sa sahig. Hawak nya ang paa na naapakan ko. "Are you okay? Bakit kasi nandyan ka?" I offered him my right hand para tulungan syang makatayo. Tinanggap nya ito. Hihilain ko na sana sya patayo ng magsalita sya. "Hinahanap ko kasi ang paki ko." Binitawan ko ang kamay nya at napaupo ulit sya sa sahig. "Kuya naman! What was that?!" "Paki ko." At umalis na ako sa harap nya. Tinatanong ko sya ng maayos tapos sasagutin nya ako ng pabalang. Hanapin nya ngayon paki nya. VIEL KIM/SUNNY VILLA's POV Nasa harap ako ngayon ng puntod ng ama ni Vincent. Tahimik at walang masyadong tao na bumibisita sa sementeryo. Three months na ang nakakaraan mula nang mamatay si Mr. Lee dahil sa pagkakasaksak sa kanya ni Mel. He saved me. I was struggling nang inutos sa akin ni Mel na magbigti ako. Pinipilit kong iangat ang sarili ko noon pero nawawalan na ako ng lakas dahil sa hirap sa paghinga. Hanggang sa mawalan na ako ng malay. Paggising ko, nasa ospital na ako. Umiyak ako nang makita si mommy sa tabi ko. Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Takot ako dahil sa nangyari sa akin. Akala ko ay mamamatay na ako. Akala ko ay hindi ko na makakasama pa si mommy. Tanging iyak lamang namin ang maririnig sa buong kwarto noon. Ilang linggo akong nanatili sa ospital. Gusto ni mommy na masiguro na okay na ako at hindi ako na-trauma sa nangyari. Paglabas ko sa ospital, naabutan namin ni mommy na nag-aantay sa parking lot si Vincent. May konting galos sya sa mukha at naka-cast ang kaliwang kamay. Sinundan pala kami ni Vincent noong kunin ako ni Mel pero nawala kami sa kanyang paningin nang bigla syang banggain ng kotse ng tauhan ni Mel. Last week, nahuli na si Mel. She was hiding in Leyte. Nilingon ko si Vincent na katabi kong nakatayo sa harap ng puntod ng kanyang ama. Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Let's go?" Tumango ako at sumakay kami sa kotse nya. "Saan tayo pupunta?" Kunot-noong tanong ko sa kanya nang mapansin na iba ang dinaraanan namin. Akala ko kasi sa Hallyu Empire kami pupunta dahil may meeting sila. "Secret. You'll see." Pa-cute nyang sabi. Napangiti ako sa ginawa nya. Lately, may mga gesture sya na pa-cute at nagpapakilig sa akin. Kaya mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. He's a gentleman. Halos lahat ng ganap sa buhay ko ngayon, nandyan sya. Inaalalayan ako. Inaalagaan ako. Pero kahit minsan, wala syang nababanggit na may gusto sya sa akin. I took a deep breath. Mukhang nakatagpo ako ng one-sided love. Pagdating namin sa lugar, bumaba ako ng kotse at nilibot ang paningin. Halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita. Totoo ba ito?! Ang maliit kong bahay dati na sira-sira ang gate at kupas na pintura ng bahay, ngayon ay napakaganda. Para itong mini castle at kulay pink pa! Sobrang ganda! Napakislot ako nang maramdaman ko ang kamay ni Vincent sa aking baywang. "Let's go inside. Mas maganda sa loob." Kumindat sya sa akin. Pinamulahan ako sa ginawa nya. Inalalayan nya ako papasok ng bahay. Nakikiliti ako sa kamay nyang nasa baywang ko. Sa mga ganitong gesture nya, hindi ko talaga maiwasan na kiligin at mag-assume minsan. Pagpasok namin sa loob, napanganga na naman ako. Pinalibot ko ang aking mata sa paligid. Wow! Lahat ng collections ko na pink ay nakadisplay at may mga nadagdag pa. Pinaghalong violet at pink ang kulay ng buong bahay. Kinuha ni Vincent ang human-sized teddy bear na binigay nya sa akin noong una kaming nagkita sa mall. Lumapit sya sa akin habang nakangiti. Napatingin ako sa kanyang mga mata. Feeling ko hinihigop nya ang pagkatao ko, base sa nakikita kong emosyon sa kanyang mata. Huminto sya sa harap ko at nagsalita. "Remember this?" Tumango ako sa tanong nya at tinignan ang teddy bear. "This guy is the reason why you're here with me. Hindi ko ugaling ibigay ang magugustuhan kong stuff kapag bibili ako ng collections ko. But when I saw you, hindi ako nagdamot. That's a first." Kunot-noo na tumingin ako sa kanya. "T-talaga?" Kung ako man din ay hindi ako magdadamot sa kanya. Tumango sya bilang sagot. "I think he played cupid for us. Not until we found out that we have a nightmare connection." Binigay nya sa akin ang teddy bear habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Inabot ko ito pero hindi nya binibitawan sa pagkakahawak ang teddy bear. Nagulat nalang ako ng bigla nyang hawakan ang dalawang kamay ko at hinila ako. Malamlam ang mga matang tumingin sya sa akin. "I wont consider you as one of my collections. Because you're a precious treasure and I'll keep you forever. That's a promise." Madamdamin nyang sinabi. Unti unting bumaba ang mukha nya sa akin. Dala ng nag-uumapaw na saya sa aking puso, tinanggap ko ang kanyang halik. "I love you." Madamdamin nyang pag-amin habang nakatingin sa akin. Halos tumigil ako sa paghinga dahil sa sinabi nya. Ito na! Ito na ang matagal ko ng gustong marinig mula sa kanyang bibig. Ang tatlong salita na magpapanatag ng puso ko. Niyakap ko sya at dinama ang kanyang yakap sa akin. "Mahal din kita, Vincent." Pansamantala naming dinama ang yakap ng bawat isa. After all the trial that we faced, masasabi kong sulit ang pagtatagpo namin. Kung magkakaroon ulit nang pagsubok sa amin, alam kong kakayanin namin dahil mahal namin ang isa't isa. "Sa tingin ko, hindi lang itong teddy bear ang naging cupid sa atin. Si Mr. Lee, ang papa mo. Sya ang dahilan kung bakit tayo pinagtagpo." Nakita kong naging malungkot ang mukha nya. "Simula pa lang, naging mabuting ama na sya para sayo. Just like my biological father, kahit konti lang ang naaalala kong bonding moments namin. Lahat ay gagawin ng magulang para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kahit na nagawa nya akong kidnap-in, hindi sya masamang tao." Kung masama syang tao, matagal na sana akong patay. Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata. Alam kong hindi madaling magpatawad pero kung deserve naman ng tao ang pagpapatawad na ibibigay, sa tingin ko ay panahon na para maging tahimik ang bawat isa sa amin. "Pinatawad ko na sya. Sana ikaw rin. Sana mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran para sa kanya. Mahal ka nya, Vincent." "I will but not now." Mapait syang ngumiti. "Let's go. I have another surprise for you." Aya nya habang hinihila ako palabas ng bahay. "Ano naman iyon?" Natatawa kong sabi. "You'll know. But promise me, you'll just say yes." Tinignan nya ako na parang gusto nyang makasiguro na sasabihin ko nga mamaya ang 'yes'. Nagtataka na tumango ako. Ano kaya iyon? Pagdating namin sa Hallyu Empire, Nandoon na lahat ng kapatid nya. Nagpaiwan nalang ako sa office nya. Ayokong istorbuhin ang meeting nila. Nilibot ko ang buong office nya at napadako ang tingin ko sa maliit na box sa office table nya. Out of curiosity, nilapitan ko ito at kinuha ang box. I was about to open the box when Vincent entered with shocked face. Kunot-noo ko syang tinignan. Bakit ganyan itsura nya? Dahan-dahan syang lumapit sa akin habang hindi pa rin nagbabago ang facial expression nya. "Bakit nandito ka pa? Baka magsisimula na ang meeting nyo." Hindi nya sinagot ang tanong ko pero ang mga mata nya ay nakatuon lang sa hawak ko na box. Unti-unti syang lumuhod sa harap ko. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko sya. "V-vincent, a-anong ginagawa mo? Tumayo ka dyan. Baka may biglang pumasok." "Open it." Utos nya. Wala na iyong facial expression nya na hindi ko maintindihan. Ang nakikita ko nalang ay pagtingin nya sa akin nang may pagmamahal. Huminga ako nang malalim at pumikit habang binubuksan ang box. Nabuksan ko na ang box pero nanatiling nakasara ang mga mata mo. Naku! Kapag may ipis ito, ibabato ko talaga ito sa kanya. Binuksan ko ng konti ang kaliwang mata ako. Nang makita ang laman ng box ay halos lumuwa ang mga mata ako sa nakita. "You promised me that you'll say yes. Please, say it now." Natunugan ko ang pagmamakaawa ni Vincent. Ang laman ng box ay isang rose gold ring, may design ito sa gitna na mukha ng teddy bear. May nakasulat din sa upper part ng box na 'Will you marry me?' Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko at nararamdaman ko. Lahat yata nang positive vibes, nararamdaman ko. Napalunok ako at tumingin sa nag-aantay na si Vincent. This man... He loves me, and I love him too. Mabilis ang pangyayari sa buhay namin. We didn't think na matatapos ang kalbaryo sa buhay namin. And now, he's proposing a new chapter with him. Hindi iyong puro gulo, just happiness. And I want it. "Yes." Pumiyok pa ako dahil sa sobrang saya ko. Nasabi ko na. Wala nang atrasan ito. Lumiwanag ang mukha nya sa sagot ko at mula sa pagkakaluhod, niyakap nya ang binti ko at binuhat ako. Napasigaw ako sa ginawa nya. Umikot pa sya at sayang saya sa ginagawa. "Vincent, ibaba mo ako. Baka may makakita sa atin." Hinawakan ko sya sa balikat para ibaba ako. Binaba naman nya ako at nakapaskil sa labi nya ang malapad na ngiti. "You made me the happiest man on earth right now. Oh! Let me rephrase it. You made me the happiest man on earth living with his eternity." Napangiti ako sa narinig. "Ako rin. Ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo kasama ang kanyang habang buhay." Ngumiti sya at kinuha sa akin ang singsing para isuot sa daliri ko. "Dapat mamaya ko pa iyan ibibigay sayo after ng meeting namin. My secretary just told me na may dumating na package for me. So I came here and saw you holding this box." Napapakamot sa batok na sabi nya. "Sorry kung nabulilyaso ko ang plano mo." Hingi kong dispensa. Hinawakan nya ako sa pisngi at pinakatitigan. "No worries. Ang mahalaga ay pareho tayong masaya. I love you." Tumango ako. "I love you, too." THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD