Chapter Twelve

2459 Words
VINCENT LEE's POV 'One of the top model in the country, Viel Kim, dating Ralph Griffin.' Wala bang magandang balita sa dyaryo? Nang makuha ko ang dyaryo na to kanina, halos gusto ko ng punitin at sunugin sa sobrang inis. Nasa headline pa talaga! I know Ralph Griffin. He's a model. Nakasama namin sya sa fashion show ni Miss Joana at certified playboy in town. Kaya naiinis ako! Ayokong masali sa collection nya si Vincent! Sunny became popular after the fashion show. Halos lahat ng fashion shows, commercials, advertisements, etcetera ay nandoon sya. After that night, when I told her that I am Mr. Lee's son, dumidistansya na sya sa akin. I know may kasalanan din ako sa kanya. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana sya kikidnap-in ng magaling kong ama. Dalawang taon na ang nakalipas mula ng huling makita ko si papa. Wala na akong balita sa kanya. Well, mabuti na rin iyon dahil wala na akong pakialam sa kanya. Atleast hindi na nya ginugulo ang buhay ko at ni Sunny. Ayoko ng maulit ang nangyari kay Sunny. Hangga't maaari, ilalayo ko sya kay Papa. "Kuya? What are you doing? Bakit sinasawsaw mo sa coffee ang newspaper na hawak mo? Nagbago na ba ang taste mo pagdating sa bread?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Marcus pala. Tinignan ko ang kamay ko na nakasawsaw na pala sa coffee ko. Agad na tinapon ko sa malapit na trash can ang newspaper at kumuha ng tissue para punasan ang kamay ko. Umupo sa katapat kong upuan si Marcus. Nandito ako sa mansion ngayon dahil may pinag-usapan kami ni Daddy Tristan kagabi tungkol sa business na gagawin ko. Matagal ko ng plano ang magkaroon ng bakeshop together with Nathan at napagbigyan naman kami ni Daddy Tristan sa plano namin. "Ang aga aga, aburido ka. Is it Yel?" He said. Hindi ko sya sinagot. Wala pa akong pinagsabihan sa mga kapatid ko na isang taon na kaming hiwalay ni Yel. "Alam kong sobrang gwapo ko pero hindi mo naman kailangan matulala ng ganyan, Kuya. Kapatid mo ako kaya free kang titignan ako." Napatulala na pala ako kay Marcus. Binatukan ko sya. Umagang umaga, ang hangin! "Mas makinis naman mukha ko sayo." Hihirit pa sana sya nang may maalala ako. "Nga pala, umuwi ba sa mansion si Kuya Jordan? Wala sya sa kwarto nya noong sinilip ko." Kanina ko pa kasi sya hinahanap pero hindi ko mahagilap. Pinahiram ko sa kanya ang kotse ko dahil nasa talyer ang kotse nya. "Hindi sya umuwi kagabi. Well, I guess may nakita iyong hot chick kaya hindi nakauwi. Alam mo naman iyon. Hindi magtetext kung nasaan dahil may nabingwit na sisiw." Sabi ni Marcus habang hawak ang libro. I looked at my wristwatch. It's already 7:00 in the morning. "Bro, I have to go. May pupuntahan pa ako." Kailangan ko pala pumunta sa gym ngayon dahil ilang araw na akong hindi nagwowork out. "'Kay. Take care." Paalis na ako ng magsalita ulit si Marcus. "Kuya, here." May hinagis sya sa akin. It's a car key. "Use it. Wala naman akong lakad today. Balik mo nalang tomorrow." I smiled. Kahit na may pagka-evil itong batang ito, mabait naman. "Thanks." SUNNY VILLA/VIEL KIM's POV "Viel, wake up. You'll be late, sleepyhead." Gising sa akin ni Mommy sabay halik sa noo ko. Bumangon ako kahit tinatamad. Late na ako nakauwi kagabi dahil inaya akong mag-dinner ni Ralph sa isang italian restaurant. Napahaba ang usapan namin kaya hindi namin namalayan ang oras at inumaga sa pag-uwi. "Good morning, Mommy." Bati ko sabay halik sa pisngi nya. "Mag-ayos ka na. Baka mahuli ka sa photoshoot mo." Sabi niya habang inaayos ang mga gamit ko. Pinigilan ko sya sa pag-aayos ng gamit ko. "Ako na po. Puntahan nyo na lang po si Ate Yel sa kabilang kwarto. Baka gising na po sya." Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi. Mataman nya akong tinitigan. "Malaki na talaga ang baby girl ko. Hayaan mo na akong ayusin ang mga gamit mo dahil gusto kong bumawi sa mga taon na hindi ka namin nakasama. I want you to feel how much I love you, Viel. We really missed you so much. Gusto ko lang bumawi, okay?" Maraming nangyari sa loob ng dalawang taon. After the fashion show, sinamahan ako ni Vincent sa bahay ng tunay kong pamilya. Noong una ay hindi sila naniniwala dahil sa sobrang tagal na nawalay ako sa kanila. Halos nawalan na sila ng pag-asa na mahanap ako. Kaya pina-DNA test nila ako at lumabas na kadugo ko sila at ako ang tunay na Viel Kim. Tinanggap nila ako ng buong puso. Sobrang saya ko na makita sila pero nalungkot ako nang hindi ko naabutan na buhay si Daddy. Namatay daw sya dahil sa sakit sa puso. Kahit hindi ko sya nakita, alam kong masaya na sya ngayon dahil buhay ako at bumalik na ako sa kanila. Nalaman ko rin ang sakit ni Ate Yel. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako nawala sa buhay nila, hindi sya magkakaganito. Ako mismo ang nag-aalaga sa kanya kapag wala akong trabaho. Minsan kinakausap nya ako at natutuwa ako dahil may improvement na sa kalagayan nya. Viel Kim na ang ginagamit kong pangalan ngayon. Iyong mga malalapit na kaibigan ko na lang ang tumatawag sa akin na Sunny. Nagpasalamat din ako kay Miss Joana. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko mararating ang kung anong estado meron ako ngayon. Nagtatrabaho pa rin ako sa kanya pero hindi na bilang isang kasambahay kundi bilang isang modelo. Pagkatapos ng fashion show, maraming oportunidad ang dumating sa akin. Naging commercial model ako sa isang sikat na clothing line and cosmetic products. May communication pa rin kami nina nanay at tatay—ang mga kumupkop sa akin. Pinatawad ko na sila sa paglilihim sa akin ng tunay kong pagkatao. Kahit papaano malaki ang utang na loob ko sa kanila kaya tinutulungan ko pa rin sila. Pinupuntahan ko rin sila sa province kapag may time ako. Sa ngayon, pupunta ako sa Gymics para sa isang photoshoot. Minsan nagwowork out din ako roon kapag may time. Pagdating ko sa lugar, nag-log in muna ako bago pumasok sa gym area. Nadatnan ko si Coach Blayc na nagpupush up. Sya ang coach ko kapag nagwoworkout ako rito and owner of Gymics. Nang mapatingin ako sa bandang kaliwa nya, napanganga ako. Si Vincent. Bakit nandito sya? Malamang nagwowork out. Naku, Viel! Umagang umaga, di gumagana iyang utak mo. Unti-unti akong lumapit sa direksyon nila at tumikhim para makuha ang kanilang atensyon. Tumingin naman sila sa akin. "Oh, Viel! Nice to see you here! Akala ko hindi ka na pupunta rito dahil sa busy schedule mo." Tumayo sya at lumapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng pilit dahil naaasiwa ako sa kagandahan ng katawan nya. "Yeah. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapunta." "No problem. I'll just call the team para maumpisahan na natin ang photoshoot." Tumango ako at umalis sya para tawagan ang team. Napalingon ako ng may marinig akong tumikhim. He's wearing a black athletic short pero ngayon ko lang napansin na topless sya! Alam kong conservative ako sa ganitong bagay pero feeling ko ang hot nya. Pinagpapawisan na ako sa nakikita ko kahit hindi pa ako nagwoworkout. That six pack abs! Naa-attempt akong hawak but I have to hold back dahil baka isipin nya ang harot ko. Namalayan ko na lang na umaatras na pala ako dahil papalapit sya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero sobra-sobra ang kaba ko na parang gusto ng tumalon ng puso ko sa bawat hakbang nya. Sa kakaatras ko, hindi ko napansin na may cord pala na nakaharang at nawalan ako ng balanse dahilan para hilahin ko sya pabagsak. Pero wrong move pala ang nagawa ko dahil nakapaibabaw na sya sa akin at ang dalawang kamay nya ay nakatukod sa gilid ng mukha ko. Napatingin ako sa singkit nyang mga mata. Nakita kong nagulat sya sa nangyari. Maski ako ay nagulat din. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. Nakatingin sya sa aking mga labi na nakanganga pa rin hanggang ngayon dahil sa gulat. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa mga mata nya. Hanggang sa unti-unting bumababa ang mukha nya sa akin. Nagulat ako sa sumunod nyang pagkilos. I felt his lips touched mine. Simpleng dampi ng aming mga labi lamang ang ginagawa nya but it feels so hot. It's my first kiss. Ganito pala ang feeling ng mahalikan pati puso ko kumakabog sa sobrang kaba. Hanggang sa unti-unti syang nagpupush-ups sa ibabaw ko habang dinadampi ng magaan ang kanyang labi sa akin. Hinayaan ko lang syang gawin iyon. Kahit mukha na akong estatwa sa ginagawa nya. Pakiramdam ko ay nagugustuhan ko. Nang may marinig akong yabag na papalapit sa amin, mabilis ko syang tinulak at inayos ang sarili. "We're ready!" Masiglang sabi ni Coach Blayc. "Hey, are you okay? You're pale." Sinipat ni Coach Blayc ang mukha ko. "I-i'm fine. M-mainit lang s-siguro." Napapaypay pa ako gamit ang aking kamay. Nakita kong napakunot-noo si Coach Blayc sa sinabi ko. Sino ba namang maniniwala kung ang lakas-lakas ng aircon tapos sinabi ko pang mainit. "Blayc, I'll be back tomorrow. Thanks for accompanying me." Narinig kong sabi ni Vincent. Nakasuot na sya ng pink sando kaya nakikita ko na lang ang biceps nya. Why does his biceps looks so sexy, too? Nakita kong papalapit sya sa direksyon ko. Bahagya sya lumapit sa pisngi ko at bumulong. "We'll talk later." Napatulala nalang ako at sinundan sya ng tingin paalis ng gym. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano yon? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Feeling ko tumayo pa ang mga balahibo ko sa sinabi nya. Inis na tinikom ko ang aking bibig. Ano ka ba, Viel? Bakit mo hinayaan na halikan ka nya? Feeling ko nagmukha akong tuod sa ginawa nya. Bumalik lang ako sa realidad nang tapikin ako sa balikat ni Coach Blayc. "Shall we start?" I unconciously nodded. SOMEONE's POV I love manipulating people lalo na ang mga uto-uto sa aking pagpapanggap. Kinuha ko sa aking drawer ang pink teddy na bigay sa akin ng mahal kong kapatid. I will not forget how this teddy bear witnessed the cruelty of her adopted family. I won't forgive them! "It won't take too long, my dear twin sister. Gagawin ko ang lahat para bumagsak sila. Ipaghihiganti kita. Especially, Viel. I know how much she hurt you. Ipaparanas ko sa kanya ang sakit na naramdaman mo. You suffered a lot... Yel." VIEL KIM/SUNNY VILLA's POV After the photoshoot, nagpalit muna ako ng damit. Nagtext si Vincent na i-meet ko sya sa CoffeElf. Hindi ko alam pero nae-excite ako na kinakabahan. Ilang oras na mula nang halikan nya ako sa gym pero nararamdaman ko pa rin ang labi nya. Buti na lang hindi naapektuhan ang pag-pose ko sa harap ng camera kanina. Habang binabalik ko sa bag ang ginamit kong damit, may naririnig akong nag-aaway. Wala masyadong tao ngayon sa gym dahil temporarily closed ito para sa photoshoot. Busy na rin sa pagliligpit ang mga crew para sa next destination nila. Hindi ko na sana papansin kung sino ang nag-aaway ngunit narinig ko ang pangalan ko. Lumabas ako ng locker room at sinundan ang sigawan na naririnig ko. Sa office ni Coach Blayc nagmumula ang sigawan at bahagyang nakabukas ang pinto nito. "Ano bang nangyayari sayo, Mel? Lubayan mo na sya. Tama na! Makakasama sayo ang ginagawa mo!" Sigaw ni Coach Blayc. "Hindi pwede! Gagawin ko pa rin ang plano ko at walang makakapigil sa akin lalo na ikaw! Alam mo naman kung gaano katindi ang pagkamuhi ko sa kanya, di ba? Hindi ko sya mapapatawad sa pagkamatay ng kapatid ko." Ganting sigaw ng babae na kaharap ni Coach Blayc. Familiar sa akin ang boses nya. Saan ko nga ba narinig ang boses na iyon? Tama! Kaboses nya si Ate Yel. But wait... Base sa narinig ko na tawag ni Coach Blayc sa babae ay Mel. Magkatunog ang pangalan nila ni Ate Yel pero imposible namang nandito si Ate Yel dahil nagpapahinga ito sa bahay. Napabuntong hininga si Coach Blayc. "Okay. Ano na ang plano mo? Bumalik na si Viel sa buhay nyo. Masasaktan na naman si Tita Sumi kapag nawala na naman si Viel." "The hell I care! Kung ikukumpara sa nararamdaman ko, ako ang mas may karapatan na masaktan dahil hindi na maibabalik ang buhay ni Yel! Samantalang ang demonyita nyang anak, hayun! Nilalandi ang ex-boyfriend ni Yel!" Ako? Nilalandi ang ex-boyfriend ni Ate Yel? Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nya pero nakakaramdam ako ng pagkabalisa. Sino ba sya? Anong relasyon nya sa Ate Yel ko at kay Coach Blayc? Biglang tumunog ang phone nang kausap na babae ni Coach Blayc. "Okay. I'm coming. Wag mo syang hahayaang makaalis sa lugar na iyan." Pagkatapos ng babae sagutin ang tawag ay bumaling syang muli kay Coach Blayc. "I have to go. Next time na lang kita kakausapin kapag maayos na ang utak mong umintindi sa akin." Nakita kong papalabas na sya ng office ni Coach Blayc kaya natataranta akong napatalikod. "Viel? Is that you?" Narinig kong tawag sa akin ng babae. Kaboses nya talaga si Ate Yel. Lumingon ako sa kanya at hindi lang sya kaboses ni Ate Yel dahil kahawig nya pa. Pero hindi sya ang Ate Yel na kilala ko. Iba ang aura nya. "Don't give me that look, little sis." Little sis? "W-who are you?" Lito kong tanong. Tila hindi sya makapaniwala sa tanong ko. "I said, who are you? Narinig ko ang pinag-uusapan nyo ni Coach Blayc." Hindi ko pwedeng isawalang-baha ang narinig ko dahil nacucurious ako kung bakit nya ako kilala at si Ate Yel. Umarte syang nagulat sa sinabi ko. "Oh! You heard it? Sorry." She faked a laugh. "Hindi ko alam na matalas din pala ang pandinig mo." Tinitigan ko lang sya. "Total narinig mo na rin pala ang sinabi ko kanina, gusto mong malaman? Oh! I forgot to introduce myself." Nilahad nya ang kamay nya sa akin. "I'm Mel Santillano. Yel's twin sister." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko tinanggap ang nakalahad nyang kamay. Binawi nya ito at nagsalitang muli. "Mukhang na-surprise ka sa sinabi ko. I guess, that's for today. Baka hindi mo na kayanin kapag may sinabi pa ako. Baka mabaliw ka pa." Tuloy-tuloy syang umalis habang ako naman ay napako na sa kinatatayuan ko. Kapatid nya si Ate Yel? At kakambal nya? Pero paano? Imposible! Imposibleng mangyari iyon. Ako lang ang nag-iisa nyang kapatid. Pero... bakit sila magkamukha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD