Chapter Eleven

1647 Words
SUNNY VILLA's POV "Anong po ang pag-uusapan natin?" Magalang kong tanong pagkaupo namin. Hindi ako pwedeng tumagal dahil kailangan ko pang pumunta sa boutique ni Miss Joana. Inutusan nya kasi akong bumili ng yogurt. Hindi ko sya kilala pero parang familiar sya sa akin. Bumuntong hininga sya bago nagsalita. "I want you to listen very carefully, hija. I'm doing this for everybody who's involved in my mess." Kunot-noo ko syang tinignan. Hindi ko alam kung anong sinasabi nya pero kung ano man ang patutunguhan ng usapan namin, pakiramdam ko, hindi ko magugustuhan at natatakot ako. Umubo sya bago nagsalita. "I admit, I'm not a perfect father. Lahat ng paraan ay gagawin ko para sa anak ko kahit pa labag sa batas. Lahat lahat. Basta maibigay ko lang ang gusto ng anak ko." Simula nya. Umubo sya gamit ang kanyang panyo. Tumabi ako sa kanya at hinimas ang likod nya para kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam nya. Hirap din sya sa pagsasalita. "I owned a company at kakompetensya ko ang VYS company. I always keep my guard para di mawala ang pinaghirapan ko. Iniisip ko na ang future ng aking anak habang sya'y lumalaki. Simple lang naman ang gusto ng mga magulang para sa kanilang anak, ang mapabuti ito. Lumalaking walang kaibigan ang anak ko dahil sa issue namin ng mommy nya. Kaya naisipan kong hanapan ng magiging kaibigan ang anak ko at para bumagsak si Thomas Kim, owner of VYS company. Nagkataon din na lulong ako noon sa drugs." Patuloy lang akong nakikinig sa kanya kahit hindi ko alam kung anong patutunguhan nito. Wala namang masamang makinig saka mukha naman syang mabait pero sa kabilang banda ay may takot akong nararamdaman. Hinawakan nya ang kamay ko na nasa mesa at tinignan ako ng nagmamakaawa nyang ekspresyon. "Hija... I'm really sorry. I really am. I didnt mean to hurt you. Please forgive me. Please... I'm really really sorry." Humahagulgol nyang sabi. Mas lalong kumunot ang noo ko sa mga sinabi nya. Hindi ko maintindihan kung bakit sya humihingi ng tawad sa akin. "Pasensya na po kayo, pero wala po akong idea kung bakit po kayo humihingi sa akin ng tawad. Mukha naman po kayong mabait kaya imposible po na magkaaway tayo. Ngayon ko lang din po kasi kayo nakita." Napabuntong hininga sya. "Hindi mo ba talaga ako matandaan, hija?" Umiling ako sa tanong nya. "Ako si Andrei Lee. Mas kilala ako bilang Mr. Lee." Napamulagat ako sa sinabi nya. Bigla akong kinabahan. Hinila ko ang kamay ko na hinawakan nya. Hindi ito maaari. Sya? Sya si Mr. Lee?! Anong kailangan nya? Bumalik ba sya para kidnapin ulit ako? Papatayin nya ba ako ngayon? Malabo ang naaalala kong itsura ni Mr. Lee dahil siguro sa sobrang bata ko pa noon. Madalas ay nakatalikod sya sa akin kapag kausap nya si tatay sa labas ng bahay. Kaya walang pagkakataon na makita ko syang ng malapitan. Tumayo ako at aalis na sana ng bigla nya akong hawakan sa kamay. Gusto kong makalayo sa kanya. "Please, hija. Stay here. Wala akong gagawing masama sayo. Mag-uusap lang tayo. Alam kong takot ka pa rin sa nangyari pero pinapangako ko sayo, aayusin ko ang lahat. Tutulungan kita. Pakinggan mo muna ako, please." Nagmamakaawa nyang sabi. Nakikita ko sa mga mata nya na sincere sya sa sinasabi nya pero natatakot ako. Paano nya nalaman kung saan ako? May koneksyon pa rin ba sila ni tatay? "Last month, I just found out that I have a lung cancer and I only have few months to live in this world. Marami pa akong gustong gawin at ayusin pero alam kong hanggang dito nalang. Kaya habang may oras pa ako, gusto kong maayos ang problemang ginawa ko lalo na sayo." Umiiyak nyang sabi. "I'm really sorry for everything I've done. Hindi ako bumalik dito para guluhin ang buhay mo kundi para tulungan kang bumalik sa tunay mong magulang. Even if it takes forever for you to forgive me, hayaan mo akong ibalik kita sa tunay mong pamilya. Ito lang ang paraan na alam ko para ayusin lahat. Hindi kita minamadali para mapatawad ako dahil alam ko kung gaano kita nasaktan. I'm really sorry." Hindi ko alam kong dapat ko ba syang pagkatiwalaan na ibabalik nya ako sa tunay kong pamilya dahil natatakot ako na baka ipahamak nya ulit ako. Nanginginig pa rin ako sa takot sa nalaman ko sa kanya pero gusto ko ng makita ang tunay kong pamilya. Gusto ko na silang makasama. "I know you're still afraid of me. But—" Naputol ang sasabihin nya ng may magsalita mula sa likod ko. "What are you doing here?" Napalingon ako kung sino ang nagsalita. Si Vincent. Bigla nya akong nilayo mula kay Mr. Lee at nagngangalit ang mga mata na tumingin kay Mr. Lee. "Son, please. I'm just talking to her. Hindi ko sya sasaktan. I wont do it again. Please." Pilit na hinahawakan ni Mr. Lee si Vincent ngunit iniiwasan nito na mahawakan sya. "No! Hindi kita hahayaan na guluhin mo ulit ang buhay nya. Marami na syang pinagdaanan sa kamay mo! Just leave her alone! Stop acting like you are guilty dahil alam kong may pinaplano ka na naman kaya itigil mo na ito! Just leave her alone!" Galit nyang sabi. Bakit sya nandito? Hinila ako ni Vincent palabas ng grocery store pero hindi pa kami nakakalayo ay nagsalitang muli si Mr. Lee. "Son, I'm really sorry. I hope you'll forgive me someday. Ginagawa ko ito dahil gusto kong ayusin ang lahat. Son, I miss you so much." Napakunot noo ako. Son? Anak? Anak nya si Vincent? Sya ba ang tinutukoy ni Mr. Lee na anak nya? Sya ba? Lumingon si Vincent kay Mr. Lee. "Save it. I don't care. I don't wanna see your face and it's too late." At hinila nya ulit ako paalis sa lugar na iyon. Wala kaming imikan sa buong byahe. Nabibigla pa ako sa mga nalaman ko ngayon. Pagdating namin sa tapat ng bahay ni Miss Joana, nagsalita si Vincent. "Kung ano man ang sinabi nya sayo, kalimutan mo nalang. At kung makita mo sya ulit, iwasan mo or call me." Tinignan ko sya. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nya dahil nakatingin sya sa labas ng bintana. "Bakit kilala mo si Mr. Lee? Kaano ano mo sya?" Hindi ko napigilan magtanong. Matagal bago sya lumingon sa direksyon ko. Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko. "He's my father." ---------------- Two years later... NATHAN KIM's POV Three weeks from now, graduation day na namin nina Bryan Trevor and Marcus. And its been a year since Zhoumi and Henry moved to the mansion. We're now a big family! Literally big. Madali namin silang nakasundo. They are super talented kaya isinama sila sa sub-unit ng group namin. It is called Hallyu Brothers Bond. I was about to go to the restroom nang may marinig akong sumisigaw sa hallway. Or maybe pinapagalitan. Nandito kasi ako sa radio studio kung saan ako nagtatrabaho. Aside from being a singer and a dancer, I'm also a DJ. Bihira lang ako makarinig ng ingay dito sa hallway ng studio dahil busy ang mga tao rito. Tumabi muna ako sa gilid para hindi ako maka-distract sa eksena. Pakikinggan ko na rin, hindi pa naman ako ihing ihi. "The heck, Zyna! Bakit hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo? Ilang taon ka na rito pero ang dami mo pa ring kapalpakan. Pati ako nadadamay sa pagiging irresponsible mo. Kahit na anak ka ni Mr. Andrade, hindi iyon rason para makuha mo ang gusto mo. Gusto lang naman ng daddy mo na maging ready ka. Maging responsible." Halos lumabas na ang ugat sa leeg ng babae habang sinasabihan ang kaharap nito. "Wala naman kasi akong sinabi na gusto kong magtrabaho rito sa radio studio namin. Sya lang mapilit. Saka wag mo akong sisihin sa kapalpakan ko. Pabayaan mo nalang ako kung ayaw mong madamay." Pasupladang sabi ng kausap nya. Medyo nararamdaman ko nang naiihi na ako. Ang hallway kung saan sila nakatayo ay papuntang restroom. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo, Zyna Ylaine Andrade." Napapailing na umalis ang babaeng sumisigaw kanina. It's time na rin siguro para pumunta na ako sa restroom. Naiihi na talaga ako. Pagdaan ko sa babaeng sinisigawan kanina, napahinto ako. Tama ba ang nakikita ko? "Hey! Where are you looking at?" Mataray na sabi nya. Tinignan ko sya. She's pretty pero mukhang mataray. Siguro matangkad lang ako sa kanya ng three inches. Mukha syang mayaman. "Ano bang tinitignan mo?" Hinarang nya ang kanyang dalawa kamay sa dibdib. Yes. Nakatingin ako sa dibdib nya. May nakita kasi akong nakakatawa. See-through kasi ang upper part ng polo sleeves nya kaya nakikita na talaga ang bra nya. And guess what? Akala ko namamalikmata lang ako pero giraffe style ang bra nya. Which is ang long neck and tail ng giraffe ay ang strap nito at ang katawan naman nito ay hapit na hapit sa kanyang dibdib. "Masama bang tumingin sa pader?" Nakangisi kong sabi sabay alis. I need to pee. "p*****t!" Sigaw nya. Napangisi nalang ako sa sinabi nya. p*****t? Ako? Hello! Hindi no? I was washing my hands when I received a message from Kuya Vincent. May importante daw syang sasabihin sa akin. I replied, 'okay' to him. Habang nagba-browse ng aking social media account sa hallway, hindi ko napansin na may makakasalubong ako. Sa lakas ng impact, nabitawan ko ang cellphone ko at nalaglag sa sahig. Dali-dali ko itong pinulot at tinignan kung nasira. "Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan." Narinig kong sabi ng papaalis na babae. Napakunot noo akong tumingin sa direksyon ng babae. Palabas sya ng building. Habang naglalakad pabalik sa studio, napaisip ako sa narinig kong boses ng babae. Am I hallucinating? Napakibit balikat na lang ako. Imposible. Sobrang imposible. Dahil akala ko ay boses ni Ate Yel ang narinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD