Chapter Ten

1520 Words
SUNNY VILLA's POV Kanina pa kami nakatingin sa hindi mapakaling si Miss Joana. Mukha syang problemado ngayon. Wala kaming idea kung bakit pero noong galing ako sa kusina, narinig ko nalang na sumigaw sya. Akala ko may nangyari ng masama sa kanya. Nang tanungin ko si Jade, sabi nya nagka-fracture sa paa ang model ni Miss Joana para sa fashion show. Next week na iyon kaya nagagahol sya kung sino ang ipapalit na modelo. Naaawa ako para sa kanya dahil ilang araw din syang puyat. Hindi biro ang paghihirap nya para gawin ang fashion show na iyon. Minsan hindi sya uuwi rito sa bahay nya para lang masigurong okay ang lahat sa venue kaya sobrang pagod na sya pag-uwi. Pwede naman siguro sya makahanap ng bagong modelo, di ba? Hindi rin naman kasi maiiwasan ang mga ganoong aksidente. "Jade, balik na ako sa kusina. Baka luto na ang sinaing ko." Paalam ko kay Jade. Naglilinis kasi sya sa sala at ang daming nakakalat na papel sa sahig. "Sige." Naghuhugas ako ng plato ng pumasok sa kusina si Miss Joana. Kumuha sya ng tubig sa ref at bumuntong hininga. "Miss Joana, gusto nyo po bang gawan ko kayo ng merienda?" Kailangan nyang kumain dahil konti lang ang kinain nya kaninang tanghali. "Yes, please." Umupo sya sa malapit na counter table at nangalumbaba. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Naloloka na ako! Saang lupalop na naman kaya ng pilipinas ako maghahanap ng ipapalit ko sa kanya?" Nilapag ko sa mesa ang merienda nya. "Thanks, Sunny." Ngumiti ako sa kanya. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa kusina habang kumakain si Miss Joana. Hindi naman masyadong makalat sa bahay si Miss Joana kaya hindi mahirap ang trabaho rito at sobrang bait pa nya kaya wala akong balak umalis sa trabaho ko kahit bumalik na ang alaala ko. Tinanong ko si tatay kung kilala nya ang tunay ko magulang pero hindi nya ito kilala. Ang alam lang nya ay kakompetensya sa negosyo ni Mr. Lee ang mga magulang ko. Kung sino man ang Mr. Lee na iyan, sinusumpa kong magbabayad sya ng malaki. Bigla kong naalala ang batang lalaki na kasama noon ni Mr. Lee. Ang cute nya. Medyo chubby sya. Akala ko kinidnap din sya katulad ko pero nagtaka ako ng tawagin nya na papa si Mr. Lee. Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko si Miss Joana. "Perfect! May ipapalit na akong model." Nagtataka ko syang tinignan. Parang nagniningning ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Bakit ganito makatingin sa akin si Miss Joana? May dumi ba ako sa mukha? "Ah. Miss Joana? B-bakit po?" Marcus Cho's POV Tumigil ako sa paglalaro nang makaramdam ako ng gutom. Nag-unat muna ako dahil medyo nangalay ang mga balikat ko. "Baby ko, kakain muna si daddy ah. I promise, I'll be back." Para akong tanga na kausap ang laptop ko. Anong magagawa ko? Mahal ko ang baby ko eh. Kahit minsan nagloloko. Dumiretso ako sa mini ref na nasa kwarto ko lang. Naghalungkat ako kung may makakain ba ako but it looks like, wala. Nakalimutan ko pala magbilin sa maid ng stocks ko. Gutom na talaga ako. Biglang nag-ring ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag. "Yes, Kuya Vincent?" Bihira lang ako sumagot ng tawag ng mga kapatid ko pero dahil gwapo ako, sinagot ko ang tawag nya. "Bro, would you mind if you come over here?" Napatikwas ang kilay ko sa sinabi nya. "Why?" "Papakuha ko sana sayo ang order ko sa CoffeElf. Nagugutom na kasi ako." Gawin ba akong utusan? Hindi sa tamad ako pero parang ganon na nga. Bakit hindi na lang nya ipadeliver? "Kuya, bakit ako pa? Pwede mo namang ipadeliver. Saka nag-rereview ako for finals." Palusot ko. Tinatamad kasi ako lumabas. Ayokong iwan ang nilalaro ko para lang maging delivery boy nya, 'no? "Naku! As If naman nagrereview ka. Hello! Vacation break nyo ngayon. May nagti-take ba ng final exam sa vacation break? Wag mo akong paandaran ng pagka-addict mo sa games. Pumunta ka na roon at gutom na ako. Saka para hindi ma-stock ang taba mo sa tyan. Galaw-galaw din." Oo nga pala. Vacation break pala namin ngayon. Bakit ba naman kasi hindi ko naalala? Saka anong sabi nya? Ang taba ko? Hello! Pausbong ko palang na abs iyon no? As If naman na taba ko ito. "Okay, okay. Just tell me where you are para makauwi na ako agad." Tinatamad kong sabi. "Hindi ka pa nga nakakapunta, uwi agad ang nasa isip mo. Nandito ako sa venue ng fashion show ni Miss Joana. Alam mo naman kung saan ito, di ba?" "Okay." At pinatay ko na sya. Joke! Pinatay ko lang ang tawag. Ayoko talagang lumabas ng bahay ngayon. Baka ma-irritate ang skin ko. Sobrang init sa labas ngayon. I have to take care of my skin. I reached the place where the fashion show will be held, it's so amazing! Ang daming gorgeous ladies! How I wish I'm part of this show pero malabo iyon dahil si Kuya Vincent lang ang kinuhang model ni Miss Joana. Unfair! "Bro, stop drooling. Baka bumaha rito sa venue." I frowned when I heard Kuya Vincent's voice. Panira talaga ng moment. Inabot ko sa kanya ang order nya. Kumain na rin ako ng lunch sa CoffeElf dahil gutom na ako. "Thanks, Mr. delivery boy." Pang-asar nya. Sasapakin ko talaga ito kahit matanda to sa akin. Kaya lang, baka bumalik sa akin ang karma. Malalagot ako kay Miss Joana. VINCENT LEE's POV Today's the big day dahil ngayon ang fashion show. Tatlong araw bago ang fashion show, nagka-fracture sa paa ang main model na dapat sana ay ka-partner ko. Kaya napilitan si Joana na maghanap ng new model. I asked Joana kung sino ang magiging partner ko and to my surprise, muntik ng lumabas sa ilong ko ang iniinom kong iced coffee na pinabili ko kay Marcus nang makilala kung sino ang main model. Everytime we practice to ramp, hindi ako mapakali. Why? Dahil sa partner ko sa fashion show. Walang experience sa pagmomodel si Sunny. Though she's cute, slim at katamtaman ang tangkad nya. Another thing was I feel uncomfortable when she's near me dahil sa last confrontation namin. But as a man, kailangan kong humingi ng tawad sa nangyari. It's not her fault. Biktima lang sya sa nangyari. Masyado lang akong nadala sa nararamdaman ko. Nakita ko syang kumakain sa gilid kasama ang mga asungot na foreignoy. Ilang araw na akong naiirita sa kanila dahil everytime na lalapitan ko si Sunny parang pimples na nagsusulputan sila. "Sunny, can we talk?" I looked at her. Nadagdagan ang bwisit ko dahil tumingin sa akin ang mga asungot. "O-okay." Lumabas kami para hindi marinig ng mga alien na asungot ang pag-uusapan namin. Mga baluktot kasi sila managalog. Hinarap ko sya. I exhaled. "Sorry for what I've said the last time we met. Masyado lang akong stressed that time." Nakatingin lang sya sa akin. Habang nakatingin sya sa akin, hindi ko maiwasan na ma-appreciate ang ganda nya. Lumitaw ang ganda nya ng ayusan sya. Oo, cute sya sa paningin ko pero kapag inayusan pala sya, nangingibabaw ang ganda nya. This is the first time na sobrang tagal ko tumingin sa isang babae maliban kay Yel. Ito na yata ang pinakamatagal. Hindi ko alam kung ilang minuto ko na syang tinitignan kaya umiwas sya ng tingin sa akin. "I-iyon ba? Wala na iyon. Hindi ko na iniisip iyon." Nakatingin sya sa ibang direksyon kaya hindi ko makita kung ano ang reaksyon nya. "S-sige. Babalik na ako sa loob. B-baka magsisimula na ang show." Sinundan ko sya ng tingin pabalik sa loob. Iyon lang? As in, ganoon lang yon? Alam kong nasaktan ko sya dahil nasigawan ko sya pero hindi ko ini-expect na madali nya akong mapatawad. I also forgot to tell her na sya ang anak ni Tita Sumi, that her family was looking for her, that they missed their little angel. How should I tell her? How should I tell her na sya ang nawawalang Viel Kim? How should I tell her na ako ang bata na kasama ng taong kumidnap sa kanya? And most importantly, paano ko sasabihin kay Tita Sumi na ang sariling kong ama ang may pakana kung bakit hanggang ngayon ay hindi nila kapiling ang bunso nilang anak? SOMEONE's POV I want to change. I want to change everything and I have to clean my mess. This is the only way to prove him that I am guilty for what I did. "Are you Miss Sunny Villa?" I said when I reached her. Nakita ko sya na galing sa grocery store kaya sinundan ko sya. "B-bakit po? Sino po kayo?" Mukha syang confused at takot. "Oh! Dont worry. Wala akong gagawing masama sayo. We'll just talk there." Tinuro ko sa kanya ang pinakamalapit na upuan. Kahit nag-aalangan sya, sumama pa rin sya sa akin. I will tell her everything. Every detail. Gusto kong ayusin ang lahat bago man lang ako mawala sa mundong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD