Chapter Nine

2266 Words
VINCENT LEE’s POV Alam kong tama ang decision ko na pumunta sa office ni Kuya Matthew. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Super close kaming magkakapatid kaya hindi ko sila matitiis. Kapatid ko sila. “Nasa office ba si Kuya?” I asked Kuya Matthew’s secretary. “Yes, sir.” I took a deep breath. I knocked on the door. “Come in.” Pagbukas ko ng pinto, nakita kong tambak sya ng mga paperworks, pareho lang kami. Iniwan ko muna lahat ng mga pipirmahan kong papers dahil hindi ako sanay na hindi kami nagpapansinan kapag nagkikita-kita kami. “Kuya.” Umangat ang kanyang paningin sa akin at bakas ang pagkagulat. Ilang linggo kaming walang pansinan kaya natural lang na magulat sya. “Ikaw pala. Have a sit.” Tumalima ako sa utos nya. I don’t know where to start. Ang dami kong gustong sabihin. “I’m really sorry Kuya.” Nakayuko kong sabi. Sobrang nahihiya ako. Alam kong may nasabi akong hindi maganda sa kanila. Tumayo sa harap ko si Kuya Matthew. I looked up. Walang expression ang kanyang mukha. Nakaramdam ako ng kaba dahil kapag seryoso sya, nakakatakot. Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap. “I can’t resist you, you're my brother. Isa pa, napaka-cute mo kaya madali kitang mapatawad.” Napangiti ako sa sinabi ni Kuya Matthew. I felt relieved. “Thank you so much, Kuya.” After naming magkapatawaran, nagkwentuhan muna kami. We really missed each other kaya bumabawi kami sa mga araw na hindi kami nagpapansinan. Sa aming magkakapatid, sya ang madali kong lapitan. Biglang bumukas ang pinto at nakita kong nagulat si Kuya Jordan na makita ako sa office ni Kuya Matthew. “May bwisita ka pala, Matthew. Babalik na lang ako kapag tapos na kayo mag-usap.” Bigla syang umalis. Tinignan ko si Kuya Matthew. He nodded. Inuudyukan ako na habulin si Kuya Jordan. Until now, may galit pa rin sya sa akin. Sobrang nakakatakot sya magalit pero hindi ko dapat iyon isipin ngayon because I know how much I made him mad at that time. Kaya lumabas ako ng office at hinabol si Kuya Jordan. “Kuya!” Hinawakan ko ang wrist nya ng maabutan ko sya sa hallway. Hiningal ako sa paghabol sa kanya. Hindi nya ako nilingon pero hinayaan nya akong hawakan sya. “I know you’re mad at me. I didn’t mean to hurt you. I'm sorry. Hindi ako nakinig sa inyo.” Napayuko ako. Feeling ko ang sama-sama kong kapatid. Humarap sya sa akin. Hindi na gaanong nakakatakot ang aura nya pero alam kong galit pa rin sya. "What now? Natauhan ka na ba sa kabaliwan mo sa babaeng iyon?" Poker face nyang sabi. "Vincent, if you really want na magkaayos tayo, lumayo ka na sa pamilya ni Yel. It's not healthy." At bigla syang umalis. Naiwan akong tulala. Kaya ko ba? Kaya ko bang iwan si Yel sa sitwasyon nya ngayon? Kailangan nya ako. Isa pa, ngayon na kilala ko na ang nawawalang kapatid ni Yel. JORDAN KIM's POV Akala nya ganoon na lang kadali na patawarin ko sya? Ma-pride akong tao. Sobrang nasaktan ang ego ko dahil sa sinabi nyang baliw kami. Anong tingin nya sa akin? Katulad ni Matthew na napatawad na sya agad-agad? Well, hindi na ako magtataka kasi very close sila. Unlike me, medyo awkward pa pagkasama ko sya. Nasa car na ako when I received a text from Matthew. From: Matthew Shin Kuya, I know you're still mad at him. Hindi ba pwedeng patawarin mo na rin sya? His hurt too. Mas masakit ang nararamdam nya ngayon compared to us. It's just a word. Di naman nya sinasadya yon. Let's just forgive him, okay? Naihagis ko sa passenger's seat ang cellphone ko dahil sa inis. Bahala sila sa buhay nila. Nasaktan din ako. I have the right to be mad. Little by little siguro mapapatawad ko sya. Otherwise, he's my brother. But not now. I'm still hurt. SUNNY VILLA's POV Di ako makatulog kaya pumunta ako sa garden. Nandito na ako sa bahay ni Miss Joana. After magtext ni Ate Rhea sa akin na gusto nya akong makausap, nagpaalam muna ako kay Miss Joana na may emergency lang sa bahay kaya pinayagan nya ako na umalis sandali. *Flashback Hindi ako makatingin sa kanya. Nagagalit ako dahil niloko nila ako. Ang sama nila! Tinuring ko silang pamilya pero bakit nila nagawa sa akin ito?! Huminga sya nang malalim. "Sa tingin ko, bumalik na ang alaala mo." Panandalian na nagulat ako sa sinabi nya. Nagagalit ako pero gusto kong malaman ang totoo. "Bakit Ate? Bakit nilihim nyo sa akin ang totoo?" Naiiyak akong tumingin sa kanya. Gusto kong malaman ang lahat. Kung bakit sila nagsinungaling. Mababait silang tao pero hindi ko maisip kung bakit nagawa nilang maglihim sa akin. Paano kapag hinahanap na pala ako ng mga magulang ko? Siguro halos mabaliw na sila kakahanap sa akin dahil nawawala ako. Naalala ko pa na naglalaro kami ng tunay kong ate sa amusement park. Naghahabulan kami pero may biglang bumuhat nalang sa akin at sinakay ako sa van. Iyak ako ng iyak. Gustong gusto ko nang bumalik sa parents ko kaya umasa talaga ako na ibabalik nila ako pero nilayo nila ako. Dinala nila ako sa probinsya at binago ang pangalan ko. Ilang araw mula ng dumating kami sa probinsya, narinig kong may kausap ang lalaki na kumidnap sa akin. Kaya sinubukan kong tumakas pero hindi ako nagtagumpay. Bumigay ang kumot na gamit ko palabas ng bintana at bumagsak ako. Unang bumagsak sa lupa ang paa ko at nawalan ako ng balanse at hindi ko napansin na may malaking bato pala sa aking likod at tumama doon ang ulo ko. Pagkagising ko, wala na akong maalala. Hindi ko kilala ang sarili ko. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako. At nagsimula na silang magtahi ng kwento na puro kasinungalingan. Huminga nang malalim si Ate Rhea bago nagsalita. "Noong una, nagtaka ako kung bakit ka dinala ni papa sa bahay. Kinuwento nya lahat sa amin ni nanay. Involve sya sa pag-kidnap sayo. Dati na nilang ginagawa ang kidnap for ransom pero tumiwalag na noon si tatay dahil nakokonsensya sya. Pero binantaan sya ni Mr. Lee na papatayin kaming lahat kapag hindi sya bumalik sa grupo. Kaya naman napilitan si tatay na bumalik sa grupo." Mangiyak-ngiyak nyang sabi. "Sinamantala namin ang pagkakaroon mo ng amnesia noon kaya binigyan ka namin ng ibang pagkatao. Nang pinaghahanap ka na ng mga magulang mo, nilayo ka namin sa syudad para hindi ka nila mahanap." Hinanap ako ng tunay kong pamilya? Ibig sabihin, nag-aalala sila para sa akin Pero... Hinahanap pa rin kaya nila ako hanggang ngayon? Bakit huminto na sila sa paghahanap sa akin? Nakalimutan na ba nila ako? "Hindi nyo ba alam kung anong nararamdaman ng pamilya ko noong araw na mawala ako sa kanila? Bakit kayo nagsinungaling sa akin?! Tinuring ko kayong pamilya!" Umiiyak kong sabi. Nakayuko lang si Ate Rhea. Tinrato ko sila na parang tunay kong pamilya. Ramdam ko na ganoon din sila sa akin pero hindi ko maiwasan na magalit dahil sa kasinungalingan nila. Itinago nila sa akin ang katotohanan! Naalala ko pa noong tinanong ko si nanay kung bakit wala kaming tv o radio. Lagi nyang sagot sa akin ay walang kwenta raw ang mga palabas sa tv at hindi maganda ang makinig sa radio. Kaya hindi ako bumibili ng tv or radio mula noon. "Sunny, gusto ka naming ibalik sa tunay mong pamilya pero di namin magawa dahil papatayin kami ni Mr. Lee kapag ginawa namin iyon. Sana maintindihin mo. Napamahal ka na sa amin. Ayaw naming may mangyari uli sayo." Ramdam ko ang pagmamahal nila pero noong wala pa akong naaalala. Ngayon na bumalik ang alaala ko, naguguluhan ako. "Bakit ako ang napili nilang i-kidnap? Mayaman ba kami?" Hindi naman siguro trip lang ang pagkidnap sa akin kung walang buhay na masasaalang-alang. "Sikat ang pamilya nyo sa larangan ng negosyo. Hotels, condominiums, restaurant at iba pa. Mahigpit na kalaban ni Mr. Lee ang daddy mo sa negosyo. At dahil member ng drug syndicate si Mr. Lee, na-attempt syang kidnap-in ang isa sa inyong magkapatid para makakuha sya ng pera sa pamilya mo. Pumunta ang daddy mo sa napagkasunduan na lugar kung saan nya ibibigay ang pera pero napag-alaman ni Mr. Lee na may pulis syang kasama kaya ipinagkatiwala ka nya sa amin." Sa narinig, nakaramdam ako ng pangungulila sa totoo kong magulang. Gusto ko silang makita. Gusto ko silang mayakap at makasama. Hinawakan ni Ate Rhea ang kamay ko. Bahagya ko iyong pinisil. "Sunny, patawarin mo kami. Hindi namin gusto na maglihim sayo. Mahal ka namin." Hagulgol nyang sabi. Malaki ang utang na loob ko sa kanila kahit papaano. Sila ang kumupkop sa akin at hindi nila ako pinabayaan. Siguro kung sa ibang pamilya ako ibinilin, malamang ay inaalila na ako o pinapabayaan. Sa mahabang panahon na nakasama ko sila, hindi ko naisip na iba ako sa kanila. Niyakap ko sya. "Pinapatawad ko na kayo, Ate Rhea. Oo, galit ako pero hindi ko kayo kayang alisin sa buhay ko. Mabuti kayong tao. Utang ko sa inyo ang buhay ko." *End of flashback Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. May pamilyang naghihintay sa akin pero hindi ko alam kung saan ko sila pupuntahan o hahanapin. Makilala pa kaya nila ako? ANDREW CHOI's POV After our last song, we make sure to leave them some memories before we bid goodbye to our fans. Pagbalik namin sa backstage, we decided na pumunta sa restaurant ni Kuya Casey to celebrate. But before I entered the van, nakita ko si Kuya Vincent na parang natulala. "Kuya Vincent!" I called him pero hindi nya ako nilingon kaya nilapitan ko na sya. Tinapik ko sya sa balikat. "Kuya, what's wrong?" "I think I just saw him." When I saw his face, para syang galit. Nakakapanibago ang facial expression nya. Tinignan ko ang paligid kung may makikita akong familiar na tao or stalker namin pero wala akong nakita. Hindi ko na sya inabalang tanungin kung sino ang nakita nya dahil siguradong masisira ang gabi namin base sa facial expression nya. "Kuya, let's go. Naiinip na sila." Hinihila ko na sya papunta sa van. VINCENT LEE's POV I saw him. Sigurado ako. Pero bakit sya nandito? Guguluhin na naman ba nya ang buhay ko? Ayoko na syang makita! Habang busy ako sa kaiisip, nakarating na pala kami sa restaurant ni Kuya Casey. Very comfortable and relaxing kumain sa restaurant ni Kuya Casey kaya we are always here after our concert. Habang papasok kami sa restaurant ay biglang tumunog ang cellphone ko. I excused myself at gumilid. Sinipat ko ang cellphone ko, unregistered number ang tumatawag. Sino kaya to? "Hello. Who's this?" Then I heard a cough before he answered. "V-vincent." Nang marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko, halos mapiga ko sa galit ang cellphone ko na nasa aking tenga. What the hell?! Paano nya nalaman ang number ko? When I saw him outside the Arena, parang tuod ako na nakatingin sa kanya hanggang sa makaalis sya. And in just a snap, bumalik ang galit ko towards him. "What do you want? All I know patay ka na. Paano mo nalaman ang number ko?" I'm still mad at him. And one thing is for sure, ginamit na naman nya ang galamay nya para makuha ang number ko. "S-son. p-please." Then he coughed. "I know you're still my sweet and cute Vincent. All I want for you is the best kaya nagawa ko ang bagay na iyon." "So it's best pala na mag-kidnap? You're unbelivable." Nang-uuyam kong sabi. Very close kami ni papa... noon. Binibigay nya ang lahat ng gusto ko. He was the best father for me. Not until na na-bankcrupt ang company nya at iniwan sya ni mama. I know he's struggling but he always make sure that I have a comfortable life. Pero hindi ko masisikmura na ang perang ginagastos nya sa akin ay galing sa kidnap for ransom and drugs. He sighed. "I'm truly sorry, son. Pinagsisisihan ko na ang nangyari. Believe me. Masyado akong lulong sa druga noon. I'm so frustrated din dahil sa competition between our company and VYS company." Then he coughed again. "I don't wanna lose you too kaya ginagawa ko ang lahat. Ayokong mahirapan ka. Gusto kong ibigay ang lahat para sa future mo." "Dapat inisip mo iyan bago mo kinidnap ang batang iyon. You know dad? Sobrang idol kita noon. Gusto kong maging katulad mo because you're a loving father to me. But you made me hate you. Kung hindi dahil sayo, hindi magkakasakit si Yel!" I bursted. Hindi ko napigilan na sumigaw. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. "Y-yel? W-what do you mean? " Naguguluhan nyang tanong. "She's my girlfriend. Kapatid sya ng batang kinidnap nyo and she's sick! Na-trauma sya nang dahil sa inyo!" Mas lalo akong nagagalit ngayon sa kanya kapag naaalala ko ang situation ni Yel at itsura ni Sunny noong kinidnap sya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari iyon sa magkapatid. Lately, naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko para kay Yel. Sometimes I feel pity and guilty for her. Natahimik sya pero naririnig ko ang maya't-mayang pag-ubo nya. "Kung may binabalak ka na namang guluhin ang buhay ko. Please..." Ang hirap sabihin pero ayoko ng maulit ang nangyari. "Kalimutan mo ng may anak ka." Then I ended the call. Ayoko na syang makausap. Kahit nag-sorry na sya sa akin, hindi pa rin iyon sapat para magkaayos kami. Kahit papaano pinakinggan ko ang side nya. Tama na yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD