SUNNY VILLA’s POV
*Flashback (sa ospital)
Pagmulat ko ng aking mga mata, puting paligid ang aking nakita.
Nasaan ako? Sa pagkakaalam ko, pabalik na ako sa bahay ni Miss Joana galing sa grocery.
“Anak, mabuti't gising ka na. Pinag-alala mo kami ng papa at ate mo. Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?” Napalingon ako sa boses na narinig.
Isang matandang babae katabi ang isang matandang lalaki at isang babae na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ang nakatayo sa likod nila.
Sino sila? Bakit nya ako tinawag na anak? Pamilya ko ba sila? Pamilyar sila sa akin pero di ko lang matandaan.
Nang mapatingin muli ako sa matandang lalaki na matamang nakatingin sa akin, bigla akong nakaramdam ng takot.
Hindi ito maaari!
“Anak, okay ka lang? Namumutla ka. Rhea, tawagin mo ang doctor. Dali!” Utos ng matandang babae sa babaeng kasama nito.
Hinawakan ko ang kamay ng matandang babae. Kahit natatakot ako, kailangan kong kumalma. “O-okay lang po ako. W-wag kayong mag-alala.”
“Sigurado ka, anak?”
Tumango ako.
Hindi ako pwedeng magkamali. Naaalala ko na ang lahat! Sila ang dahilan kung bakit wala akong maalala simula noong bata pa ako.
Gusto ko ilabas ang galit ko sa kanila pero di ko kaya. Mahina pa ako. Baka may masama silang gawin sa akin. Kailangan ko munang malaman kung bakit nila ako kinidnap at anong dahilan nila sa panloloko sa akin sa mahabang panahon.
*End of flashback
Ilang araw din ang tinagal ko sa ospital na kasama sila. Pakiramdam ko, nasa kulungan ako. Pagkatapos maayos nila nanay ang lahat ng kailangan sa ospital, umalis na kami. Siniguro nilang bago sila bumalik sa probinsya ay okay na ako.
Hindi ako mapakali kapag nandyan sila sa paligid ko lalo na ngayong bumalik na ang alaala ko.
“Sunny, okay ka lang? Masama pa rin ba pakiramdam mo? I'm sorry kung napasabak ka kaagad sa trabaho.” Nag-aalalang sabi ni Miss Joana.
Nasa kotse kami ngayon papunta sa venue ng fashion show na gaganapin sa August.
“Okay lang po ako.” Ngumiti ako para hindi na sya mag-alala.
Maya't maya tinatanong nya ako kung okay lang ako lalo na kapag nahuhuli nya akong malalim ang iniisip. Sobrang busy ngayon ni Miss Joana kaya ayokong pati ako inaalala nya pa.
Pagdating namin sa venue, sobrang napahanga ako. Lahat ng tao ay may kanya kanyang ginagawa. Sinisigurong magiging maayos ang paparating na event. Tiyak na magiging successful ang event na ito.
“Hi, Miss! Model ka din ba? Kasama ka ba namin sa fashion show?” Bigla akong hinarang ng tatlong lalaki. Inabot nya sa akin ang kamay nya pero di ko iyon tinanggap.
“I hope makasama kita sa catwalk. I’m sure magiging maganda ang show.” Sabi naman ng isang lalaki na sa tingin ko ay half british.
“Ikaw ba ang magsusuot ng design ni Miss Joana this year? I think it suits you. You’re cute.” Sabi naman ng isang lalaki na half japanese.
“Ah. Ano kasi...” Napakamot ako sa ulo ko dahil sa pagharang nila sa akin.
Hindi ko na nasundan si Miss Joana dahil hinarang ako ng tatlong lalaki. Malaki ang lugar na ito kaya mahihirapan akong makita sya.
Patuloy lang sila sa pangungulit sa akin kahit napakatipid ng sagot ko.
“Sunny! Nandito ka lang pala.” Tawag sa akin ni Miss Joana. Lumapit sya sa kinaroroonan namin. “Hello, boys! Nandito rin pala kayo?”
“Hi, Miss Joana!” Chorus nilang bati.
Mabuti na lang at hindi na nila ako kinulit ng tawagin na sila ng catwalk director para mag-practice sa stage.
Naglalakad kami ni Miss Joana papunta sa girl's dressing room ng mag-vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nag-text.
From Ate Rhea:
“Sunny, nandito ako sa bahay mo ngayon. Pwede ba tayong mag-usap mamaya?"
Bumalik si Ate Rhea? Bakit? Anong pag-uusapan namin? Importante kaya yon?
Bigla akong kinabahan sa pakay ni Ate Rhea.
Nahalata na kaya nya na bumalik na ang alaala ko? Baka naman may naiwan sya sa bahay kaya sya bumalik. Sana nga.
VINCENT LEE’s POV
Nasa tapat na ako ng building ng office ko pero hindi pa ako pumapasok. Nakatitig lang ako sa kabuuan ng building. Hindi ko ma-imagine na makakapag-manage ako ng isang company and have a stable life. Pero parang may kulang.
Napagpasyahan ko na huwaag munang pumasok ngayon sa work. Sa usual coffee shop muna ako tutuloy.
I drove my car to CoffeElf. Matagal na akong costumer sa coffee shop na ito kaya alam na ng mga service crew kung anong madalas kong ino-order.
I took a sip in my coffee. Mas nare-relax ako kapag dinadaan ko sa pag-inom ng coffee ang mga problema ko. Feeling ko kino-comfort ako.
"There you are! Sabi ng secretary mo hindi ka pa raw pumapasok. Naisip ko na baka nandito ka. At tama nga ako." Bryan Trevor said while walking towards me.
"Yeah. Tinatamad ako pumasok eh."
"This is not you, Kuya. Anyway, hinahanap kita because I forgot to give you this invitation from Miss Joana yesterday." Then he gave me a beautiful invitation card. It was combination of violet and pink.
Cute.
"Thanks. Want some?" I offered him a coffee but he refused.
"I have to go, Kuya. May exam pa ako eh." Tumayo sya at ngumiti sa akin.
No doubt na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya dahil sa ngiti nya.
"Okay, then. Goodluck." I smiled back.
He nodded at naglakad pero nang malapit na sya sa exit, lumingon sya sa akin. "I'm worried to you, Kuya. I hope magkaayos na kayo nila Kuya Jordan. And please. Stop loving her." At tuluyan na syang umalis.
I'm totally dumbfounded.
What did he just said? Stop loving her? Who? Is it Yel? Siguro nga.
I'm confused again. I thought okay na ang lahat, that I still love her. Pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayong alam ko kung ano ang pagkatao ni Sunny?
Si Sunny at Viel ay iisa. It means sya ang nawawalang kapatid ni Yel. Nasa paligid lang pala namin sya. Another thing is... Sya ang batang kinidnap ng gago kong ama! Damn!
*Flashback
"Papa, where are we going?"
I don’t know kung bakit nagmamadali si Papa. Bigla nalang nya kasi akong hinila. Naglalaro pa ako sa psp eh.
"Sa business ko." He said without looking at me.
"Really?! That's great!"
I'm so happy because this is the first time that he will bring me to his workplace.
I thought he's working at a company. Iyong may magagandang facilities, professional na tao sa paligid at maraming paperworks but I was wrong. Sa isang abandonadong building nya ako dinala. Malayo sa maraming tao.
"Papa." I looked at him. Diretso lang ang tingin nya sa dinaraanan namin.
"Good evening, Boss." Bati sa kanya ng isang lalaki. Chubby sya tapos nangingitim na ang labi dahil sa paninigarilyo.
"Nasaan sya?"
"Nasa kwarto po. Ang ingay na nga po eh. Kanina pa ngawa ng ngawa."
Sinamahan kami ng lalaki sa paglalakad.
Clueless ako kung anong nangyayari rito.
Pagdating namin sa tapat ng isang pinto, narinig ko ang malakas na iyak ng isang babae sa loob. Pagbukas ng pinto, bumulaga sa amin ang isang batang babae na umiiyak. Sa tingin ko, mas matanda ako sa kanya ng three years pero ang cute nya. Para syang doll.
"Palabasin nyo na po ako rito! Please po. I wanna go home. I miss my mommy. I miss my Ate Yel." Umiiyak na sabi ng batang babae.
"Don't worry, hija. You'll see your family kung susunod sila sa utos ko. Dahil kung hindi, ibebenta kita sa iba. Or worst, patayin kita." Nakangisi na sabi ni Papa.
Nakakatakot ang itsura ni Papa ngayon. Iba rin ang way nya sa pagsasalita.
"Papa." Tawag pansin ko sa papa ko.
"Oh! Vincent, my son. Are you happy na dinala kita sa business ko?"
Umiling ako. "No. I'm not! I thought you were a good man. But you’re bad! You're scary, Papa!"
"Cut that crap! I'm doing this for you!" He yelled at me.
Nagulat ako sa pagsigaw nya. Nakakatakot ang itsura nya. Lumuhod sya at hinawakan ako sa balikat. Nawala ang nakakatakot nyang tingin.
"The truth is, I'm jobless. Wala na akong pangsustento sayo, anak. Ayokong mawala ka sa akin. Iniwan na ako ng mama mo kaya ayokong pati ikaw, iwan ako! Ikaw nalang ang natitira sa akin. Mahal na mahal kita anak."
I was crying. Even though I'm a kid, I know what he's doing and it's a crime.
Kinidnap nya ang batang babae para magkaroon sya ng pera. Pera para maibigay lahat ng gusto ko.
I don't want it! I can’t stand it. So I run away.
Pupunta ako sa mama ko. I know, I'm safe there.
"Vincent, baby. What happened? Bakit ka umiiyak?" Mama hugged me.
"Mama, ayoko na po kay Papa. Dito nalang po ako." Umiiyak kong sabi. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.
“Okay, Vin. I will never let him get you.”
After that incident, hindi na nakalapit sa akin si Papa pero may communication pa rin kami, patago nga lang.
At first, hindi ko sinasagot ang mga tawag nya pero hindi ko sya matiis. I love my father. But the day when he called again, I began to hate him.
“Son, how are you?”
“I’m good. How ‘bout you?”
Bigla syang nanahimik. “Pa, still there?”
“Y-yeah. Okay lang ako.” Nauutal nyang sagot.
I have to ask him. Gusto kong malaman kung nakabalik na ang babaeng kinidnap nya.
“Pa. How’s the girl? Is she with her family now? Pinakawalan nyo na ba sya?”
Matagal bago sya sumagot. “I’m sorry, son.”
“What do you mean?” Taka kong tanong.
“Hindi ko sya binalik sa parents nya. Nasa pangangalaga sya ngayon ng kapatid ni Conrad. Si Lucio Villa.”
What?! Hindi nya pinalaya ang batang babae? Ang sama nya!
“I hate you! Don’t ever call me!” Then I ended the call.
Ayoko na syang kausapin pa. Wala akong ama na kikidnap ng bata para lang magkaroon ng pera at ayokong ako ang maging dahilan ng kasamaan nya! I hate him for that!
*End of Flashback
Until now, sobrang kinamumuhian ko pa rin sya sa ginawa nya. Minsan, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko sa nangyari. Dahil sa akin, sa kagustuhan ni papa na magkaroon ng pera, ginamit nya si Sunny para makuha ang gusto nya.
Kahit hindi natuloy ang paghingi nila ng ransom, nawalay naman sa tunay na pamilya si Sunny. Hindi dapat ito nangyari.
I have to do something!
RHEA VILLA’s POV
Hindi ako mapakali. Nakarecover na si Sunny mula sa aksidente pero feeling ko may mali.
Noong nagising sya, nakita ko sa mga mata nya ang takot. Nagtaka ako kung bakit ganoon ang reaksyon nya. Kaya hindi matahimik ang isip ko at napaluwas ako.
"Ate Rhea." Napatingin ako sa pinto.
Dumating na pala sya. Nakaupo ako sa kama nya. Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Okay ka na ba?"
"Syempre naman. Okay lang ako, ate. Wag kang mag-alala. Iyan ba ang dahilan kung bakit ka pumunta rito?"
Napalunok ako kasabay ng kaba sa aking dibdib. Tumango ako.
Alam kong mabibigla sya sa tanong ko pero ito ang rason kung bakit gusto ko syang kausapin. "Saka may gusto akong malaman." Sana ay hindi sya magsinungaling na sagutin ang tanong ko. Ayokong manghula sa kinikilos nya.
"Bumalik na ba ang alaala mo?"
Kung bumalik na nga ang alaala nya, sana ay hindi nya kami layuan at kamuhian dahil nagsisisi na kami.