Chapter Seven

1762 Words
VINCENT LEE's POV Naiintindihan ko ang sitwasyon ni tita. Gusto nya lang na maging masaya ang anak nya. But... Should I do that? Argh! I don't know what to do! "Are you alright?" Kuya Jerome patted my shoulder. I sighed. "I'm not." "I don't know what happened to you but you should focus on our practice. Naaapektuhan ang practice natin." Nagpapractice kami ngayon ng choreo for our upcoming concert at heto ako. Nagiging problema sa group. "I'm sorry." Recently, nawawala ako sa sarili kapag nagpapractice kami. Hindi pa rin kami okay ni Kuya Jordan at may awkward moments pa kami nila Kuya Matthew and Andrew. I have to think kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi dapat padalos dalos ang desisyon ko. Kailangan kong mag-sorry sa tatlo kong kapatid. Ginawa nila iyon dahil concern sila sa akin. Ayaw nilang maapektuhan ako at ang career namin. Napapitlag ako nang mag-ring ang phone ko. Its Joana. "Hello, Miss Joana." "Saan kayo ngayon? I have to get your sizes para sa concert nyo next month, remember?" "Oh! Sorry. We are just busy kaya hindi kami nakakapunta sa boutique mo." She sighed. "It's okay. Ako na lang ang pupunta sa mansion nyo mamaya." "Thanks, Miss Joana." Then she ended the call. Hindi ko na alam kung paano namin nakakayanan ang sunod-sunod na schedule pero ang alam ko, malapit na akong sumuko. *Flashback "Yel was so depressed when she lost her younger sister. She really love her sister. Sinisisi nya ang sarili sa pagkawala ni Viel." Naluluhang sabi ni tita. "I thought... Only child si Yel." "No. May kapatid pa sya. Nawala si Viel noong 2 years old sya kaya hindi alam ng ibang tao na may kapatid pa si Yel. Sinisisi ni Yel ang sarili nya sa pagkawala ng kapatid nya sa amusement park. Until now, wala pa rin kaming balita kay Viel. Di namin alam kung buhay sya or patay na." "So... Kaya pala ganon ang reaction nya noong pumunta kami sa amusement park." Napayuko ako sa sinabi ko. Masyado ko syang pinilit na tumuloy sa amusement park kahit ayaw nya. Yun pala, nasasagasaan ko na ang nakaraan nya. "Vincent... My daughter loves you so much. Dahil sayo ay kahit papaano ay kumikilos ng normal ang anak ko at masaya sya. I'll do anything for her. Kaya kakapalan ko na ang mukha ko. Will you please stay with Yel?" *End of flashback Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasagot ang favor ni tita. Nahihirapan ako magdecide. JOANA BENITO's POV "Okay na po ang lahat, Miss Joana." Nakangiti nyang sabi. "Salamat, Sunny. Pero okay ka na ba talaga? Wala na bang masakit sayo?" Nag-aalala kong tanong. Isasama ko sya ngayon sa lakad ko dahil naka-maternity leave ang kasama ko sa boutique. Two weeks since Sunny discharged from the hospital. I was relieved that she's fine and doing well. "Okay lang po ako. Wag po kayong mag-alala." She's a sweet girl and very hardworking. Most of all, she's innocent in everything. Natatawa na nga lang ako minsan kapag may sinasabi ako sa kanya na pangalan ng mga artista at magtatanong sya kung sino iyon. I thought she was joking around pero hindi pala. Hindi nya talaga kilala. "Okay, then. Lets go!" We're going to the mansion of the famous boyband all over the world. Nai-stress ako sa mga magkakapatid na yon! Last week ko pa kasi sila pinapapunta sa boutique ko para masukatan na sila ng damit for their upcoming concert. So it ended up, ako ang pupunta sa kanila. "Oh! It's gorgeous Joana! Nice to see you here!" Masayang bati sa akin ni Mr. Tristan Park nang makarating kami sa mansion nila. "Hi, Mr. Park. Are they here?" He nodded. "Nasa practice room sila. Pumunta ka na lang. Pagpasensyahan mo na rin sila. Mahirap na sawayin kapag malalaki na." "I understand naman po. Pupuntahan ko na po sila." Sinamahan kami ni Mr. Park papuntang practice room ng mga boys. Nilingon ko si Sunny na nakasunod sa amin. Nakakapanibago yong mga kinikilos nya. Ano kayang gumugulo sa isip nya? Pagbukas ko ng pinto ng practice room, nadatnan namin ang mga boys na nagkukwentuhan. Katatapos lang yata nila magpractice. "Hello, guys! I thought kayo ang pupunta sa boutique ko para masukatan kayo ng damit. Nakakatampo kayo." I said. Tumayo at lumapit sa akin si Spencer. Ano na namang balak nitong unggoy na ito? "I'm sorry, my love. Busy kasi kami. Mapapatawad mo ba ang gwapong nilalang na ito?" Paawa nyang sabi. "Saan banda yong gwapong nilalang na sinasabi mo? Hindi ko kasi sya makita." Walang gana kong sagot. Pinapaandaran na naman ako ng pagka-flirt ng unggoy na ito. "Ouch! Sakit naman non." Umakto pa siya na parang nasaktan sa sinabi ko. Hindi ko na lang sya pinansin at tinawag si Sunny para ibigay sa akin ang mga gamit na kailangan ko para sa pagsusukat sa mga boys. "Infairness, Matt. Pumapayat ka ngayon. Good job!" Puri ko kay Matthew. Nabawasan ng eight inches yung wasteline nya. "Thanks, Miss Joana. Pero pwede bang dagdagan mo ng three inches allowance sa wasteline ko?" Kunot noong tinignan ko sya. "Why? Masikip ba yong sukat ko? Are you not comfortable?" Umiling sya. "Mapapasabak kasi ako sa kainan after our practice. So I guess kailangan ko ng allowance for my costume." "O-okay." Useless din pala ang puri ko sa pagpayat nya. Anyway, It's better na rin na ganyan ang size nya. It suits him and he's healthy pa naman saka kaya nyang dalhin ang sarili. After kong makuha lahat ng sizes nila, umalis na kami ni Sunny sa practice room. Sobrang kukulit nila. Pero may isa pa akong napansin. May kakaiba kay Vincent and Jordan. Ano kayang problema ng magkapatid na yon? Ang layo kasi nila sa isa't-isa noong nakapila sila. "Sunny, wala ka bang napapansin sa ----" Huh? Nasaan si Sunny? Bakit nawala? Napapakamot sa ulong bumalik ako sa practice room para tignan kung nandoon pa rin si Sunny. "Guys, nakita nyo ba si Sunny?" Umiling sila. Nasaan na ba ang batang iyon? Kailangan na naming umalis dahil may aasikasuhin pa akong fashion show sa August. Bigla kong naalala yong invitation letter na dapat kong ibigay sa mga boys. "Guys, sorry to interrupt. But I would like to invite you for my upcoming fashion show this coming August. Hope you all come. Here's the invitation." Inabot ko isa-isa sa kanila ang invitation. "Where's Vincent?" Nagtataka kong tanong nang mapansin na wala sya. "Lumabas." Bryan Trevor said. "Ah, okay. Pakibigay nalang ito sa kanya. Tell him na ine-expect ko syang dumating dahil sya ang main model ko for that day." Bryan Trevor nodded. Ang tipid talaga magsalita ng batang ito. Parang magkakasakit kapag nasobrahan sa pagsasalita. For now, kailangan kong hanapin si Sunny para makaalis na kami. I'm in a hurry. VINCENT LEE's POV Lumabas ako ng practice room at sinundan sina Miss Joana at Sunny. Kailangan ko syang makausap. Pagliko nila sa hallway, hinawakan ko sa wrist si Sunny. Halatang nagulat sya sa ginawa ko. Hinila ko sya at dinala sa play room. Nakatalikod ako sa kanya pero hawak ko pa rin ang wrist nya. Hindi ako matatahimik kapag di ko sya kinausap. "Nakalabas ka na pala ng hospital. Are you okay now?" Humarap ako sa kanya. Nakayuko sya. Tumango sya. "Salamat pala sa tulong mo." "Wala iyon." Naikuyom ko ang kamay ko. Damn! Bakit ang inosente nya?! "Ah. Vincent, alis na ako. Baka hinahanap na ako ni Miss Joana." Tatalikod na sana sya pero pinigilan ko sya. "Who are you?" I asked in a serious voice. Nagtatakang tinignan nya lang ako. Bakit ganon? Naiinis ako sa kanya! Ginagawa nya akong tanga sa kainosentehan nya! Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya. "I said, who are you? Answer me!" "H-hindi ko alam ang s-sinasabi mo. P-please. B-bitiwan mo ako. Nasasaktan ako." Mangiyak ngiyak nyang tinatanggal ang mga kamay ko na mahigpit na nakahawak sa wrist nya. Ngumisi ako. "Acting innocent, huh? Hindi mo ako maloloko! Dahil sayo nasa mental hospital ang girlfriend ko!" "A-anong pinagsasabi mo?" Naguguluhan nyang tanong. "Ikaw ang may kasalan kung bakit naghihirap si Yel at si Tita Sumi!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Ayokong magalit sa kanya pero di ko maiwasan. Nakita kong nagulat sya sa pagsigaw at sinabi ko. Nag-hire ako ng private investigator para mahanap ang nawawalang kapatid ni Yel. Nakapagdecide na ako kagabi. I'll stay with Yel. I still love her. Masyado lang akong confused sa feelings ko for Yel dahil sa mga nalaman ko. Yel needs me lalo na sa condition nya ngayon. When the private investigator gave me the report about Viel Kim, I was shocked! All this time, nasa paligid lang namin sya. Alam kong hindi dapat ako magalit sa kanya dahil wala syang alam dahil sa pagkakaroon nya ng amnesia pero ayokong makitang nahihirapan si Yel. Sinisisi nya hanggang ngayon ang sarili sa pagkawala ng kapatid nya at nagkasakit pa sya. Ayokong habang buhay syang nasa lugar na yon. Binitiwan ko sya at yumuko. "Please. Come back to—" Naputol ang sasabihin ko dahil pumasok si Marcus. "Oh! Kuya! Nandito ka lang pala. Magpapractice na daw tayo sabi ni Kuya Dennis." I nodded. "Ate Sunny, hinahanap ka na rin ni Miss Joana. Alis na raw kayo." Baling ni Marcus kay Sunny. "S-sige. S-salamat." Dali-dali syang lumabas ng play room. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Marcus si Sunny. "Anong pinag-usapan nyo, Kuya? Bakit kayo nandito?" Sunod-sunod nyang tanong. Di ko sya pinansin at lumabas na ng play room. Di na rin sya nagsalita pa. SUNNY VILLA's POV Umiiyak na tumakbo ako palabas ng mansion. Bakit ganon? Bakit ganon sya? Bakit nya ako sinigawan kanina? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Dire-diretso lang ako sa pagtakbo nang makabunggo ko si Miss Joana. "Saan ka ba galing bata ka? Bigla ka na lang nawala. Wait, why are you crying?" "Pasensya na po Miss Joana. Naligaw po kasi ako. Hindi ko po kayo nasundan agad tapos na puwing pa po ako." Palusot ko. "Tsk! Tsk! Oh, sya. Total nandito ka na, alis na tayo. May lakad pa ako." Ilang linggo palang mula ng magkamalay ako pero ang dami ko ng problema. Nang tinanong ako ni Vincent kung sino ako, hindi ko maiwasang mag-isip kung may alam sya tungkol sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. Habang wala pang nakakaalam na bumalik na ang alaala ko, kailangan kong mag-ingat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD